Range's POV: Nagulat ako ng sabihin ni Tito Luciano na isinugod sa hospital si CK kaya naman mabilis kaming pumunta ni Kuya Blue rito. Pagdating namin ay agad 'kong nakita si Xavier na tulala at puno ng dugo ang suot nitong damit. Kagagaling niya lang kanina sa bahay para hanapin si Cyan tapos ganito na agad ang nangyari? Kaya naman pala ayoko rin na paalisin kanina ng mag isa si Cyan ay dahil may ganito pa lang mangyayari. Nag aalala ako para sa kaniya. Lumapit sa'min si Night pero laking gulat 'ko na lang ng bigla na lang kwelyuhan ni Kuya Blue si Xavier. "Kuya Blue." Awat 'ko rito pero gigil na gigil nitong tinignan si Xavier. "Sabihin mo anong nangyari sa kapatid 'ko?" Hindi kumibo si Xavier at tanging pagpatak lang ng luha sa mga mata niya ang naging sagot sa tanong namin. Halat

