Chapter 2

1541 Words
CK's POV: "Ate, ma uubos na 'yung gamot ni Nanay. Hanggang sa isang araw na lang iyon." Pag papaliwanag ni Sui sa akin habang ina abot sa akin ang tasa na may lugaw. "Nay, kain ka na." Sinubuan ko si Nanay pero hirap pa rin itong ngumuya at gumalaw. Umupo naman sa tabi ni Nanay si Sui at pinupunasan ang tumutulong lugaw sa bibig nito. Na aawa ako sa kalagayan ni Nanay, limang taon na siyang ganito. Una ay mild stroke lang naman pero di nag laon ay na stroke na talaga si Nanay. "Ate, ako ng bahala kay Nanay. pumasok ka na." naka ngiting sabi sa akin ni Sui at kinuha nito ang tasa mula sa akin. Tatlo na lang kaming mag kakasama, ako, si nanay at ang nakababata kong kapatid na si Sui. Nakakulong kasi si Kuya at namatay naman si Tatay noong sampong taon pa lang ako kaya si Nanay na ang nag trabaho para sa amin, 'yun nga lang ay na stroke naman siya nung kinse anyos ako. Doon 'ko naman na kilala 'yung walanghiya kong boyfriend na tinuruan akong maging drug pusher at naging mitya ng kamatayan 'ko. Ito rin ang dahilan kung bakit pilit ko na pinag tiya-tiyagaan si Xavier dahil sa bawat buwan na may babae akong dinadala sa kaniya ay may porsyento akong nakukuha. "Mukang malalim na naman 'yang ini isip mo aa." Seryosong umupo sa tabi ko si Ryan at sa kabilang gilid naman si Orange. Buti pa 'tong dalawa na 'to ay masarap na ang buhay. Biruin mo isa ng Engineer si Ryan at siya na rin ang nag papatakbo ng negosyo nila at kahit ganun ang ending ng love story nila ni Ayen ay nanatili itong matatag. Si Orange naman ay malapit ng maka graduate, naging sikat na rin siya na modelo kaya naman lalong tumaas ang self confidence ng uto. Ako na lang ata sa aming tatlo ang walang patutunguhan ang buhay. Lagi na lang ako na sasabit sa mga gulo. "Wala namang isip 'yan si Cyan. Kaya walang ini isip 'yan. Maliban na lang kung na invade na ni Xavier ang inosenteng pag iisip ni Cyan." Masama 'kong tinignan si Orange sa sinabi niya. Ako na naman ang nakita niyang asarin. minsan na nga lang kami mag kita kita dahil sa busy nilang schedule ay aasarin niya pa ako. Sabagay may point din naman siya roon. Malapit ng ma invade ni Xavier ang pag katao 'ko. 'Yung utak kasi matagal na itong mulat sa mga kabulastugan. "Sira! sa'yo pa lang mawawala na ka inosentehan 'ko." natawa naman sa amin si Ryan. Nag tataka talaga ako kung bakit ibang iba itong si Ryan kay Xavier ee. Mag pinsan naman sila pero si Xavier may sayad. Minsan pa nga ay may split personality pa ang lalaking 'yun. "Huwag kang bastos Cyan. Hindi naman kita kinana at pinag pantasiyahan kahit kailan kaya wag kang assuming." Lalong lumakas ang pag tawa ni Ryan na kumuha ng atensyon ng mga tao rito sa restaurant. Lintik kasing bibig ni Orange walang preno at ang lakas ng loob niya na sabihin na assuming ako? Duh! ni minsan nga ay hindi ko siya naging crush kahit nag uumapaw pa siya sa ka gwapuhan. Kinurot ko ito sa tagiliran na kina aray naman niya. Bwisit! Bakit ba napapalibutan ako ng mga lalaking manyak? "Woooah! Troy pati ba naman si Kei gusto mong gapangin?" Napalingon kaming tatlo sa bagong dating. Isa pa 'tong si Night mala Orange din ang pag uugali. Nag tama naman ang mga mata namin ni Xavier, halata mo na inis ito sa akin kaya inirapan 'ko naman siya. "Tarantado! paano 'ko gagapangin kung naka upo." Nakakaloko akong inakbayan ni Orange na mabilis 'kong pnalis. Napapalibutan ako ng mga abnormal na mag ka kaibigan. Si Ryan at si Light lang talaga ang matino sa kanilang lima. "Gago! Kunwari ka pa. Kahit nga nakatuwad o nakatayo na gagapang mo, 'yun pa kayang naka upo." Bigla naman akong na samid sa naging sagot ni Night. Ang babastos kasi ng bibig nila at talagang hindi nila na isip na may babae silang kaharap. "Tang ina niyo! manahimik nga kayo. May babae tayong kasama." Thank you talaga kay Ryan napaka gentleman niya talaga. "Hindi na siguro kailangan na ipag tabuyan ka pa CK para lang malaman mo na hindi ka kailangan dito." Na ibaling ko ang atensyon ko kay Xavier na seryosong seryoso ang muka. Talagang siya pa ang nag taboy sa 'kin? Ang kapal talaga ng pag mumuka ng lalaking 'to. Kung makapag utos naman siya pag kaming dalawa lang ang mag kasama ay wagas tapos ngayon pinapalayas niya ako dahil nandito na ang