Huminga ng malalim si Alea. Nakasakay na siya sa kotse ngunit ang isip ay nasa loob pa rin ng club. Nakapasok na rin si Liezle loob at binuhay na ang makina ng sasakyan.
"Uuwi na ba tayo?"
Bumaling ang tingin niya rito habang nakalingon ito mula sa drivers seat. Naghihintay lang din naman si Liezle ng kasagutan niya. Nang marahas siyang umiling at mabilis na binuksan ang pinto at bumaba para bumalik sa club.
"Alea," habol na tawag ni Liezle sa kanya ngunit hindi niya ito pinagtuunan ng pansin. Nagtuloy-tuloy siyang muling pumasok at tinalunton ang daan, hindi patungo sa mga iniwang kaibigan kundi sa gawi ng mesa nina Jacob at Genelyn na ngayon ay nagkakasiyahan na.
Tila slow motion ang paglapit niya sa mga ito. Napapalibutan ang dalawa ng mga kaibigan. Maugong ang tawanan at may panunukso sa mga mata at ngiti ng mga ito.
"I will marry her. Kahit saan at kahit kailan. I am ready. Siya na lamang ang hinihintay ko talaga," saad ni Jacob na malamlam ang mga matang nakatitig sa kasintahan. Hinila pa niya si Genelyn para lalong mapalapit sa kanyang katawan. Ang babae naman ay nahihiyang nagtago sa kanyang dibdib habang marahang kinurot sa tagiliran si Jacob.
Napatigil naman si Alea sa paglapit. Nasaktan siya sa narinig. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang nakamasid sa dalawa. Halata ang pagmamahalan sa mga kilos at titig ng mga ito sa isa't isa. Napalunok siya. Nilunok ang sakit at ang bikig na muling namuo sa kanyang lalamunan. Ang sakit ay itinawa lamang niya at ipinagkibit balikat nang makahuma na.
Mabilis siyang muling naglakad palapit habang sa gilid ng kanyang mga mata ay kitang kita niya ang pagmasid ng kanyang mga kaibigan.
"Iko-congrats ko na ba kayo niyan?" sarkastiko niya ika na nakapagpatigil sa lahat ng naroon. Pati si Jacob ay agad na napawi ang ngiti sa labi. Samantalang si Genelyn ay napaiwas ang tingin sa kanya nang salubungin niya ang mga mata nito.
Tumaas ang kilay niya dahil nagsitahimik ang mga naroon.Pawang mga kaibigan ni Jacob. Kilala niya sa mukha pero hindi sa mga pangalan.
Malutong siyang napahalakhak at maarteng nilagay ang kamay sa bibig. Pagkatapos ay pinaypayan ang sarili sa pamamagitan ng kamay na nanggaling sa bibig.
Nang mahagip ng mga mata niya ang bote ng wine na iniinom ng mga ito. Kinuha ni Alea iyon at mula roon ay tinungga niya iyon.
"Hmmm, masarap!" ika niya at saglit na binasa ang pangalan ng wine. "Cheers," sabi niya at iniikot ang mga mata sa mga naroon. Itinaas niya ang bote at muli sanang tutunggain ngunit napigilan na siya ni Jacob at marahas na inagaw iyon sa kanya.
"Go home, Alea! Bakit ka pa narito?" iritadong sita ni Jacob sa kanya. Hindi niya ito pinansin at nakatutok ang mga mata kay Genelyn. Wala na rin ang ngiti nito sa labi.
Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Jacob ang tingin na ipinukol niya kay Genelyn. Kaya bago pa niya ito malapitan ay nahawakan na siya ng mahigpit sa braso.
"Huwag kang gumawa rito ng gulo. Binabalaan kita, Alea."
Malutong siyang napahalakhak sa banta ni Jacob. Tumingin siya sa kanilang paligid. Nakamasid lamang ang iba sa kanila. Walang gustong magsalita. Umiling siya.
Hinila niya ang brasong hawak nito. Ngunit hindi siya binitiwan, bagkus ay mas mahigpit siya nitong hinawakan. Matalim niyang tinitigan ang kamay nito sa braso niya bago bumaling sa mukha nitong bakas ang pinipigil na galit. Mapait siyabg napangiti.
"Narito lang naman ako para i-congrats kayo ni Genelyn, Jacob. Ano ba ang masama roon?" Muli siyang bumaling kay Genelyn. "Congrats Gen." Ramdam ni Alea ang mas mahigpit na pagkakahawak ni Jacob sa braso niya pagkatapos niyang sabihin iyon. Pakiramdam niya ay mababali ang buto niya sa pagkakahawak nito. Ngunit hindi siya tumigil sa pagsasalita. "Enjoy this night, Gen. Ipapaubaya ko sa iyo si Jacob ngayong gabi." Bumaling siya kay Jacob na halos patayin na siya sa talim ng titig nito. Nagpupuyos ng galit at hindi na kayang magpigil. Parang hindi lang ang braso niya ang gustong pilipitin kundi pati leeg niya.
