Kadarating lang ni Ara sa condo n'ya balak na sana n'yang dumertso sa banyo para maligo dahil nanlalagkit na talaga na s'ya mula pa kanina. She even smells her underarm so far naman wala pang namumuong delubyo, hindi maganda ang mood n'ya kaya 'di na s'ya nakasama kay Luzifer ng mag yaya ito ng late dinner sana kanina na badtrip s'ya ng bongga kay Lightningvolt na sobrang presko kung 'di lang n'ya na iisip si Devin nito supalpal ito sa kanya ng bongga. Dumagdag pa sa init ng ulo n'ya ng 'di n'ya ma-contact si Devin kanina. Ewan ba n'ya pero parang nag dodoubt s'ya kay lightningvolt kung puwede lang sana n'yang alisin ang helmet n'ya kanina ginawa na n'ya. Gusto sana n'ya itong amuyin kapag amoy downy ito 100% na si Devin ito dahil ito ang naman ang kilala n'yang nag iisang lalaki na 'di na hihiya na mag-amoy downy kesa mag amoy pabango gaya ng ibang lalaki na taga high society.
Kumunot ang noo ni Ara na napatingin sa pinto ng makarinig ng doorbell, sabay tingin sa kahuhubad pa lang na rilo almost 10pm na sino naman kaya ang bisita n'ya ng ganitong oras. For sure isa sa mga kapatid n'yang wala nanaman magawa sa buhay at mang titrip nanaman sa kanya. Palapit na sana s'ya sa pinto ng makitang nag riring ang cellphone n'ya at nakita n'ya si Devin ang natawag napanguso naman si Ara na sinimot ang cellphone habang papalapit sa pintuan.
"Ano? Buhay ka papala kanina pa ako tawag ng tawag sayo. Busy ka nanaman sa anatomy ni Cortney kaya di ka nanaman maabala." bungad agad n'ya sa Fiance'.
"God! Narindi ako dami mo na agad nasabi instead na hello lang. Open the door bilis pa ihi ako." so si Devin pala ang dalawa n'ya. Ano naman kaya ganap nito at naligaw sa condo n'ya sa tagal tagal na nilang mag kakilala ngayon lang ito naligaw ng gabi. Madalas hapon or umaga basta nasa condo s'ya. Saan naman kaya ito galing at naka dayo pa ng ganitong oras sa condo n'ya , malayo sa condo n'ya ang condo nito bukod dun out of way pa. Kaya nakakapagtaka na nakadayo ito ng ganun oras sa condo n'ya, paglapit sa pinto agad na n'yang binuksan nagulat pa s'ya ng nag mamadaling pumasok si Devin at basta na lang nitong isinaksak sa dibdib n'ya ang dala nitong plastic bag na may tatak ng isang sikat na seafood restaurant. Napangiwi naman s'ya gabing-gabi na para kumain pa sila ng seafoods pero dahil mabango iyon bigla s'yang nakaramdam ng gutom. Huling kain pa n'ya ay sa reception ng kasal ng parents nito kaya napabuga na lang s'ya ng hangin na dumeretso na s'ya ng kusina para ihain ang dala ni Devin na pagkain. Buttered sugpo, clams, Roast lobster at spicy crab meat na talaga naman nakakatakam.
"May banyo dito sa dinning area talagang sa banyo ko pa sa kuwarto napili mong mag jingle." sermon pa ni Ara kay Devin ng pumasok na din ito ng kusina.
"Hindi ko na naisip sobrang ihing-ihi na ako."
"Saan ka ba ng galing?"
"Sa planet Earth. Kain na tayo I'm hungry wala ka bang rice?" tanong pa ni Devin ng maupo na ito sa dinning set n'ya.
"Wala, malay ko bang pupunta ka dito."
"Ito lang kakainin natin? Ano ako shokoy?" natawa naman si Ara sa banat ni Devin.
"E ikaw bumili n'yan e."
"Saing ka konti lang hindi masarap ng wala kanin dali."
"Hay! Downy." Bulalas na lang ni Ara na tumalikod para mag saing ng konti lang para mabilis na maluto sa rice cooker.
"Sa susunod wag kang basta-basta na lang pupunta ng ganitong oras ng gabi dahil nakakahiya naman sa kapal ng mukha mo wala akong maipakain sayo."
"Galing ako sa Kuya Gabriel mo. May hiningi kasi s'yang details tungkol sa gagawing hotel ko."
"Nakabalik na ng Pilipinas si Kuya akala ko sabay na sila ni Mommy na uuwi?"
"Bukas na sisimulan ang construction ng hotel. Ayusin mo baka palpak ang trabaho mo ha."
"Wow! parang sarap liha-hin ng mukha mo? Ako to Dev kung 'di ka aware, I'm one of the most well-known architect in town. Kaya ayusin mo yang tabas ng dila mo baka ipa grinder ko yan."
"Sinasabi ko lang kasi baka porket iniisip mo na soon mag papakasal tayo e mag pa easy-easy ka lang."
"At sino naman may sabi na mag papaksal ako sayo? Ayoko sa lalaki na mahilig kumain ng tahong ng kung sino-sinong babae." natawa naman si Devin.
"At sino naman may sabi sayo na kumakain ako ng tahong ng kung sino-sinong babae. Mukha na ba talaga akong shokoy? mahilig lang ako sa seafoods pero ayoko sa tahong na hindi luto lalo na't hindi fresh." tumawa naman si Ara.
"Sus! Wag na tayong showbiz wala naman ibang nakakarinig."
"Come here!" hindi s'ya sumunod kaya ito ang tumayo para lapitan s'ya at muntik pa s'yang mapasinghap at napa atras na napa-upo sa gilid ng mesa ng lumapit ito ng sobrang lapit na akala mo ay hahalikan na s'ya.
"Amoy tahong ba ng kung sino-sinong babae ang bibig ko?" napangiwi naman si Ara na intinulak ito.
"Your gross." tumawa naman si Devin na bahagyang lumayo para magkaroon sila ng distansya.
"Wag mo kasi akong pag bintangan ng bagay na 'di ko naman ginagawa."
"Kasama mo lagi si Cortney sa tigas din naman ng mukha ng babaeng yun na kulang sa pag kaka liha. Feeling ko 'di yun papayag na mag titigan lang kayong dalawa."
"You're fishing an answer, do you? Kung nag sesex ba kami ni Cortney kapag mag kasama kami?" tumaas naman ang kilay ni Ara.
"Hmmmp! Ano naman paki-alam ko kung nag sesex kayo, Buhay mo yan Devin at may usapan naman tayo diba na kailangan natin gumawa ng paraan para 'di tayo pilitin ng parents natin na mag pakasal. Mag jowa lang tayo ngayon para sa world peace, malinaw naman yun sa uspan natin before diba."
"Baka luto na yang kanin. Mas gusto kong kumain ngayon kesa pag-usapan natin ang score sa pagitan natin pero just for the record. Hindi ako basta nakikipag s*x lang kung kani-kanino. Choosy rin naman ako mataas ang standard ko sa babae kung 'di lang din katulad ni Mommy di bale na lang."
"Yan, tapos sasabihin mong hindi ka mama's boy."
"Hindi nga kasi ako mama's boy dahil i can still make a decision with myself na 'di ko kailangan mag sabi pa sa mommy ko."
"Then wag kang umasa na makakakita ka pa ng katulad ng Tita Dana dahil ako mismo mag sasabi sayo na walang katulad si Tita Dana dahil she's one of a kind kaya napaka suwerte ni Tito Dylan because God Bless him with such a wonderful woman." napangiti si Devin habang nakatitig kay Ara na pinag taka naman ng dalaga.
"Ano klaseng ngiti yan?"
"Nag papalapad ka ng papel sa akin ano kaya pinupuri mo ng sobra si Mommy." tumawa naman si Ara na tumalikod para tingnan ang sinaing kung luto na.
"Di' mo na kailangan mag lapad ng papel dahil sapat na ang amoy mo para mag dilim ang paningin ko."
"Gago ka talaga." tumawa naman si Dev.
"Kapag ba nag start na ang project sa site ka nanaman titira?" tanong na lang ni Devin ng ihain na ni Ara ang kanin na hinihingi n'ya.
"Malamang, alangan mag uwian pa ako from Alabang to Quezon City pero syempre twice a week uuwi ako sa amin. Alam mo naman si Mommy hindi papayag yun na di nakikita ang isa sa maganda n'yang anak." ngisi ni Ara habang nag sisimula na rin kumain.
"Si Ana kamusta na?" tumaas naman ang kilay ni Ara, alam n'ya na si Ana talaga ang ideal girl ni Devin pero malas nito bago pa ito maka diga sa kakambal n'ya nabuntis na si Ana ng boyfriend at nag pakasal na agad ang mga ito at ngayon may anak ng dalawa ang kakambal at happily married na sa italian husband.
"Tao pa rin." sumimangot naman si Devin.
"Ang ayos-ayos ng tanong ko?"
"Yan, kapag ikaw ang balasubas sumagot okay lang pero kapag ako ang sumagot sayo ng kabaliwan. Sisimangutan mo ako ng bongga e kung hampasin kaya kita ng dos por dos." tumawa si Devin.
"Kapag ginawa mo yung wala ng guwapong nilalang ang na mag papakasal sayo?"
"Ha! As if naman talaga mag papakasal tayo. E allergic na allergic ka nga sa idea na ikakasal tayo someday."
"Hindi ako allergic sa idea ayoko lang ng paraan ng parents natin. I want to marry the woman I love at gusto ko mahal din ako ng babaeng pakakasalan ko dahil iyon naman ang tama diba. Hindi yun mag papakasal tayo just because iyon ang gusto ng parents natin dahil for business purposes. Alam kong ayaw mo rin ng idea na yun?" mahabang lintanya ni Devin pero iba ang nasa isip ni Ara. In some point tama naman ang sinabi ni Devin, oo ayaw n'ya sa idea na ikakasal sila dahil sa business pero gusto n'ya ang idea na makasal dito someday pero hindi naman n'ya gusto na ipilit ang sarili rito kung ayaw nito tiyak masasaktan lang s'ya sa huli. Mas masarap pa rin mag mahal na minamahal ka rin. Sila ngayon ni Devin parang normal couple lang na walang intimacy na nangyayari. Mas madalas pa na mag kaaway sila kesa magkabati. Normal sa kanila ang angilan at bardagulan iyon lang kasi ang way n'ya para 'di mahalata ni Devin ang feeling n'ya rito. Pride na lang kasi ang kaya n'yang hawakan pag dating kay Dev dahil ang puso n'ya nawalan na s'ya ng access sapol ng ma in love s'ya kay Devin.
"Lutang ka nanaman. Hello nasa Earth ka pa ba?" kaway pa ng kamay ni Devin sa harapan ng mukha n'ya.
"Iniisip ko lang hindi ba ako kamahal-mahal?" natigilan naman sa pag nguya si Devin.
"Ano biglang nag loading ang braincells mo sa tanong ko?"
"Depende sa isasagot mo ang sagot ko?" kumunot naman ang noo ni Ara.
"Bakit ano bang tanong mo?"
"Obviously you don't like me either, bakit?" saglit na nag-isip si Ara, 'di n'ya inaasahan ang tanong na iyon ni Devin kaya mabilis n'yang pinagana ang isip n'ya.
"Sino may sabi na hindi kita gusto?" kumunot naman ang noo ni Devin.
"Gusto ko amoy mo unique, walang matinong lalaki na fabric conditionaire ang gamit na perfume. Ikaw ang na mumukod tangi sa lahat kaya I really like you."
"Alam mo nakakapikon ka na."
"Bakit ba? totoo ang sinasabi ko gusto kita kasi unique ka well of course given na guwapo ka naman sadya pero yung amoy mo talaga ang nag dalaga ng s*x appeal mo." ngisi ni Ara.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo Ara."
"Tinanong mo ako, sinagot lang kita. Anong mali dun?"
"Yan dahilan kung bakit ayokong mag pakasal sayo." kumunot ang noo ni Ara na napasunod nf tingin kay Devin na tumayo na at nag hugas na ng kamay sa lababo. Tapos na ba itong kumain?
"Hindi talaga tayo puwedeng mag pakasal kung ganyan mga sagutan mo sa akin."
"Saan ka pupunta? uuwi ka na? paano tong mga pag kain na binili mo?"
"Ubusin mo lahat." supladong sagot nito habang nag pupunas ng kamay.
"Ano bang mali sa sagot ko?"
"Walang mali sa sagot mo. Ikaw mismo ang mali at ewan ko ba bakit nag iinvest pa ako ng time with you in the first place hindi rin naman natin gustong pakasalan ang isa't-isa."
"Bakit nga ba? Sino bang may sabi sa'yo na mag-invest ka ng time with me. I'm not asking you to do that kung isusumbat mo lang din sa akin." inis na wika ni Ara na nakasunod kay Devin na palabas na ng dining area.
"Wag kang mag-alala this will be the last dahil i came up to realize na walang patutunguhan ang lahat ng to dun ka na lang mag pakasal sa demonyong yun."
"Talaga mas gugustuhin ko pang pakasalan si Luzifer kesa sayo na dun ka sa cortney mo bagay kayo ikaw amoy Downy s'ya amoy domex. Mag sama kayong dalawa!" Angil pa ni Ara.
"Talaga. Okay na ang amoy Domex kesa amoy kalawang."
"Go to hell."
"Ikaw ang pumunta dun tutal taga dun naman ang lalaking gusto mong pakasalan." sagot naman ni Devin ng makalabas na sa pintuan.
"Teka lang!" sigaw pa ni Ara na hinila pa ito sa suot na damit na ikinalingon ni Devin. Mabilis na hinubad ni Ara ang suot na engagement ring na binigay nito sa kanya na pansamantala n'yang isinuot para lang maniwala ang parents nila na sinusubukan naman nilang ibigay ang gusto ng mga ito. Isinilid ni Ara sa bulsa ni Devin ang sing-sing saka halos yumanig ang buong pader ng pintuan n'ya ng isarado n'ya ang pinto sa sobrang buwisit n'ya kay Devin.
"Kala mo ba isusuot ko ulit sa'yo ang sing-sing na to' ikaw na ang nag hubad kaya wag kang umasa na iaalok ko ulit na isuot mo to." sigaw pa ni Devin.
"Hindi talaga baka matetano pa ako sa sing-sing mo."
"Ibinabagay ko lang ang sing-sing na binili ko sa mag susuot."
"Anong sinabi mo?" sigaw pa ni Ara na bigla n'yang buksan ang pinto mabilis naman nakatakbo si Devin at di na lumingon pa at nag mamadaling nagtungo sa elevator bago pa s'ya makahabol sa binata nag sarado na ang pinto ng elevator. Mabilis naman s'yang bumalik sa unit n'ya at nag mamadaling inilagay sa block listed si Devin sa lahat ng social media account n'ya na puwede s'yang ma contact ni Devin. Ang kuya naman n'ya ang madalas nitong kailangan kausap kung may kailangan itong sabihin sa kanya bilang architect sabihin na lang nito sa kuya Gab n'ya. Hindi nila kailangan mag-usap pa o mag kita anong akala nito nag-iisa na lang itong lalaki sa Earth. Magtatanong-tanong tapos pag sinagot magagalit sarap tubuhin kung 'di lang talaga n'ya ito mahal. Iniisip ba nito na s'ya ang unang aamin na may gusto s'ya rito na mahal n'ya ito, never! Hindi mangyayari na s'ya ang unang aamin ng totoo feelings n'ya rito. Magugunaw ang Earth hindi mangyayari na s'ya ang unang aamin sa lalaki 'di bale ng tumandang dalaga.