mga kaibigan niya. Ang kapal! "Hindi mo 'ko kailangan pa alisin. Aalis naman na talaga ako." Kahit ang totoo ay wala pa akong balak na umalis dahil ililibre raw ako ni Ryan ng lunch. "Come on, Kei. Saluhan mo muna kaming kumain. sabay na tayong bumalik sa hospital pag ka tapos." Makahulugang ngumiti sa akin si Light. Dahil malapit din sa akin si Light ay hindi na ako umalis. Ma inam na rin kasi na may kasama akong pabalik sa hospital mamaya. Doon kasi sa pinag ta-trabuhan ni Light ako nag O-OJT kaya madalas kami nitong nag kaka salubong. Isang katutak naman ang inorder nilang pag kain. Mga barako kasi ang mga ito kaya ang lalakas kumain. Ngayon ko lang na isip kung bakit ba sabay sabay nag l-lunch ang mga ito. Madalas kasi na sa LNB lang sila nag kikita kita. "Cyan, hindi ka dapat nag jejeta. Kumain ka ng marami." Nagulat naman ako ng lagyan ni Orange ng isang katutak na ulam at kanin ang plato ko. "hoy! bibitayin mo ba 'ko?" Paano naman kasi ay parang hindi na ako aabutin ng bukas sa dami ng nilagay niya. "Huwag kang pabebe, Cyan. Kung hindi ko lang alam sa kaldero ka pa kumakain nun." Natatawang sabi ni Orange na kinapula ng pisngi 'ko. Paano ba naman kasi ay pinag tawanan ako ng mga uto. Bwisit! Lagi niya na lang akong pinapahiya sa mga 'to. Nawawala tuloy ang katarayan 'ko sa ka gagawan ni Orange. "Lintik ka! Orange! ikaw nga sandok pa gamit mong kutsara." Kinurot ko naman ang tagiliran nito pero hindi siya na tinag sa pag tawa. Paano ba naman ay firm na firm na ang muscle nito, hindi tulad noong mga bata kami. "A--" Hindi na natuloy ni Orange ang sasabihin ng biglang tumayo si Xavier. Lahat kami dito ay nag kukulitan pero siya napaka seryoso niya. Sinusumpong na naman kaya ang lalaking 'to ng pagiging baliw niya? "Saan ka pupunta, Lucas?" Tanong ni Ryan kay Xavier pero imbis na kay Ryan tumingin ay binaling nito ang atensyon sa akin. "We have to do something." Seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin pero kinikilabutan ako sa mga tingin niya. Sa tuwing si Xavier kasi ang titingin sa akin ay na nunuot hanggang buto ang mga tingin niya. "With Cyan?" Tanong naman ni Orange dahilan para makuha nito ang atensyon ni Xavier. "yeah." Tipid nitong sagot at walang sabi sabing hinablot ako patayo at palabas ng restaurant. "What the!" Bigla na lang kasi niya akong binalibag sa loob ng kotse at mabilis na pina andar ang sasakyan. "Kung gusto mong mag paka matay! 'wag mo 'kong idamay!" Kahit kasi naka stop na 'yung traffic light naka go pa rin siya at sobrang bilis ng pag papatakbo niya na akala mo ay lilipad na kami. Ma awa kayo sa akin! ayoko pang mamatay na birhen! balak ko pang mag asawa! "Xavier!" Napapikit na lang ako ng makita 'ko ang truck na kasalubong namin. Doon ay biglang niliko nito ang manibela at bumunggo kami sa isang puno. Napahawak ako sa noo 'ko ng humampas ito at ng maramdaman 'ko ang kirot dito. "s**t!" Pinunasan 'ko ang dugo sa noo 'ko at nilingon si Xavier. Taimtim lang itong nakatitig sa labas na para bang wala lang sa kaniya ang nangyari. Kahit ramdam 'ko ang kirot at pag kahilo ay pilit akong bumaba ng kotse at mabilis na umikot sa kabila. Doon 'ko nakita na may dugo rin ito sa noo niya. "Xav.." Tawag ko rito pero wala itong imik. Napayuko na lang ako at napabuntong hininga. Gusto 'ko siyang sigawan at gusto 'kong magalit pero hindi 'ko kaya, Alam 'ko naman na isa ito sa mga unconscious reaction niya ng dahil sa psychotic disorder nito. "f**k!" Pinag hahampas nito ang manibela at inumpog ang sarili rito. Mabilis ko itong ni yakap at pinigilan pero tinabig lang ako nito. "Xav, Calm down." Inabot 'ko ang bag 'ko at mabilis na kinuha roon ang gamot. I injected him a ketamine to make him calm. Kita 'ko ang pag patak ng mga luha sa mga mata niya, tanda na hindi nito gusto ang mga nagyayari sa kaniya. Walang sabi sabi 'ko itong ni yakap ng mahigpit. Oo, masama siguro siya kung iisipin. He can hurt anyone or worst ay baka makapatay pa siya but it's not his fault, it's not his will. "Don't leave me." He whispered. I shook my head and kissed his forehead. "I'm not. I will never leave you, Xav." _____ SNS Account: FB Account: Ash Sandejas Twitter: CreepyPervy Wattpad: CreepyPervy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD