CHAPTER 1

1886 Words
"Jillian, be good okay?" paalala ni Mommy habang nagdadrive. Natatawang lumingon naman ako sa kanya. "Of course, Mom. I'm not a kid anymore. 'Di mo na po kailangang magpaalala." "Yeah right, Jillian. You're not a kid anymore. Because you're already a spoiled brat," sabi pa niya at sumulyap sa akin. "What the hell, Mom?" I said as I crossed my arms. "Totoo naman, diba?" Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse. Hindi na ako sumagot dahil totoo nga naman ang sinabi nya. Spoiled brat nga talaga ako. I don't know why. Maging si Mommy ay nagtataka rin. Dati naman daw ay mabait ako. Alam ko naman iyon. Nagbago lang talaga ako since my dad left us. I was hurt. So much. Since that day, naging mainitin ang ulo ko, sarcastic na din ako at laging nambabara. Pero syempre, iba kay Mommy. Sweet pa rin naman ako sa kanya. I love her very much. Natatanaw ko na ang school na papasukan kaya't umayos na ako sa pagkakaupo dito sa passenger's seat. "What time ba ang labasan niyo, baby?" My mom asked. Mabagal na rin ang pagpapaandar nya sa kotse dahil malapit na kami sa gate. "I don't know po, Mommy. I haven't seen my schedule yet," sagot ko na nakatanaw sa gate ng school. Hmm, new school, new environment, new classmates, new friends. "Ganon ba? Text or call me na lang if uwian niyo na para masundo kita," sabi ni Mommy at itinigil na ang kotse. "Sure, mommy," sagot ko at tinanggal ang seatbelt ko. "Bye, Mom. I love you," sabi ko at kiniss siya sa pisngi. "Bye, baby," sabi niya at hinalikan din ako sa pisngi. Sinamaan ko sya ng tingin. I don't like being called by baby. I'm already senior highschool student. "What? You're still my baby," natatawang sabi nya at sumimangot naman ako. "Bye, baby. I love you too and take care," she added. "Take care too, Mom," sagot ko naman at bumaba na ng kotse. Kumaway naman ako kay Mommy bago niya pinaandar ulit ang sasakyan. Pumasok na ako at inilibot ang tingin. Saan ba dito ang Room 241? Hahakbang na sana ako nang may mabangga ako. Agad namang nag-init ang ulo ko. "What the hell, Miss? Are you blind?" naiinis na tanong ko sa babaeng nakabunggo ko habang pinupulot nya ang books na nahulog kaninang magkabangga kami. "Look, Miss, I didn't mean it. I'm in a hurry and I didn't saw you," sagot niya naman at tumingin sa akin. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang mukha niya. Ganoon din naman sya. "Wait," sabi ko at tinignan ko ang ID niya. Maddie Melissa Aster. Tinignan ko ulit siya nang nanlalaki ang mata. "Maddie?!" "Jillian?!" Sabay at gulat naming tanong sa isa't isa. "Oh my gosh, Jillian. It's you,", tuwang-tuwang sabi niya sabay yakap sa akin. I hugged her back. "I miss you, Jill!" tuwang-tuwa pa rin siya habang yakap yakap pa rin ako. Halos tumalon-talonpa siya. Natawa naman ako sa inakto niya. "I miss you too, Maddie," sabi ko at hinagod ang likod niya. Siya na rin ang kumalas sa yakap at hinarap ako. "Oh em! Bumalik ka na rito? Dito ka na ba mag-aaral? Bakit?" sunod-sunod niyang tanong. "Yes, obviously, I'm here. And obviously again, I will study here because as you can see, I'm wearing the same uniform of yours," natatawang sagot ko. "I just can't believe you're here. It's been a long time. I thought you wouldn't comeback since you left after our graduation." Halata ngang hindi sya makapaniwala dahil hawak-hawak niya pa ako sa magkabilang braso at niyuyugyog pa. "Hey, relax, Maddie. Just help me to find my classroom. 'Di ko pa kasi kabisado itong campus. This is my first time here," sabi ko at inilibot ulit ang tingin. "What's the number of your classroom, by the way?" she asked. "Room 241," I answered. "That's my room, too. Meaning, we are classmates!" Tuwang-tuwang sabi niya. Nakaramdam naman ako ng tuwa. "Wow! Really? That's nice! So, let's go?" anyaya ko habang nakangiti sa kanya. Nakangiting tumango siya. Pinulupot niya ang braso niya sa braso ko. "I really miss you, bestfriend," sabi niya at nag-umpisa nang maglakad. Yes. We are bestfriends. She's my classmate since grade 1 until grade 6. They were our neighbor. My mom knew her. "I miss you too, bestfriend," sagot ko naman sa kanya. Huminto na siya sa paglalakad kaya huminto na rin ako. Tinignan ko ang room number ng hinintuan namin. ROOM 241. Ito na yata ang room namin. Maddie opened the door. Pumasok kami ni Maddie at halos hindi nila kami napansin. Ilan lang ang tumingin sa amin dahil may kani-kanila silang mundo. Hinila ako ni Maddie sa pangalawang row at pumwesto sa dulo. May tatlo pang bakanteng upuan. "Dito tayo, Jill." Sabi niya at pinaupo ako sa dulo, umupo naman siya sa katabi ko at nanatiling bakante ang upuan na nasa kaliwa niya. "Wala bang uupo diyan?" tanong ko at tinuro ang katabing upuan. "Meron. Kaso wala pa siya eh. Nasa bakasyon. Next week pa yata ang balik non," sagot naman niya. Nasa bakasyon? Ang agang bakasyon naman yata iyon? July pa lang ngayon. Kaka-start lang ng klase last month. "Actually, hindi talaga siya nagbakasyon. Family matter kaya umalis," sabi niya na parang nabasa ang nasa isip ko. I just nodded because I don't really care and I'm not interested on her or his reasons. Magsasalita pa sana si Maddie nang bumukas ang pinto at pumasok ang medyo may edad na babae, may dala itong books and marker. "Go back to your seat," utos niya at parang automatic naman na nagsibalikan sila sa kaniya-kaniyang upuan na kanina lang ay may kani-kanilang mundo. "Good morning," bati niya. Itsura niya pa lang, halatang strict na ito. "Good morning, Ma'am," sabay-sabay nilang bati kasama na si Maddie. Inilibot ni Ma'am ang kanyang paningin sa buong klase na parang may hinahanap. Until she stopped her eyes on me and then she smiled. "You are Miss Fritz, am I right?" she asked. "Yes, Ma'am," I answered politely. Tumingin siya sa buong klase bago magsalita, "Class, you have a new classmate," aniya at tumingin sa akin. "Let her introduced herself." "Good morning, classmates. I am Jillian Fritz," pagpapakilala ko. "That's it?" tanong ni Ma'am na para bang 'di nakuntento sa pagpapakilala ko. "Yeah," tinatamad kong sagot. Tumango naman si Ma'am bago magsalita, "Okay, go back to your seat." "What's that, girl?" bulong ni Maddie pagkaupo ko. "What?" bulong ko din sa kanya. "Tss, you're still a brat, huh?" nakangising bulong niya. Tinignan ko naman siya at nginisian din. Hindi na ako sumagot sa kanya at baka mapansin pa kami ni Ma'am Lopez at mapagalitan. Nakakahiya naman iyon, first day ko pa lang, baka mapalabas na agad ako. Naka-ilang subjects na rin kami. Buti na lang at hindi na ako pinapunta sa harap ng mga teacher para magpakilala. Napasulyap ako sa wrist watch ko. 11:20 am. May 10 minutes pa bago mag-lunch break. "Ambagal ng oras," bulong ko at tumungo. Naramdaman ko naman ang pagsiko ni Maddie kaya tinignan ko siya. "What?" I asked. "Relax, 8 minutes na lang," natatawang sabi niya. Bakit ganon? Kung kailan naman malapit nang mag-time, saka naman bumagal ang oras? Nagugutom na ako. Bakit ba naman kasi walang breaktime dito eh. Dire-diretso ang 4 hours sa pagkaklase tapos lunchbreak na. And 1:00 pm naman ang afternoon class. Tumungo ulit ako dahil ang tagal ng 8 minutes. Di ko na rin masyadong inintindi ang mga pinagsasabi ni Ma'am Sales sa harap. "That's all for today, class. Goodbye and see you tomorrow." Nabuhayan ako ng lakas nang marinig kong nagsalita si Ma'am Sales. Napatunghay agad ako. Paglabas ni Ma'am ay nagsisipaglabasan na din ang iba naming classmates. Binalik ko na ang notebook ko sa bag ko na hindi ko naman nasulatan. Si Maddie naman ay nakatayo na at hinihintay na lang ako. "Jillian, right?" Napalingon ako sa tumawag sakin. One of my classmates. "Yes. Why?" I asked as I zipped my bag. "I'm Jeff, Jeff Ferrer," pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay niya. Tinignan ko lang ang kamay niya at bored na tumingin ulit sa kaniya. "What do you need?" tanong ko at isinukbit ang bag ko. Napapahiyang napakamot naman siya sa batok. "Ah, eh kasi... sabi ng mga teachers na ipahiram ko raw sa iyo ang notebooks ko para makahabol ka raw sa mga lessons." "No thanks, I have Maddie. Sa kaniya na lang ako hihiram," sagot ko at sumulyap kay Maddie na nakataas ang kilay. "Ah ganon ba? Sige. Nice meeting you, Jillian," sabi niya at kumaway pa bago lumabas ng room. Tinignan ko si Maddie nang marinig ko siyang tumawa. "What's the funny?" tanong ko at lumabas na ng room. Sumunod naman agad siya. "You're so maldita talaga," natatawang sabi niya. "I know right." Dumiretso kami sa locker at may mangilan-ngilan na students doon. Napalingon naman sila sa amin. "Newbie?" "Transferee?" "In fairness, she's pretty." "But she's masungit." Narinig kong bulungan nila. Tss. Magbubulungan na lang, dinig ko pa. Pagkatapos magpalit ng gamit ay naglakad na kami ni Maddie papunta sa Cafeteria. Diretso lang ang tingin ko pero napapansin ko pa rin ang mga students na nakatingin sa akin. Taas-noo lang akong naglakad. Ganon din si Maddie. Pagpasok namin ay dumiretso ako sa isang vacant na table habang si Maddie naman ay umorder na. "Hi, Jillian." Tinignan ko ang lalaking nasa harap ko. Hmm, one of classmates too. "Why?" I asked him. "Can I sit here?" nag-aalinlangang tanong niya. Tumingin naman ako sa iba pang table. "Why don't you sit there?" sabay turo ko sa isang table malayo sa amin. Lumingon naman siya sa akin at parang nagsisisi na tinanong niya pa ako. "W-why not here?" nahihiyang tanong niya. "Because I don't want to. Madami pa namang vacant eh. At isa pa, baka mawalan ako ng gana kumain kung ikaw ang kaharap ko," pabalang kong sagot. Napa-Ohh naman ang ibang students na nanonood sa amin. "Ah ganon ba? S-sige, alis na ako. Sa labas na lang pala ako magla-lunch, hehe. B-bye Jillian." Nagmamadaling sabi niya at agad lumabas ng cafeteria. Siya namang pagdating ni Maddie na may dalang tray. "Grabe ka talaga. Wala pang isang araw, nakakadalawa ka nang pinahiya," natatawang sabi niya at inilapag ang dala niya. "Tss." My phone rang so I answered it. "Yes, mommy?" I asked. [How's your first day? Are you enjoying? What are you doing?] "It was fine, Mom. I'm eating right now. Lunch break eh." [Is that so? May kaibigan ka na ba diyan?] Tanong niya ulit. Sinulyapan ko naman si Maddie na kumakain at nakatingin din sa akin. "Yes. Remember, Maddie? Our neighbor?" I asked. [Oh si Maddie? Your bestfriend?] "Yes. She's my classmate and I'm with her," sabi ko at sumubo na ng rice. [Oh my God! I missed her! Pakausap ako sa kanya!] Masayang sabi niya. Iniabot ko naman may Maddie ang phone. "Mom wants to talk to you." Binaba niya ang spoon na hawak niya at kinuha ang phone. Inilagay niya iyon sa tainga niya. Uminom muna siya bago sumagot. "Hello, tita... Yeah, I missed you rin po...Sure po iyan... Sige po, sige po. See you soonest tita.... Sige po, bye tita," sabi niya at inabot sa akin ang phone. "Punta raw ako sa inyo pag may free time," sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD