CHAPTER 13

2271 Words
Hindi pa rin kami nag-iimikan ni Klyzer. Naiinis ako sa kaniya! Ako na nga 'yung nabastos kanina, tapos sinisigawan niya pa ako! Nakakainis! Nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. I hate the most when someone's yelling at me, unless, we're not in good term. Hindi ko matanggap na sinigawan niya ako. Ayoko nang sumabay sa kaniya. Mas gugustuhin ko pang maglakad kaysa sumabay sa kaniya. Right, maglalakad na lang ako, twenty five minutes ‘lang’ naman ang lalakarin ko pauwi. Tinalikuran ko siya para makaalis na sa waiting shed nang magsalita siya. "Where are you going?" Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "Home," maiksing sagot ko. "Wala riyan ang kotse ko." Tuluyan na akong humarap sa kaniya. "At sinong may sabing sa kotse mo ako sasakay?" Nagtiim-bagang siya. "At saan ka naman sasakay?" "Sino rin ang may sabing sasakay ako?" Napakunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?" "Maglalakad na lang ako pauwi." Pagkasabi ko no'n ay tinalikuran ko na siya. Nakakailang hakbang pa lang ako nang may humawak sa braso ko. Paglingon ko, sumalubong sa'kin ang matatalim na tingin ng pares ng matang kulay brown. Kinabahan ako sa talim ng tingin niya. "What the f**k are you thinking?!" sigaw na naman niya. "I wanna go home, so please, let me go!" Binabawi ko ang braso ko sa kaniya pero ang higpit ng hawak niya. "You wanna go home and you want to walk?! And then what? Mangyayari ulit ang nangyari kanina?! Mababastos ka na naman?!" Ayan na naman ang sigaw niya. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil naiinis at nasasaktan ako sa sigaw niya. "No! Let me go! Uuwi na ako." "I'll take you home whether you like it or not!" Hinila niya ako papunta sa kotse na malapit lang din sa waiting shed. Binuksan niya ang pinto sa front seat pero hindi ako pumasok do'n halip, tinignan ko lang siya nang masama. "I don't want to ride!" Nagulat ako nang hampasin niya ng malakas ang bubong ng kotse niya, ang sakit sa tenga no'n. "What the f**k is your problem? Bakit ba ayaw mong sumabay sa akin!" Kahit na nangingilid na ang luha ko, tinignan ko pa rin siya sa mata. "After yelling at me despite of what happened earlier, do you think I still want to ride with you?! Naiinis ako dahil sinisigawan mo ako! Halos hindi pa ako maka-recover sa ginawa sa'kin kanina ni Manong, sisigawan mo na agad ako. I hate it when someone's yelling at me!" Mababaw na kung mababaw pero ayaw ko ng pinagtataasan ako ng boses ng mga taong malapit sa akin. 'Di ko na napigilan at tumulo na ang luha ko. Pinapatay ko na rin siya sa tingin. Dahan-dahang lumambot amg expression niya na kanina ay matatalim ang tingin sa akin. Aalis na sana ako pero bago ko pa siya talikuran, niyakap na niya ako. Parang nag-slowmo pa ang pagyakap niya sakin. Ang ulo ko ay nakatapat sa dibdib niya at dinig na dinig ko ang bilis at lakas ng t***k ng puso niya. Naramdaman kong hinahaplos niya na naman ang buhok ko. "I'm sorry..." mahinahong sabi niya. "I'm sorry, Jillian. I'm sorry for yelling at you..." Hindi ko siya sinagot at hinintay lang ang susunod niya pang sasabihin. "I'm sorry, I am just so worried. I was so mad when I saw what was his doing. At mas lalo pa akong nagalit dahil nakita kitang umiiyak kaya sinuntok ko