CK's POV: "What? Nag sisimula pa lang kayo may kontrabida na agad?" Natatawang sabi ni Erin habang ini-inom niya ang rice wine. Napangiwi pa nga ako ng maamoy 'ko 'yung mabahong amoy nung wine. Hindi talaga ako sanay sa amoy ng mga alcoholic beverage. "Hindi naman siguro siya kontrabida katulad mo. Hindi lang talaga maganda ang kutob 'ko sa kaniya." kinuha 'ko ang juice at ininom iyon. Hindi naman kasi ako talamak sa alak tulad ni Erin. Hindi 'ko nga rin ba malaman kung bakit naging close 'ko ang bruhang 'to. On the other side masasabi 'ko namang mabait din siya. Nagagawa 'kong mag kwento sa kaniya at mapag kakatiwalaan naman ang babaeng 'to. Tulad bgayon binanggit 'ko sa kaniya 'yung babaeng nakita namin sa grocery. Sinidihan niya ang isang stick ng sigarilyo at inalok naman ako nito p