"Enjoy your last night...my future husband!" Malakas ang loob niyang dagdag na nagpawala sa katinuan ni Jacob. Lalo na at nagbulong-bulongan ang mga nakarinig.
Agad niyang kinaladkad si Alea palayo sa kanilang grupo. Nakita niya ang gulat na bumalatay sa mukha ng babaeng minamahal. Bumakas roon ang pagkalito. Magpapaliwanag siya mamaya kay Genelyn. Ngayon ay uunahin niyang pagtuunan ng pansin si Alea at ang kahibangan nito sa kanya.
Kinaladkad niya ito palabas sa club. Nang nasa parking lot na sila ay marahas niya itong binitiwan at halos maitulak ito dahil sa galit. Ramdam niya ang init sa kanyang mukha. Tila umakyat lahat ng dugo niya sa kanyang ulo. Marahas rin ang kanyang paghinga. Ayaw niyang maeskandalo sila. Ayaw niyang mag-eskandalo at dagdagan pa ang problemang kinasusuungan niya.
"What did you do? Ha! Gumagawa ka ba talaga ng gulo?" Galit ngunit tinitimpi ni Jacob ang sarili. Bagay na lagi na lamang niyang ginagawa para sa babae. Ngunit ngayon ay talagang sasabog na yata siya.
Ayaw tumigil ni Alea. Tinanggihan na niya ito at mga magulang. Hindi niya gusto ang plano ng magulang nila na ipakasal sila sa isa't isa. Para ano? Para sa kagustuhan ni Alea. Dahil alam ng mga ito ang damdamin ni Alea sa kanya.
"Anong ipinagpuputok ng butse mo? I am stating the fact here, Jacob." Lumapit si Alea sa lalaki at itinaas ang kamay upang haplusin ang mukha nito. Ngunit bago niya ito mahawakan ay agad nitong tinabig ang kamay niya at tila nandidiring lumayo sa kanya.
"Stop it!"
Napalunok siya habang nakatingin sa baba. Bago muling balingan ito ay naglagay siya ng pekeng ngiti sa labi. "Alam mo, kukumbinsihin ko sana si Dad na huwag muna niya tayong ipakasal ngayon. Na bigyan pa niya ako ng panahon para mapa-ibig ka..."
"Never iyon na mangyayari, Alea. Kailan mo ba maiintindihan? Hindi kita mahal. Hindi kita mamahalin. Ngayon pa lang sumuko ka na para pareho tayong maging malaya at masaya!" giit ni Jacob kay Alea. Kung kailangan niyang paulit-ulit na sabihin iyon ay gagawin niya. Wala na siyang pakialam kung masaktan man niya ito.
Napahalakhak si Alea. Bakit nga ba nila pinag-uusapan ang bagay na iyon doon? Bakit nga ba naging topic nila iyon?
Humalukipkip si Alea. Napangiwi nang kaunti nang masagi ang brasong halos mabali na kanina sa higpit na pagkakahawak ni Jacob dahil sa galit.
"Bakit ako susuko? Bakit kita ipapaubaya? Charity ba ako na ang akin ay ipapamigay ko? Never, Jacob. Ang bagay na nakahain para sa akin ay akin..." tinalikuran ni Alea si Jacob ngunit hindi nagawang humakbang palayo. Tumulo ang luhang kanina oa niya pinipigilan sa harap nito. "Akin ka, Jacob. Akin ka lang! Enjoy this night...my future husband!"
Mabilis siyang naglakad palayo kay Jacob. Habang walang tigil ang luha niya sa pagpatak. Hindi rin naman niya alam kung bakit lagi na lamang niyang ipinagsisiksikan ang sarili rito kahit lantaran siyang inaayawan. Paano naman kasi, sa lahat ng tao, ito lamang ang may ayaw sa kanya. Sa pamilya nila, ito ang hindi niya maramdaman na mahal siya. Kaya sa buong buhay niya simula noong mapunta siya sa mga ito. Pagmamahal na ni Jacob ang inasam niya. Ganoon naman ang magmahal. Nagsasakripisyo. Kahit katangahan na ang mahalin ito.
Mabilis siyang pumasok sa loob ng kotse. Nakaabang lamabg sa malapit si Liezle at ang sasakyan. Mabilis niyang inutusan si Liezle bago siya muling mahabol ni Jacob. Buo na sa kanya ang desisyon na angkinin ang lalaki. Papayag siya sa kagustuhan ng mga magulang nila na ikasal silang dalawa. Mamadaliin niya rin iyon. Hindi siya papayag na mawala nang tuluyan sa kanya si Jacob. Kung sakali man na pumayag si Genelyn na magpakasal dito. No! Hindi siya makakapayag na tuluyang mapunta ito kay Genelyn. Kapag asawa na niya ito. Marami na siya pagkakataon upang paibigin ito na walang sagabal. Hindi man siya mahalin. Sapat na sa kanya na hawak niya ito. Asawa siya at siya ang may karapatan dito. Mahina siyang napahikbi. Kahit aning pigil niya sa kahinaan niya ay patuloy pa rin ito sa pag-agos.
Hinayaan lang naman siya ni Liezle. Hindi lang siya bodyguard ni Alea. Driver rin siya nito at itinuring siyang kaibigan. Kaya nasasaktan din siya sa tuwing lihim itong umiiyak. Kung sana, nakikinig ito sa payo ng iba. Na iba na lamang ang mahalin, hindi ang ipagduldulan ang sarili sa taong hindi siya mamahalin. Pero kilalang kilala niya si Alea. Hindi ito basta-basta susuko. Ilalaban niya ang gusto kahit sa p*****n pa.
Hindi naman nakahuma si Jacob sa narinig mula kay Alea. Kuyom ang kamao at nagngingitngit ang bagang habang pinapanood ang sasakyan nito na papalayo. Hindi siya makakapayag na ikasal sa isang babaeng makasarili at sarili lang ang iniisip. Hindi alintana ni Alea ang mga taong nakapaligid kahit masaktan niya ang mga ito. Tanggalan man siya ng mana ng ama ay ayos lang. Tatayo na lamang siya sa sariling mga paa.
Hindi siya o-oo maikasal at iwanan ang babaeng tunay na mahal. Pareho lamang silang hindi liligaya ni Alea. Baka hindi niya matantiya ang sarili, masaktan niya ito. Hindi lang emosyonal. Matagal na ang pagtitimpi niya sa lantarang pag-ibig na iniuukol sa kanya ni Alea. Kahit anong tanggi at anong tulak niya palayo sa babae. Nakakapit pa rin ito at lalo pa yatang nabigyan ng lakas ng loob upang ipagdikdikan ang sarili sa kanya.
"Si Gen?" nag-aalalamg tanong niya sa mga kaibigan nang makabalik sa club. Hindi na niya kasi makita ito sa kumpulan ng mga kaibigan.
"Nagpaalam na magc-cr, bro," sagot ni Alwin na siyang umalalay kanina sa kasintahan.
Agad niyang pinuntahan ang washroom ng mga babae. Walang pakialam na pumasok sa loob kahit sa pangbabae pa iyon. Gulat ang iilang naroon na agad naman nagsilabasan. Sa isang cubicle ay rinig niya ang mahihinang hikbi. Alam niyang ang minamahal na babae iyon.
"Gen..."
"K-kailan mo balak sabihin sa akin ang bagay na iyon, Jacob? Bakit nililihim mo?" Napatiim bagang siya habang rinig na rinig ang mahinang iyak ni Gen. Nasasaktan siyang nasasaktan niya ang babaeng mahal.
"I'm sorry, love."Napasabunot siya sa ulo. "Hindi ko sinabi dahil wala akong balak sundin ang kagustuhan ng aking ama na makasal. Ikae lang ang babaeng gusto kong makasama..."
Biglang bumukas ang pinto kung kaya napatigil siya sa pagsasalita. Napalunok siya nang makita ang namumulang mga mata ng kasintahan at basang pisngi nito. Marahas na umiiling habang patuloy ang pagluha.
"M-maghihirap ka. Kilala natin si Tito Armando, Jacob. Pahihirapan ka niya kahit ikaw pa ang tunay na anak."
Inabot niya ang kasintahan para yakapin nang mahigpit. Banaag sa mukha nito ang pag-aalala at takot sa maaring mangyari sa kanya sa oras na sinuway niya ang kagustuhan ng ama.
"Hindi na baleng maghirap ako, Gen. Hindi na baleng mawala sa akin ang lahat. Mas mahalaga ka kaysa sa kayamanan ng ama ko. "Hinalikan niya sa tuktok ng ulo si Gen. "Kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa, Gen. Ang importante ay ang manatili ka sa akin. Manatili ka sa buhay ko, love. Ikaw lang ay sapat na."