siya. I don't care if he's old, basta sa isip ko, gusto ko siyang saktan dahil sa ginawa niya sa'yo. Kung hindi lang ako pinigilan nina Aljur, hindi na makakalakad ang matandang iyon. At nainis lang ako kasi sabi mo magco-commute ka pauwi pero hindi ka naman pala marunong. Naranasan mo tuloy ang nangyari kanina. At gusto mo pang maglakad pauwi. Paano kung may makasalubong ka at gawin din sa'yo ang ginawa ng matandang iyon? Hindi ko kayang makita at kahit isipin man lang na may lalapit ulit sa'yo. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko at baka kung anong magawa ko sa kanila. Kaya please, I'm sorry, Jillian. I'm sorry. Sobrang nag-alala lang talaga." Kumalas siya sa yakap at tinignan ako sa mata. "Please? Hop in. It's late, baka hinahanap ka na sa bahay niyo." Tumango lang ako. Ngumiti siya sa'kin at inalalayan pa akong makasakay sa loob. Siya rin ang naglagay ng seatbelt sa'kin. Pagkatapos ay sumakay na rin siya. Tahimik lang kaming dalawa sa loob hanggang sa makarating na kami sa bahay. Nauna na naman siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. "Thanks," sabi ko pagkalabas. "I'm sorry again, Jillian. Hindi na mauulit ang pagtaasan ka ng boses. But please, next time, magsabi ka agad sa'kin kung may mambabastos ulit sayo o kung ano man, tawagan mo ako agad, okay?" Tango lang ulit ang sinagot ko sa kaniya. Nagulat ako nang lapitan niya ako at hinalikan sa noo. Napapikit pa ako nang maramdaman ko ang labi niya sa noo ko. It lasts for five seconds. "Sige na, pasok ka na. Late na." "Okay, bye," sabi ko at pumasok na. Pagpasok ko sa loob, narinig ko ang kotse niya na paalis na. Nagulat ako nang makita ko ang tatlo naming maids na nasa sofa. Lahat sila napatayo nang makita ako. "Diyos ko namang bata ka!" Lumapit sa'kin si Yaya Medel, ang pinakamatanda sa kanila. "W-why po?" "Bakit ngayon ka lang? Anong oras na oh! Buti hindi pa tumatawag si Ma'am Julie dahil kung hindi, hindi namin alam kung anong sasabihin sa kaniya dahil wala ka pa," sabi rin ni Yaya Sabel. "Ah, may tinapos lang po kaming group project," palusot ko. Ayokong malaman nila ang nangyari at sabihin kay Mommy. Ayokong mag-alala siya. "Ganoon ba? Sige na, magbihis ka na para makakain ka na," sabi rin ni Yaya Nads. Tinanguan ko sila at umakyat na paakyat sa kwarto ko. Nagbihis at bumaba na para makakain. Madali lang akong natapos kaya bumalik ako sa kwarto. Pumasok ako sa cr at hinubad lahat ng damit at binuksan ang shower. Napapikit pa ako nang umagos sa akin ang tubig. Kinuha ko ang body wash ko at halos ibuhos ko iyon sa leeg ko dahil sa sobrang pandidiri. Halos masugatan ko ang sarili kong leeg sa sobrang diin ng pagkakakuskos doon. Napatigil ako sa ginagawa ko nang maalala ko si Klyzer, yung galit na galit niyang mata habang nasa sahig si Manong. Yung tingin niya kay Manong na halos patayin niya na ang matanda. Yung niyakap niya ako dahil nanginginig ako sa takot, yung paghaplos niya ng buhok ko habang paulit-ulit na binibigkas ang mga salitang, “I'm here, don't worry.” Yung pagsigaw niya sa'kin dahil sa sobrang pag-aalala, yung unti-unting lumambot ang expression niya, ang pagyakap niya ulit sakin at paghingi ng tawad. I'm so stupid! Sobrang nag-alala na nga siya, gano'n pa ang inasta ko. Hindi ba pwedeng magpasalamat na lang ako sa kaniya? Napaka-stupid ko! Umiling ako at tinapos na ang pagligo. Lumabas ako ng naka- bath robe lang. Binuksan ko ang cabinet ko para kumuha ng pantulog nang tumunog ang phone. Hindi ko muna 'yon pinansin at nagsuot muna ng pajama. Pagkatapos ay ko kinuha sa side table ang cellphone at naupo sa kama. A text from Klyzer. From Klyzer: I'm sorry for what was happened earlier. Sorry for yelling at you. : ( Na-guilty ako sa inasal ko kanina. To Klyzer: No, it's okay. I'm the one who should say sorry. Sorry kasi nag-worry ka tapos pinairal ko pa ang kaartehan ko. From Klyzer: Apology accepted : ) Napangiti ako sa reply niya. Ang bilis naman magpatawad nito. To Klyzer: Apology accepted too. From Klyzer: Kumain ka na ba? To Klyzer: Yes, you? From Klyzer: I'm done. Nagtext pa kami ni Klyzer at di ko namalayan na 10:00 pm na pala. To Klyzer: Thanks, by the way. Nasabi ko rin ang gusto kong sabihin. No'ng nakaraan ko pa 'yan gustong sabihin mula nang hinarang ako nina Paul pati kanina. From Klyzer: For what? To Klyzer: For everything : ) To Klyzer: You're always welcome < 3 Napangiti ako sa heart na nakapaloob sa message niya. Matagal din ang pagtetext namin hanggang sa dalawin kaming dalawa ng antok. Nag-‘goodnight’ pa kami sa isa't-isa. Nawala ang takot ko kanina. Akala ko, hindi ako makakatulog dahil sa nangyari pero dahil kay Klyzer, nakangiti pa ako nang pumikit. Tulad no'ng mga nakaraang araw, dinaanan ulit ako dito ni Klyzer. Si mommy wala pa rin. Baka bukas pa siya makauwi kasi sabi niya baka raw Friday pa siya umuwi. I wonder kung anong 'importante' ang ginagawa niya. Feel ko talaga hindi 'yon about sa business namin. Feeling ko iba 'yon. Kaso, wala talaga akong idea kung ano man ’'yon’. May tinatago siya, ramdam ko 'yon. Pero, ano naman kaya 'yon? "Are you okay? Iniisip mo pa rin ba 'yung nangyari kahapon?" Nilingon ko si Klyzer na nagdadrive at diretso ang tingin sa daan. "No. I'm thinking of my Mom." Sumulyap siya sa'kin saglit bago binalik ang tingin sa daan. "What's with her? Did you already told her of what happened yesterday?" "Not yet," I sighed. "Why? You should tell her." "Wala siya sa bahay. Bukas pa raw ang uwi niya." Malakas akong nagpakawala ng hangin. Sumulyap siya sa'kin. "You know what, Klyzer, I think Mom's hiding something." "How did you say that?" "I just feel it. Parang may kakaiba sa kaniya these past few days. Lagi na siyang busy." "Baka busy sa business niyo?" "No. I have this feeling na iba 'yung pinagkakaabalahan niya. Dati naman kasi umuuwi pa rin siya kahit sobrang busy niya sa company namin. Araw-araw siyang umuuwi. At hindi siya umaalis ng bahay nang hindi ko alam." "May idea ka ba kung ano 'yung 'pinagkakaabalahan' niya?" tanong niya at inihinto ang kotse, inayos niya rin muna ang pagpark. "Wala." He sighed. "Malalaman mo rin 'yon, soon." "I hope so." Hindi ko na siya hinintay na makababa at binuksan ko na ang pinto at bumaba na ako. Bumaba na rin siya at lumapit sa akin. Nagulat ako nang hawakan niya ako sa kamay. Nahalata niya siguro ang pagkagulat ko dahil natawa siya nang mahina. "Get used of it." Tapos ngumiti siya. "Huh?" Tinaas niya ang magkahawak naming kamay. "This. Get used of this because I will always hold your hand whether we are in public or it's only the two of