Chapter 18

2757 Words
Mabagal lang ang paglalakad ko pabalik ng kwarto ko. Galing ako sa kusina dahil nakaramdam ako ng uhaw habang nagbabasa kanina. Dim na lang ang ilaw na nakabukas. I'm about to open the door of my room when I heard Mom's voice inside her room. Magkatabi lang kami ng kwarto at bahagyang nakabukas ang pinto niya kaya naririnig ko siya sa loob. "That would be difficult," aniya. Eavesdropping is not my thing but I'm a bit curious of something. I know eavesdropping isn't right but there's something in me wants to hear the conversation on who she's talking to. "We didn't talk about you since you left. She never opened up that topic. And I noticed that she's trying to avoid anything that connects on you." I didn't get her. What does she meant by that? Is she referring to me? "Hope you understand her." Halata ang lungkot sa boses ni Mommy. "We'll tell her, soon. Hope she'll understand you, too," she sighed. I really want to know who's the person on the other line? What are they talking about? I bet, ako ang tinutukoy nila na 'she'. "Okay, okay. See you soon, too." "I love and I miss you, too. Bye." Pagkatapos no'n ay wala na akong narinig pang iba. Tingin ko ay binaba niya na ang tawag. Sino ba kasi ang kausap niya? 'Yon ba ang dahilan kung bakit siya palaging wala rito sa bahay? She's hiding something. I'm sure of that. Umiling na lang ako at tuluyan nang pumasok sa kwarto ko. Passed 10:00 pm na pala. 'Di ko man lang namalayan dahil sa pagbabasa, hindi naman sa pagmamayabang, pero mahilig akong magbasa ng mga love stories. Sinara ko ang librong nasa kama ko at pinatong 'yun sa side table ko. Binuksan ko ang drawer ng mesa ko at inilabas doon ang diary ko. May dalawang kulay ang diary ko, kulay pink at kulay red. Anim na kulay pink at isang kulay red. Ang mga pink na 'yon ay ang original kong diary, do'n ko sinusulat ang lahat ng gusto ko, medyo matagal na rin 'yon dahil nag-umpisa ako no'ng grade 7 pa lang ako. Every grade level, isang diary ang nagagamit ko kaya naka-anim na ako. At ang kulay pula naman, kakasimula ko pa lang last month. At ang mga nakasulat doon? Lahat ng gusto kong sabihin kay Klyzer na hindi ko masabi sa kaniya nang harapan, sa red diary ko na lang isinusulat. Nakakailang page na rin ako. Binuklat ko ang diary ko at binasa ang nasa first page. "My messages for you." Siguro corny para sa iba dahil grade 12 na ako at lahat lahat, nagda-diary pa rin ako. Well, diary is my another bestfriend. Hindi kasi ako vocal kaya kapag may mga hindi ako masabi sa isang tao, sinusulat ko na lang sa diary ko. As if naman na mababasa nila. Nilipat ko ang page at binasa ko ang una kong sinulat don. Nakasulat doon kung paano kami unang nagkita. Nung nabangga namin ang isa't-isa sa mall at siya rin pala yung pinsan ni Maddie at siya 'yung classmate namin na nagma-may-ari ng vacant seat. Hindi ko na tinapos ang pagbabasa ko at sinara ko na ang diary ko at binalik 'yon sa drawer. Bumalik na ako sa kama at saka nahiga. Ilang saglit pa akong napatitig sa kisame hanggang sa dalawin na ako ng antok. Naalimpungatan ako kaninang 4:00 am at dahil wala namang pasok, sinubukan ko ulit matulog pero hindi na ako dinalaw ng antok. Bumangon na lang ako at naligo. I decided to jog. I wore sports bra and black leggings. Nag-earpods din ako at hawak ko sa right hand ko ang phone ko. Lumabas na ako ng bahay at hindi na nakapagpaalam kina Mommy at sa maids. Maaga pa naman kaya tulog pa sila at wala rin namang pasok kaya hindi rin naman nila kailangang magising nang maaga para ipagluto ako. Medyo madilim pa sa labas dahil 4:20 pa lang naman. Nag-umpisa na ako sa pagjog at wala akong nakasalubong na nagjo-jogging. Halos nakapatay pa ang ilaw ng lahat ng bahay na nadadaanan ko. Ilang minuto na ako sa pagtakbo at ramdam na ramdam ko na buhay na buhay na ang katawan ko. Tagktak na rin ang pawis ko at nababasa na no'n ang naka-pony tail kong buhok. "She wear short skirts, I wear t-shirt. She's cheering captain and I'm on the bleachers. Dreaming that the day when you wake up--" Hindi ko na natapos ang pagsabay sa music na naririnig ko nang may humawak sa braso ko. Napalingon agad ako sa kaniya at sinalubong ako ng kanyang magagandang mata. Nakangiti na naman siya. Ang gandang bungad naman nito sa umaga. Bumuka ang bibig niya pero hindi ko 'yon narinig dahil tuloy lang sa pagplay ang "You Belong With Me" ni Taylor. Tinggal ko ang right earpod ko para marinig siya. "What did you say?" tanong ko sa kaniya. "I said, good morning." "Uh, good morning." "Jogging alone?" "Yeah. Magjo-jogging ka rin?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-jersey siya. "Nope. Practice, remember?" "Oh." Napatango at naalalang may practice nga pala sila ng basketball ngayon. "Pero since nakita ngayon, I decided to join you," nakangiting aniya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Huh? Male-late ka naman." Tumingin siya sa wrist watch niya. "Hmm, 4:30 pa lang naman at mamayang 5:30 pa ang practice namin at 10 mins lang naman ang biyahe papuntang school so I still have some more minutes to join you," he winked. "Are you sure?" paniniguro ko. "Oo naman! Tsaka para may kasama ka, malay mo may makasalubong kang aso, edi lalapain ka no'n. Sinong tatawag ng tulong 'diba?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. W-wala naman sigurong asong pagala-gala rito 'diba? I hate dogs. "Just kidding," he chuckled as he saw my reaction. "Let's go!" aniya at naunang magjog. Sumunod ako sa kaniya at binagalan niya rin sa pagtakbo para mahabol ko siya. "Lagi ka bang nagjojogging?" he asked. "Sometimes. 'Pag maaga ang gising ko 'pag walang pasok. Just like now." "Ahh. Alam mo 'yung park dito?" I nodded. "Let's go there!" yaya niya. Bumagal ako sa pagtakbo hanggang sa tumigil ako. Nagtatakang tumingin siya sa akin. "Why? Is there's something wrong on what did I said?" "N-no. It's just that--" Paano ko ba sasabihin sa kaniya na ayoko nang pumunta sa park na iyon? Since that day, hindi na ako pumunta ro'n.. "Then why?" "Uh, k-kasi..." Tinignan ko siya na ngayon ay nagtataka at naghihintay ng sagot ko. "L-lots of bad m-memories," nakatungong sabi ko. Natahimik din siya saglit. "May mga nambully ba sa'yo don?" Umiling ako. Hindi naman talaga bad memories ang nandoon. Actually good memories pa nga e. It's just that I was in my dad that times that's why I considered it as a bad memories. I heard him sighed. "Whatever bad memories you have on that place, I'll change it into good memories." I looked at him and he gave me a bright smile. "Hindi naman dahil may masama kang alaala roon, hindi ka na pwedeng pumunta. I'm here naman kaya sasamahan kitang gumawa ng magandang alaala roon sa lugar na ayaw mo." Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta sa park. Ilang bahay ang nadaanan namin at tumigil na kami. Napatulala ako sa park. Halos walang pinagbago. Nandoon pa rin yung mga benches. Yung mga puno nandoon pa rin. Ang ganda pa rin ng park na ito. May iilan na ring tao dito na mukhang nagjogging rin. Yung iba ay paikot-ikot sa park, may iba ring nakaupo na sa bench at mukhang nagpapahinga. Yung iba may kasama at yung iba naman ay mag-isa lang. Pinisil ni Klyzer ang kamay ko kaya tinignan ko siya. "Let's jog around!" With that, he started jogging. Umiling ako sinundan siya. Napangiti ako dahil sa ngiti niya. Nakakahawa talaga ang ngiti niya. Mawawala talaga ang bad vibes sa katawan mo. Nag-uusap kami habang tumatakbo. Nagtatawanan din kami dahil sa random topics namin. Ang gaan sa pakiramdam ng usapan namin. Parang ngayon lang kami naging ganito. Madalas kasi ang pambabara namin sa isa't-isa at minsan naman ay awkward. "Woah," I sighed. Tumigil ako kaya huminto rin siya. Bahagya akong yumuko at humawak sa tuhod ko. "Rest," aniya. Napangiti rin ako at dahan-dahang ipinikit ang mata ko. Dinadama ang pagkakahilig ko sa kaniya. Dinadama ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang nakaakbay siya sa akin. Nakaupo na kami sa isa sa mga nagkalat na benches dito. Dahil pagod na ako ay nagdesisyon na siyang pagpahingahin muna ako. Ang sarap sa pakiramdam nang nakasandal sa kaniya. Parang mas gusto ko pang magpahinga sa balikat niya kesa sa malambot kong kama. Pwede bang forever na kami sa position na 'to? Hinahaplos niya ako sa balikat at ang sarap sa pakiramdam nun. Kinain kami ng katahimikan habang dinadama ang isa't-isa. "Daddy! I want an ice cream!" Napamulat at napaayos ako ng upo nang makarinig ako ng boses ng bata. And then I saw an about eight-year-old girl holding his dad's hand. "I want balloon, too!" Binuhat siya ng daddy niya at nilagay ang mga takas niyang buhok sa likod ng tainga niya. "But it's too early, princess." I'm not sure kung 'Princess' nga ba talaga ang name ng bata or endearment lang 'yon. Nakaramdam ako ng kirot dahil sa nakikita at narinig ko. I remember him again. "But I want ice cream!" "We'll buy later. It's too early and the vendor isn't here yet," he smiled. "Later, Daddy? Promise?" "Yes, Princess. Promise." "Yehey! Thank you, Daddy! I love you." Then she kissed her dad's cheek. "I love you, too, Princess. So, for now, we should go home. Your mommy's waiting for us." Then they left. Ang saya nila. Buti pa 'yung bata, mahal ng daddy niya. I envy her. I felt my chest tightened. Nagulat ako nang may humaplos sa pisngi ko. "You're crying," he said while wiping my tears. I didn't even noticed that my tears already fell because of what I've seen. I looked at him and he gave me a worried look. "I won't ask you if you're okay because obviously, you're not." Yumuko ako para itago ang mga nagbabadyang luha. "I didn't know anything but I want you to know that I'm here. I'm just here." Naramdaman kong niyakap niya ako kaya mas naiyak ako. "Wanna know why I have bad memories here?" tanong ko habang yakap niya pa rin. Hinahaplos niya ang buhok ko. "I won't force you if you don't want to talk about it--" "I want to share," I cut him off. Siya ang kumalas sa yakap namin. Tinitigan niya ako sa mata at pinunasan ulit ang luha ko. "Go ahead," tumango siya. Bahagya akong yumuko. "Uhm, dito kasi sa lugar na 'to kami madalas ni d-daddy nung bata pa lang ako. Madalas kaming magbonding dito. Lagi akong nagpapabili ng balloon at ice cream sa kaniya. 'Pag pinapagalitan ako ni Mommy, magsusumbong ako sa kaniya tapos dadalhin niya ako dito. Dito ako iiyak at sasabihin sa kaniya lahat ng sama ng loob ko kay Mommy every time she scolded me tapos bibilhan niya lang ako ng vanilla ice cream, tatahan na ako. Daddy's girl ako, actually. Kaya si Maddie lang ang kaibigan ko kasi sapat na silang dalawa ni Daddy." Napangiti ako nang maalala ko na naman iyon. "Pag birthday ko, umaga pa lang, mag-iikot na kami dito habang si Mommy naiwan sa bahay para magluto. Pag nabobored ako sa bahay, yayayain ko siya dito. Maglalaro, maghahabulan, magtataguan. Dahil madalas kaming nandito, halos lahat ng part ng park na ito ay napuntahan na namin. Lahat ng bench, swing, seesaw, napuwestuhan na namin. Lahat ng puno, naging taguan na namin." "C-can I ask?" Tumingin ako sa kaniya at nandoon ang pag-aalinlangan sa pagtanong sa'kin. "Hmm? What it is?" "Where is he? The first time I saw you, you're with him." I smiled bitterly. "Yeah, the first you saw me with my dad, was the last time I'm with him." Napakunot ang noo niya na parang hindi naintindihan ang sinabi ko. "Ang saya namin no'ng graduation ko. Ramdam kong proud na proud siya sa'kin. Tapos kinabukasan, everything has changed." "Nagulat na lang ako, paggising ko, may mga maleta na sa sala." Nangilid ang luha ko nang maalala ko na naman iyon. Paggising ko, mawawala na pala siya sa'min ni Mommy. "Yung graduation ko na pala ang last day namin as a complete family dahil kinabukasan, iiwan niya na kami." Halos pumiyok pa ang boses ko. Tuluyan nang nahulog ang luha ko at bago ko pa 'yon mapunasan, hawak na ni Klyzer ang pisngi ko at tinutuyo ang luha ko. "I begged for him to stay, I even kneeled on him, I cry in front of him but he didn't listen to me, he still left." "I didn't even know why he left. He didn't gave us a clear reason for leaving. He just--" "I tried my best to make him stay. Pinaalala ko sa kaniya lahat ng pangako niya, lahat ng sinabi niya sa'kin, lahat ng bonding namin, lahat ng memories namin pero wala eh. Desidido na talaga siyang iwan kami." "H-he left us without saying anything." Sunod-sunod na nagtuluan ang luha ko hanggang sa humikbi ako. Sumakit na naman ang puso ko dahil naalala ko ang pang-iiwan niya. Akala ko, okay na ako. Akala ko, moved on na ako. Akala ko, nakalimutan ko na siya. Pero lahat ng iyon ay 'akala' lang pala. Niyakap niya ako nang mahigpit. Mahigpit na mahigpit. "I was so upset that time. Sobrang sakit na n-nauwi sa g-galit. K-kaya ayokong bumalik sa lugar na 'to dahil sa k-kaniya. N-napakarami naming good m-memories at nang dahil sa pang-iiwan niya, l-lahat ng 'yon naging bad memories," humihikbing sabi ko habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya at hinahaplos niya naman ang buhok. "It's okay, it's okay. Just cry and cry until it makes you feel better. Mas mabuting ilabas mo lahat ng sakit para hindi maipon sa dibdib mo. Mas masakit kapag kinimkim mo ang sakit." Unti-unting nawala ang paghikbi ko pero hindi pa rin ako umaalis sa pagkakayakap niya. Ang sarap sa pakiramdam na yakap niya ako habang nagbebreak down ako. Tama nga 'yung sinasabi niya na mas mabuting ilabas ang sakit para hindi maipon sa dibdib. Ilang taon kong sinarili ang nararamdaman ko, ni isang tao wala akong pinagsabihan. At dahil narito siya ngayon, sobrang sarap sa pakiramdam na nailabas ko sa kaniya ang nararamdaman kong ilang taon kong kinimkim. Nang tumigil na ako sa paghikbi, humiwalay siya sa'kin. Using his right hand, he lifted my face to look at him. He wiped my tears again. Sobrang swerte ko dahil mayroon akong Klyzer Aster na kasama ko ngayon. Pinapahiran ang mga luha ko at pinapagaan ang pakiramdam ko. Nginitian niya ako at ngayon ay dalawang kamay na niya ang nakasapo sa mukha ko. Gumagala ang mata niya sa mukha ko. Tinignan niya ako sa mata, sa ilong, sa pisngi, sa noo, sa kilay, at sa... Labi. Sobrang lakas na naman ng t***k ng puso ko habang nakatitig siya sa labi ko. Tinignan ko rin ang lips niyang bahagyang nakaawang. Dahan dahan niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Tinignan niya ako sa mata at bumalik ulit sa labi ko. Napalunok ako sa uri ng pagtingin niya sa akin. Halos hindi na ako makahinga dahil sa paliit na paliit na distansiya namin. Hinawakan niya ako sa likod para hindi ako matumba. Abot abot na ang kaba ko. Naaamoy ko na ang hininga niya na ang sarap langhapin. Ang bango... Napapikit ako dahil sa bango hanggang sa... Maramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Ang sarap sa pakiramdam. Napakalambot. Feeling ko, nakikipagkarera ako dahil sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso. May kung ano ring gumagalaw sa loob ng tiyan ko. I felt butterflies as we kissed. Napahawak ako sa dibdib niya at ramdam ko ang heartbeat niya. Tuwing nagkakasalubong ang mga mata namin, bumibilis ang t***k ng puso ko. Pero kakaiba ang ngayon. Ngayon ko lang 'to naramdaman, ngayon ko lang 'to naranasan. Sobrang bilis ng pagtibok nito, kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan pero ramdam ko rin ang saya. Hindi ko maintindihan. Dahan dahan siyang lumayo sa'kin kaya minulat ko na rin ang mata ko. Nakatitig siya sakin na parang hinahalungkat ang pagkatao ko. Nakatitig siya sa'kin hanggang sa umabot iyon sa kaluluwa ko. "I told you, sasamahan kitang gumawa ng magandang memories sa lugar na ayaw mo. At, ito 'yon." Ang first kiss ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD