Suot ang isang daring cowl neck backless white dress, nakaharap sila ni Jacob sa isang pinoy na Judge. Nakasuot naman ang lalaki ng white t-shirt at jeans. Ni hindi pinaghandaan ang kanilang kasal. Wala rin ang mga magulang nila na inakala niyang dadalo sa kanilang mabilisang kasal. Sila lamang talaga na dalawa at ang attorney na magkakasal sa kanila.
"This marriage is not really that important..." naalala pa niyang sagot ni Jacob nang tanungin niya ang mga magulang.
"Paano si Papa?" tanong pa niya rito.
"Magagalit siya oo, but once we give him our marriage certificate, wala na siyang magagawa pa! Ito ang gusto niya kaya don't bother to think about them. Think about yourself, Alea," sabi pa nitong tinalikuran na siya.
Nakuyom niya ang kamao nang sundan ng tingin si Jacob. Kalalapag lamang nila ng mga gamit sa kanilang hotel and now, there he is, ignoring her like she's nobody. Magkaiba pa nga sila ng kuwarto nito. Talagang lantaran na ipinapakita ang disgusto sa kanya.
Huminga siya ng malalim. Ngayong nabigyan na siya ng pagkakataon na masolo ito ay dapat maging masaya siya. Dahil sa magiging asawa na niya ito, titiyakin niyang ituturing siya nitong asawa sa ayaw nito o gusto.
Madali lamang ang naging kasal nila. Ngayon pumipirma na sila ni Jacob sa isang pirasong papel na nagpapatunay ng kanilang kasal.
"You may kiss your bride," ika ng nagkasal sa kanila. Hinarap niya si Jacob. Mariing tumingin ito sa kanya. Ngumisi pagkatapos. Samantalang siya ay naghihintay ng gagawin nito. Sealing their marriage with a kiss will make a big impact, to her for sure, pero tinalikuran lamang siya ni Jacob pagkatapos nitong ngisian siya.
Namula siya dahil napahiya siya sa harap ng Judge. Lantad sa mukha niya ang kasabikan sa halik sana na iyon. At ang ginawang pag-iwan sa kanya ni Jacob ay labis na nagpahiya sa kanya at nagdeklara na kahit kailanman ay hindi magiging maayos ang pagsasama nila. Tumaas ang dugo sa kanyang ulo. Parang gustong umusok ng kanyang ilong dahil sa galit na nadarama.
"Thank you," nasabi na lamang niya sa pilipinong judge na nagkasal sa kanila ni Jacob.
Malakas ang ginawang tunog ng kanyang suot na sapatos dahil sa pagmamadaling mahabol ang lalaki. Nagpupuyos siya ng galit nang ibato niya rito ang singsing na suot. Napatigil ito nang tumama iyon sa mismong ulo nito. Humarap ito sa kanya. Tumingin muna ito sa gawi niya bago nito ibaba ang tingin sa singsing na ngayon ay nasa sahig. Sa mismong paanan nito sa carpet na sahig.
"Is this how you treat the symbol of our marriage? Parang bato na lang na ibinabato mo? " mariing angil nito bago bumaba para pulutin iyon.
Nagpupuyos pa rin siya ng galit nang humakbang palapit dito.
"At ganito mo rin ba itrato ang asawa mong pinakasalan mo lang ngayon? Parang basura lang na iiwanan mo?" buwelta niya rin dito. Hindi niya maiwasang sumbatan ito dahil sa pagkakapahiya at galit. Kilala siya nito, hindi siya nagpapatalo. Kahit kailan, ayaw niyang magpatalo.
"But...you are!" ika nito na lalong nagpabigat sa nararamdaman niya. "Hindi ka mahalaga para pag-aaksayahan kong alagaan, Alea. You can take care of yourself. Hindi ka rin ginto para ingatan ko. Asawa kita, oo. Pero sa papel lamang iyon. Parang papel din...you crumple and then throw it like a trash!"
Isang samp!l ang pinadapo niya sa mukha ni Jacob. Kahit may iilang mga nakakita sa kanila ay hindi siya nagdalawang isip padapuin ang palad niya sa mukha nito. Masakit sa kanya marinig ang mga katagang iyon. Talagang ipinapamukha sa kanya na magsisisi siyang ipinilit ang kasal dito.
Muling bumaling ang tingin ni Jacob sa kanya. Hindi ininda ang malakas na sampal niya. Ngumisi pa nga ito pagkatapos ay ikiniling ang ulo sa kanya.
"Nagsisisi ka na ba? Umpisa pa lamang ito, Alea. Wala pa tayo sa exciting part..."
Siya naman ang natawa. Pilit itinatago sa pagtawa ang sakit na nararamdam ngayon. "Yeah, wala pa tayo sa exciting part, Jacob. Gusto mo ng laro?puwes, tignan na lang natin kung sino talaga ang susuko at magwawagi sa atin. Kilala mo ako. Hinding hindi ako magpapatalo sa iyo!" babala niya rito. Muling tila bagyong naglakad. Nilagpasan niya ang lalaki at mabilis na tumawag ng taxi para magpahatid sa kanilang hotel.
Sa kuwartong nakalaan sa kanya ay mabilis siyang sumampa sa kanyang kama. Isinubsob niya ang mukha sa unan habang walang humpay na tumutulo ang kanyang luha. She didn't deserve Jacob's treatment. Kung sana alam lang nito na naiipit din lamang siya sa kanilang ama. Hindi naman niya maaring sabihin iyon dahil hindi lamang siya ang malilintikan. Natatakot siya sa maaaring gawin ng ama sa kanilang ina at kay Jacob. Isa pa, umaasa rin kasi siya na mapapaibig niya si Jacob kapag magkasama na sila bilang mag-asawa. Ang sabi nga ng iba, nadedevelop ang isang bagay kapag madalas magkasama. Hindi kasi siya binibigyan ni Jacob ng pagkakataon na ipakita rito ang damdamin niya kahit noon pa kaya umasa siya na kapag nakasal sila, she will have a chance. Ngunit magpaparamdam pa lamang siya ay kinokontra na siya nito.
"You are not fair, Jacob! Not fair!" umiiyak na bulalas niya ng iyak. Nagawa pa niyang suntukin ang unan dahil sa lumalamon sa kanyang galit at awa sa sarili. Mag-isa lamang siya at walang sinuman na kakampi. She's hating it!
Simula noong bata siya ay naiiwan na siyang mag-isa. Kaya hindi siya masisisi ng iba kung nagiging makasarili siya at panghawakan ang alam niyang kanya naman talaga. When the Benitez, adopt her, a.g saya-saya niya at ginawa niya lahat upang hindi na muling maisauli sa ampunan. Sinunod niya lahat ng gusto ng kanilang ama. Naging mabuti at masunurin siyang anak sa kanila. Lahat ginawa niya para makuha ang loob ng mga ito. Hindi siya naging pasaway. Oo lamang siya ng oo lalo na sa kanilang ama. Hindi naman niya sinasadyang umibig kay Jacob. Basta nagising na lamang siyang isang araw ay mahal na niya ang lalaki. Nagawa niyang hilingin sa ama ng tunay na anak ng mga ito. Hindi tumutol ang kanilang ama, bagkus ay masaya ito dahil iyon naman daw talaga ang plano. Kung may babae man na para sa anak nito ay siya lamang daw at wala ng iba pa.
Pero hindi siya kayang mahalin ni Jacob. Ipinamukha nito na kailanman ay hindi siya mamahalin. Kaya nga nakiusap siya sa kanilang ama na huwag muna sana silang makasal. Ngunit inipit siya nito. Wala siyang magawa. She wants to keep them at takot siyang maitakwil. Mawala lahat ng tinatamasa niya. Ayaw na niyang bumalik sa hirap katulad ng kabataan niya. She wants to embraced her princess life. At kakaptitan niya iyon ng mahigpit. Kapalit man noon ay sakit sa kanyang puso.
Ilang minuto rin siyang nakasubsob sa unan bago kumalma. Namumugto ang mga mata niya nang bumangon at maisipang maligo. Kailangan niyang ibsan ang pamumugto ng kanyang mga mata, lalo at makakaharap niyang muli si Jacob. Uuwi rin kasi sila agad nito. Alas diyes ang flight nila pa-Pilipinas.
Alas otso na ng hapon nang lumabas siya sa kanyang silid. Kaharap lamang ng silid niya ang silid ng lalaki. Kinatok niya ito. Akala niya ay hindi pa siya pagbubukasna ngunit nakatatlong katok lamang siya ay nasa harapan na niya ito.
"Can we have dinner atleast, gutom na ako," anya sa lalaki. Pumasok siya sa kuwarto nito kahit wala naman itong imbitasyon.
"Sige, there's a restaurant down the lobby. Pagkatapos ng hapunan natin ay ihahatid na kita sa airport," sabi nitong hindi man lamang siya tiningnan.
"What? Ako lang mag-isa ang uuwi?" Hindi makapaniwala niyang tanong dito.
"I extend my stay kaya mauna kana," sabi nito.
Bagsak ang panga niyang marahas na napailing. Hindi niya mapigilang pangilidan ng luha. She felt abandoned and ignored on her first day of being married!
"Bakit? Trabaho? I can stay too!"
Mabilis na lumipad ang nagbabagang tingin sa kanya ni Jacob. Samantalang tila nagmamakaawa na ang itsura niya dito.
"Go home, Alea, uuwi rin ako makalipas ng tatlong araw," sabi nitong nanatiling seryoso.
"No!" matigas niyang tanggi. Pilit pinipigilan ang panginginig ng boses. Mariin din siyang napatitig kay Jacob.
Tumalikod ang lalaki sa kanya. May kinuha ito pagkatapos ay lumapit sa kanya. Mula sa kamay nito ay ang singsing na ibinato niya kanina. Isinuot nitong muli iyon sa palasingsingan niya.
"Go home. Hahanapin ko pa si Genelyn dito," ika nitong labis niyang ikinanlumo.
Gusto niyang tumawa. Gusto niyang ipakita roto na hindi siya apektado. Ngunit ipinagkanulo siya ng kanyang mga luhang bigla na lamamg bumuhos na parang ulan. Napatda pa si Jacob nang makita ang mga luha niyang agad din naman niyang pinahid.
"Well...Goodluck!" aniyang mabilis na pumunta sa pinto para umalis na.
"Alea..." tawag nito bago pa man niya mapihit ang pinto. "I don't want our marriage to be known by anyone. Keep it a secret," aniyang hindi na niya pinagtuunan ng pansin pa. Dahil mas matinding sakit ang ngayo'y pumapatay sa puso niya. Kinailangan niyang makaalis sa harapan nito bago pa man niya magawang magmakaawa dito. She wants to save her pride if doing that. Ayaw niyang magpakahina sa harapan nito. Lalo lamang siyang sasaktan nito.