KABANATA III

1037 Words
CHAPTER THREE ABALA ang lahat sa ginagawang preparation para sa acquantance party na selebrasyon sa university. Inikot ni Olivia ang tingin sa paligid. Handa naman na lahat ang kailangan nila mula sa lahat ng decorations sa student council office hanggang sa pagkain na dapat nilang ihanda. "Hindi ka pa nagugutom, Olly?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Olly. Umiling-iling siya rito, kailangan niya pa kasi ayusin ang lahat ng letters na i-pri-print mamaya ng kaibigan niyang si Martha. "Sabagay. Marami ka naman yatang baon ng pagkain d'yan," tudyo nito sa kaniya. Sinamaan ito ng tingin ni Olly. Alam niyang si Marlon ang isa sa bully niyang classmate. Wala na itong ginawa kundi inisin siya, mabuti nalang sadya siyang mabait. At marunong makisama sa lahat; magmula sa guro hanggang sa mga estudyante ng unibersidad. Kailangan niya rin gawin 'to, dahil bukod sa isa siyang student council leader. Siya rin ang nangunguna bilang dean lister sa department nila. "Kuh! Ang mabuti pa umalis ka na at baka mamaya makatikim ka lang sa akin." "Maaga kang makukulong, Olivia. Isang dagan mo lang sa akin mamamatay na ako," natatawang sagot nito sa kaniya. Tumawa na lang din siya. Wala naman siyang magagawa kung papatulan ito. Hangga't sa hindi siya sinasaktan ng mga ito, lahat para sa kaniya balewala. Ang mahalaga sa kaniya, ang pag-aaral niya at si Juanito. Speaking of Juan. Balak niya itong puntahan mamaya sa Teatro at kung wala ito sa teatro malamang nasa library lang ito. Kailangan niya na tapusin ang lahat ng ginagawa niya. At mamaya lahat ng pagod na nararamdaman niya mawawala na pag nakita niya na si Juan. Her one and only. "TINGNAN mo 'to. Ito na ang maayos sa lahat ng design," Nagtaas ng tingin si Juanito kay Fernan. Tiningnan ang pinapatingnan ng kaibigan niya, tungkol sa design na kailangan nila para sa wall ng Teatro Rizalia. Tiwala siyang maayos na makakapili ito ng kailangan nila. At magiging aprubado sa Professor nila sa humanities. "Sa tingin mo?" balik tanong niya sa kaibigan. Maayos naman ang pinakita nito sa kaniya, hindi masyadong dark ang pagiging brown, hindi rin ganoon ka-light. Sapat na ito para makakapagbigay ng lame sa paligid ng Teatro. Mas maganda pa rin ang medyo madilim sa darating na acquantance party nila. Para sa ilang lights design na ikakabit nilang lahat. Pero naisip niyang kailangan din siguro ng opinyon ng ilan sa mga kasama niya. Wall lang naman ang kailangan kabitan ng wall paper kaya makakapagbigay pa ng ibang opinyon ang ilan sa mga kasamahan nila. Hihintayin nalang siguro nila ni Fernan. Maaga pa naman at may ilang araw pa silang paghahanda. Hindi naman siguro sila gagahulin ng oras. Ang mahalaga maayos na ang lahat ng pagkain na kailangan nila at ang set-up ng Teatro. Pag maayos na ang lahat, papasama nalang siya kay Tess sa pagbili ng ilang kailangan. Si Tess ang kaibigan niyang bokalista ng banda sa Himig Rizalia. Isa ito sa pinakamalit sa kaniya sa lahat ng babaeng miyembro. "Mauna muna ako. Nagugutom na ako," paalam sa kaniya ni Fernan. Ang aga naman magutom ng isang 'to, naisip niya. Mabuti nalang nangangalahati na rin sila sa ginagawa nilang dalawa. Pag dumating si Tess at ang iba pang kasama nila, matatapos na rin naman siguro agad ang lahat ng kailangan nila. Mag-isa na naman siya ulit. Lihim nalang siyang nanalangin na sana walang masamang espiritu ang dumalaw sa kaniya. Natawa rin siya sa sariling naisip sa tinutukoy niyang espiritu walang iba kundi si Olivia. "Goodmorning! My one and only, Juanito.” Sinasabi na nga ba niya. Hindi talaga mangyayari ang na hindi matatapos ang araw niya, hangga't masisira ng lumba-lumbang 'to. "Ano'ng kailangan mo?" bungad niyang tanong dito nang lingunin niya ito. “Nuks! Concern ka na ngayon sa kailangan ko sa’yo, ha.” “Marami akong ginagawa, Oily. So, you better to leave.” “Aalis agad?” kunwa nagulat na tugon nito sa kaniya. “Ang rude mo naman, Baby.” “Stop calling me that way, please. Baka pag may nakarinig sa’yo isipin pa nila may jowa akong dabyana.” “Ang hard mo sa part na ‘yon ha,” turan nito sa kaniya. Hindi man lang natinag sa sinabi niya rito. Makapal na talaga ang mukha nito, pagdating sa kaniya. “Malapit mo na rin namana ako maging jowa ‘diba?” anito Kumindat pa sa harap niya. Kahit kailan talaga may kakulitan ‘tong si Olivia, hindi na nagbago. Hindi niya na nga alam ang gagawin dito. Lahat ng pandededma ginawa niya na sa dalaga. Napasinghap siya. “Marami akong ginagawa, Olivia.” “Kabilang na ba diyan ang mahalin ako?” Hinarap niya itong nakipagtitigan siya ng tingin dito. “As you wish, Piggy!” sambit niya. Walang paalam na tumayo’t umalis sa hindi matiis na pang-aasar ng dalaga sa kaniya. “You’re my wish, Baby,” natatawang sigaw ni Olivia. Umiling-iling nalang si Juan kasabay ang pagbuga ng malalim na hangin sa sinabi ng dalaga. “Baliw na siya!” Lihim niyang pinanalangin na sana huwag na siyang sundan nito kung saan man siya pupunta. Hindi niya magugustuhan at baka kung ano lang ang siyang masabi niya rito, ayaw niya ring masira ng tuluyan ang araw niya. Iiwasan niya na lamang ito. Iba pa naman ang malas na dala sa kaniya ni Olivia. Wala na talaga itong ginawa sa buhay niya kundi ang inisin lang siya, nakakapikon, ika sa sarili niya. Hindi niya lang alam kung paano ito itakwil ng maayos. Ayaw niya naman lumabas na walang modo para dito. Lahat naman ng pang-iiwas ginawa niya na, pero hindi talaga tinatablan si Olivia. Singkapal na yata ng bilbil ang mukha nito minsan, naisip ni Juan. Minsan hinihiling niya na sana may makilala itong bago sa gayon, makalimutan na siya nito at mabaling ang intensyon niya sa iba. Malaking kabawasan iyon para kay Juan. "Napakakulit niya," aniya sa sarili--- habang binabagtas ang daan pababa. Balak niyang pumunta ng library, doon mag-isa siyang nakakapag-isip ng mga bagay-bagay, walang isturbo sa lugar na iyon maliban nalang kung makita niya si Tamara kasama si Aldren. Iyon ang isa sa mga bagay na hindi niya pweding iwasan. -- --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD