CHAPTER 30 Congrats “Are you okay?” tanong sa ‘kin ni Drayven nang makabalik kami ni Tita sa party. I just gave him a fake smile. “Yeah.” “Usap na tayo?” Nanatili ang tingin ko sa kulay kape niyang mga mata. I really wanted to tell him my opinion. But in the end, I decided to keep it to myself. “Nah. Nakalimutan ko ang sasabihin ko.” Drayven chuckled at what I said, thinking that I was joking. “Drayven!” May tumawag sa kanyang mukhang business man. Kaagad naman niya ‘yong nginitian. “Tito!” He glanced at me first, asking for permission to go. Tumango naman ako at uminom sa wine glass na hawak ko. Pagkatapos no’n ay umalis na siya. Bumuntong-hininga ako at nag-isip ng solusyon sa problema ko ngayon. Valiente family has done so many things for me.

