CK's POV: Pag dating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ni Sui. Kitang kita 'ko ang gulat sa mga mata niya ng makita si Kuya Blue. "Kuya!" "Sui!" Napangiti na lang ako habang pinag mamasdan si Sui at Kuya na mag kayakap at kita 'ko pa sa mga mata nila ang pangingilid ng luha at pagka sabik sa isa't isa. "aba! Kita mo nga naman ang laki laki mo na." "Syempre naman kuya, dalaga na kaya ako." "Bata ka pa rin. Ikaw ang bunso namin." Hindi pa rin nag babago si Kuya. He always take care of us. Nakita 'ko itong lumapit kay Nanay at kahit hindi pa nakakapag salita o nnakakagalaw ng ma ayos si nanay ay kita 'ko sa mga mata niya ang saya at pananabik kay Kuya Blue. "Nay, nandito na ako. Ako na ulit ang mag aalaga sa'yo." Dito nga ay tuluyan ng pumatak ang luha ni Kuya Blue habang niyay