us ." Binaba niya ang kamay at hinila na ako papasok. "Let's go." Habang naglalakad papuntang classroom, as usual pinagtitinginan kami lalo na ang magkahawak naming kamay. "Uh, Klyzer?" Huminto siya at lumingon sa akin. Ayon na naman ang pakiramdam tuwing nagtatama ang mga mata namin. Ang bilis na naman ng t***k ng puso ko. "Yes?" "Yung nangyari pala kahapon, bukod sa teammates mo, may nakaalam pa bang iba?" Ayoko kasing may makaalam na iba. "Kami lang, pati 'yung guard. But don't worry, I told them na wala silang pagsasabihan ng nangyari. I know you want to keep it private and secret. Alam kong ayaw mong ma-issue," tapos nginitian na naman niya ako. Ano ba namang ngiti 'yan! Nakakatunaw. "Thank you." 'Yan lang ang nasabi ko sa kaniya sa lahat ng ginawa niya. Mula kagabi. 'Yung pagdating nila at tulungan ako kay Manong, sa pag-intindi niya sa'kin nung umiral ang kaartehan ko, yung pagpapagaan niya ng loob ko kagabi, tapos tinulungan niya pa akong 'wag kumalat 'yung nangyari. I really appreciate it. "You're welcome. So, let's go?" Tinanguan ko siya. Hinila niya ulit ako. Hanggang makarating kami sa classroom hindi niya ako binitawan. Pinagtitinginan na naman kami ng mga classmates namin. Si Maddie naman ay nakaupo na at nakatingin sa akin. Nag-aalala ang tingin niya. Alam niya na siguro ang nangyari kahapon, malamang sinabi ni Klyzer or Aljur. Umupo na kami pero hawak pa rin ako ni Klyzer. "Jill..." tawag ni Maddie. Tinignan ko siya at nginitian. "Hmm?" Hinawakan niya 'yung isa ko pang kamay kasi hawak pa rin ni Klyzer ang isa. "I heard what happened to you yesterday. I'm sorry." "Hey, why are you sorry? Wala ka namang kasalanan diba?" nginitian ko siya. "Kahit na, dapat magkasama tayo kung hindi lang ako sumama sa dinner." Kukunin ko na sana ang kamay ko kay Klyzer pero mas hinigpitan niya pa hawak do'n. Tinignan ko siya. "Let me hold you," bulong niya. I sighed. Mukhang wala akong magagawa kasi parang wala talaga siyang balak na bitawan ako. Tumingin ako kay Maddie na nakatingin sa kamay namin ni Klyzer. Ang kamay kong hawak ni Maddie ay pinatong ko sa kamay niya. "Don't blame yourself, Maddie. I'm okay now. Dumating naman sina Klyzer eh." I gave her a smile. She sighed. "Okay, pero mamaya, sabay na tayo ah? Magpapasundo ako sa driver kasi kung hihintayin pa natin sina Klyzer, matatagalan tayo." "Sure." Binalingan ko ulit si Klyzer dahil naramdaman kong nilalaro laro niya ang daliri ko. Pagtingin ko sa kaniya, titig na titig siya nga kamay naming magkahawak habang nilalaro iyon. I smiled. Ang cute niya. "I really like it everytime I'm holding your hand," pagkasabi niya no'n ay tumingin siya sa akin. Nakangiti siya at mas lalo siyang gumwapo dahil sa ngiting iyon. Ang sarap niyang titigan. Wala akong masabi, mas gusto ko lang siyang titigan. "Baka matunaw ang isa't-isa niyan." Nahinto ang titigan namin at nilingon si Maddie, nakangisi na naman nang nakakaloka. Naramdaman kong namula ako. "Mamaya na kayo magtitigan. Nasa harap na si Ma'am oh," natatawang sabi niya. Tumingin kami sa harap at nando'n na nga si Ma'am Lopez at nagsusulat sa whiteboard. Nagkatinginan kami ni Klyzer at sabay na natawa dahil 'di man lang namin namalayan na dumating na pala si Ma'am.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD