Inaantok pa ako nang makarinig na naman ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko.
"Ma'am, gising na po. May pasok pa po kayo."
"Okay," sagot ko at tamad na tamad bumangon.
Inaantok pa ako. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil naalala ko na naman si Daddy. Tss. Why I couldn't forget him? I must be!
Pumunta ako sa bathroom at pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin. s**t! Namamaga pa rin ang mata kakaiyak kagabi.
Hindi ko na lang iyon pinansin at naligo na. Pagkatapos ay nagbihis at bumaba na ako para mag-breakfast.
Natigilan ako nang makita ko ang nasa dining table.
"Kylzer?!" gulat kong tanong sa kanya.
Nakaupo siya sa dating inupuan niya no'ng nagbreakfast din sila dito ni Maddie.
Lumingon siya sa akin at nginitian ako.
"Good morning," nakangiting bati niya.
"Good morning, baby," bati rin ni Mommy at nang lingunin ko siya, nando'n na naman ang mapanuksong tingin at ngiti niya.
"Morning?"
Lumapit na ako sa kanila at naupo. I calmed myself. Sa tabi ko kasi nakaupo si Klyzer.
Bigla namang tumayo si Mommy.
"Iwan ko muna kayo, may aasikasuhin lang ako sa kwarto," sabi niya at umalis agad.
What the hell? Iiwan niya akong kasama 'tong si Klyzer? s**t! Kinakabahan ako. Ang lakas ng t***k ng puso ko!
"What are you doing here?" bulong ko sa kanya.
He shrugged. "I told you, sabay tayo."
I rolled my eyes.
"I know, I know. Pero, ganito kaaga?" taas-kilay kong tanong at naglagay ng bacon at fried rice sa plate ko.
"Tss, hindi ako maaga. You're late lang talaga," supladong sabi niya.
Aba! Siya na nga 'tong nakikikain, siya pa yung suplado. Palabasin kita ng bahay diyan eh.
"It's already 7:10," sabi niya nang tumingin sa wrist watch niya.
Nagulat naman ako kaya napaubo ako. Muntik pang mahulog yung kinakain ko! Shizz! Nakakahiya!
"Here, water. Dahan-dahan lang kasi," sabi niya sabay abot ng glass of water sa akin.
Kinuha ko iyon at ininom habang siya naman, hinahagod ang likod ko.
Nang mahimasmasan, inilapag ko ulit ang baso sa table. Nang lingunin ko siya, nagpipigil siya ng tawa. Ugh! Nakakahiya! Ikaw ba naman mabilaukan sa harap ni Klyzer eh!
"Oh? Anong nakakatawa?" mataray kunyaring tanong ko.
"Nothing," nangingiting sagot niya.
Nang maalala ko kung anong oras na, nagmadali na akong kumain dahil 7:30 ang start ng class namin. Ayokong malate. Never pa akong na-late ever since.
Natapos agad ako sa pagkain kaya tumayo na ako.
"Let's go," aya ko sa kanya.
Tumayo naman siya agad at sumunod sa akin.
Pagpasok sa kotse niya, nagtanong ako nang may mapansin ako.
"Where's Maddie?"
Inistart niya muna ang engine bago sumagot sa akin.
"Nauna na. Sinundo siya ni Aljur."
Ni Aljur? Bakit naman? Close ba sila?
"May something sa kanila," sabi niya nang mapansing nanahimik ako.
Tumango ako. Kaya naman pala. Actually, bagay sila. Maganda at gwapo hmm.
7:25 nang pumasok kami sa classroom. Woah. Buti na lang may 5 minutes pa. Kanina, habang naglalakad sa hallway, napansin kong maraming nagbubulungan kapag makikita o makalasalubong kaming dalawa ni Klyzer. Ang bilis talagang kumalat ng issue. Tss. Itong lalaki rin kasing 'to ang nagpakalat eh.
Pagpasok sa room, nakatingin ang buong klase sa amin. Pati na rin si Maddie na may masamang tingin.
Eh? Anong tingin 'yan? Tinaasan ko siya ng kilay na parang nagtatanong at aba! Inirapan lang ako. What's her problem?
"Oh em! Bagay talaga sila," dinig kong bulong ng isang classmate namin na si Andy.
"Tss, 'till now I couldn't believe that they're lover."
Hindi ko na kailangang lingunin dahil alam kong si Faye ang nagsalitang iyon. Tss. Hindi ko na lang sila pinansin at naupo na lang. Sumunod naman si Klyzer sa akin.
"Huy," kalabit ko kay Maddie. Nakatalikod kasi sa akin.
"Maddie, what's your problem?"
Hindi niya pa rin ako nililingon.
"Maddie, hello?”
Hindi pa rin ako pinapansin. Hindi ako pinansin? Nilingon ko si Klyzer na nakangiti sa akin.
"What's her problem?"
He just shrugged. "I don't know."
Kinalabit ko ulit si Maddie pero patay-malisya pa ri siya. Naiinis na lumingon ulit ako kay Klyzer at inilapit ang mukha ko sa mukha niya para makabulong.
"Badtrip na ba siya kanina sa bahay niyo pa lang?"
Hindi agad siya sumagot dahil nakatingin lang siya akin at halos pigil ang paghinga.
"N-no, kanina, o-okay pa n-naman si-siya," utal-utal niyang sagot.
At nang marealize ko na sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isa't-isa, umayos na ako sa pagkakaupo.
"Talk to her," utos ko.
Sumandal ako para makalabit niya si Maddie.
"Hey, cousin."
Biglang humarap si Maddie na masama ang tingin.
"Dont. Talk. To. Me," mariing banggit niya sa bawat salita. "I'm. Not. Your. Cousin." Lumingon din siya sa akin na masama rin ang tingin. "And. I'm. Not. Your. Bestfriend," pagkatapos ay tumalikod ulit siya.
Nagkatinginan kami ni Klyzer na parehong takang-taka kung bakit ganon ang inaakto ni Maddie. Pareho din kaming nagkibit-balikat.
Maya-maya pa ay dumating na si Ma'am Lopez at nag-umpisa nang magdiscuss. Kapag may pagkakataon, sinusubukan naming kausapin si Maddie pero parang hangin lang ang kausap namin.
Hanggang sa maglunch, para niya na kaming pinapatay sa tingin.
What's her problem ba kasi?
"Excuse, cr lang ako," paalam ni Klyzer.
Tinanguan ko siya kaya't tumayo na siya.
Nilingon ko ulit si Maddie at ang sama talaga ng tingin. Huminga ako nang malalim at tinanong siya. Naiinis na ako!
"What the hell is your problem?!"
"Ikaw pa may ganang mainis?" naiinis niya ring sagot.
"Ano ba kasi 'yon? Para kang ewan diyan! Hindi ko naman alam ang ikinapuputok ng butchi mo."
She rolled her eyes. "Tss. Alam na ng buong campus tapos ako na naturingang pinsan at bestfriend niyo, eh huli pala sa balita!"
"What the hell are you talking about? Pwede bang straight to the point?!" naiinis kong sabi at bahagyang ginulo ang buhok.
"Oh? At nagmamaang-maangan ka pa? Nalaman ko lang naman kanina pag pasok ko na kayo na pala at hindi niyo man lang sinabi sa akin," bakas ang tampo sa tono ng boses niya.
Shit! Bakit ba hindi ko naisip yung magiging reaction niya 'pag nalaman niya!
"Tahimik ka ngayon? Why you didn't tell me? Ugh! I'm so frustrated!" halata ngang nafufrustate siya dahil ginugulo niya ang buhok niya.
Paano ko naman sasabihin sa kanya eh nabigla nga rin ako nang sabihin yun ni Klyzer. Nalaman ko na lang din na girlfriend niya na ako. Tingin niya kasi sakin, I'm his girlfriend kahit hindi naman talaga.
"Care to explain?"
Tumingin ako sa kanya bago magpaliwanag.
"I don't know," sabi ko at nainis naman siya bigla.
"Anong ‘I don't know’!"
"Why don't you ask your cousin? Hindi ko nga rin alam na girlfriend niya na pala ako!"
"W-wait, what do you mean?" Yung kaninang naiinis niyang mukha ay napalitan ng pagkalito.
I sighed.
"What?! So you mean, no'ng time na nasa bahay ka after our graduation, nakita ka na niya?" nanlalaking mga matang tanong niya.
Halatang di makapaniwala. Ako rin naman eh. Hindi rin ako makapaniwala nang sabihin niya iyon.
Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari. Lahat. Mula sa pag-alis nila ni Aljur para sa meeting, sa paglapit nina Faye sa akin, yung pamamlastic nina Faye, yung pag-eksena ni Klyzer at pati yung pag-uusap namin sa kotse.
"Yeah," sabi ko sabay tango.
Magsasalita pa sana siya nang matigilan siya at nakatingin sa likod ko kaya lumingon din ako.
Oh, si Klyzer. Bakit ang tagal naman niyang mag-CR? Naikwento ko na ang lahat kay Maddie, tapos kababalik niya pa lang?
"Sorry natagalan. Madaming students na nakapila eh, nasira kasi yung dalawang toilet," he explained before we could ask him.
"Hi, Jillian."
Tinignan ko ang nagsalita. Si Aljur pala. Oh, kaya pala natahimik 'tong babaeng 'to.
"Hey," bati ko rin sa kanya.
Umupo na si Kylzer at nasa tabi ko siya. Pang-apatan 'tong table.
"Cous, order na kayong dalawa," utos ni Klyzer.
"What? Nino?"
"Tss, syempre kayo ni Aljur," supladong sagot niya.
"What? Bakit siya? Eh hindi naman natin 'yan ka-table diba?" masungit ding sabi ni Maddie.
"From now on, dito na siya sa table natin. Para hindi ka naman ma-out of place."
"What? No way!" pagpupumilit niyang pagtanggi.
"Tss, If I know, gusto mo siyang ka-table."
"Shut up!" inis na sabi ni Maddie at padabog na tumayo saka pumunta sa line.
Sumunod naman si Aljur na kakamot-kamot sa ulo.
Nilingon ko naman si Klyzer.
"Hi, girlfriend," nangingiting sabi niya.
What the? Did he just call me g-girlfriend?
"What?"
"I said, ‘hi girlfriend’,"abi niya at inakbayan ako!
Oh my god! I can feel my cheeks reddened! Ang bilis ng t***k ng puso ko! Parang kagagaling ko lang sa marathon! s**t! Hindi ako makagalaw. I'm stilled!
"Breath, Jillian. Breath," malambing na sabi niya.
Sinabi ko bang malambing? s**t! Para akong mababaliw dito!
Dahan-dahan kong binuga ang hangin na kanina ko pa pinipigilan. Kinakabahan talaga ako.
"Look at me, Jill," utos niya pero hindi ko sinunod.
Tinanggal niya ang pagkakaakbay sakin. Hihinga na sana ako nang maluwag nang hawakan niya ang baba ko at pinatingin sa kaniya.
"W-why?" nauutal kong tanong.
"Naiilang ka ba sa akin?" mahinang tanong niya at titig na titig sa akin.
Shit! Ang ganda ng mata niya. Bakit ngayon ko lang napansin na browned-eyes pala siya.
"I-I'm not," pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
"Good. Hindi ka dapat mailang sa boyfriend mo, girlfriend," bulong niya.
What the f**k? Totoohanan ba 'to? Kailan ko pa siya naging boyfriend? Yes, I like him, too. Pero wala sa pinag-usapan namin na boyfriend ko na siya! Assuming din ang isang 'to.
"Ehem."
Nakarinig kaming may tumikhim kaya tinanggal ko ang kamay niya sa baba ko.
Tinignan ko ang kararating pa lang na sina Aljur at Maddie.
"Let's eat," sabi ni Maddie habang nilalagay nila ni Aljur ang tray sa table.
Ang kaninang masamang tingin ni Maddie ay napalitan na naman ng mapanuksong tingin.
Nag-umpisa na kaming kumain at walang nagsasalita ni isa sa amin. Nagpapakiramdaman lang kaming apat kung sino ang magsasalita. Parang nagkakailangan kami. Sino ba naman kasi ang hindi maiilang samin diba?
Sina Maddie at Aljur, halatang naiilang sa isa't-isa, ganon din kami ni Klyzer. Siguro kung wala dito si Aljur at hindi pa umamin si Klyzer, naglalaban kaming tatlo kung sinong pinakamaldita/o.
Maya-maya, may lumapit sa amin na classmate din namin. Naka-eyeglasses siya at naka-ponytail. One of the nerds in our class.
"Aljur, Maddie, tinatawag kayo ni Sir Alejandro, sa room niya. May pag-uusapan daw kayo about sa incoming intrams para makaabot pa kayo sa first subject niyo sa afternoon class," paliwanag niya.
Napasimangot naman si Maddie at tinawanan siya ni Aljur.
"I have to go, bye."
Pag-alis ng classmate namin, masama ang tingin nang binalingan ni Maddie si Aljur.
"What's with that look?" Nakataas ang kamay ni Aljur na para bang sumusurrender.
"What's the funny?" madiing tanong din ni Maddie.
"Nothing's funny."
"Nothing huh? So why are you laughing? Are you making fun of me?"
"Huh? Of course not! Why would I?"
Napailing na lang ako dahil ang kaninang nagkakailangan, nagbabangayan na. Ang corny rin nitong si Maddie, huh.
"Oh really?" taas kilay na tanong ni Maddie.
"Will you please shut your mouth?!"
Hindi na nakasagot si Aljur kay Maddie nang magsalita na si Klyzer. Lumingon kaming tatlo sa kaniya.
Binaba niya ang spoon and fork na hawak niya at tinignan sina Maddie at Aljur.
"If you like each other, then confess! Hindi yung magbabangayan kayo. Ang ingay, nakakairita. Eh obvious naman na you like each other!" singhal niya.
Natigilan ang dalawa at para bang nagulat pa sa narinig kay Klyzer.
"See? Nagulat pa kayo? Alam na nga yata ng buong campus tapos kayong dalawa lang ang walang alam? Tss, admit it. Gusto niyo ang isa't-isa."
Pagkatapos niyang sabihin iyon, nagpatuloy siya sa pagkain na parang wala lang, wala lang ang sinabi niya samantalang ang dalawa halos hindi pa makarecover. Parang hindi pa nagsisink in sa kanila yung sinabi ni Klyzer.
"I'm done eating, pupunta na ako kay sir Alejandro." Biglang tayo ni Maddie na parang narealize na yung sinabi ng pinsan niya.
Kinuha niya ang bag at saka umalis.
"Me too," sabi din ni Aljur at tumayo na rin. "I'll follow her," dagdag niya at sinundan nga si Maddie.
Kaming dalawa na naman ang naiwan.
"Kailan pala ang intramurals?" tanong ko pagkakuwan.
Hindi ko na kasi kaya ang awkwardness.
"Next week," sagot niya at tumingin sa akin. "May sports ka?"
Umiling ako, "Wala. I don't play. Mas gusto kong i-cheer ang mga players kaysa ang ang i-cheer."
"You like cheering huh?" tanong niya na tatango-tango pa na para bang may masayang naiisip.
"Yes."
"So, iche-cheer mo ako?"
Nabitawan ko ang spoon and fork ko at tumingin sa kanya.
"What? Iche-cheer kita?" gulat kong tanong.
Tumango naman siya at biglang ngumiti.
Bakit ka ba ngiti nang ngiti? Naaakit ako. Opss! Anong naaakit? No, no. Ano ba naman 'tong mga pinag-iisip ko.
"Yeah, you like cheering diba? Edi magcheer ka para sakin."
So, player siya?
"What sports?"
"Basketball, of course," sagot niya at tinaas-taasan niya ako ng kilay.
"Eh kung ayoko?" Pagtataray ko.
"Why? Girlfriend should be supportive to her boyfriend."
My jaw dropped. Nararamdaman ko ring namumula ako dahil sa sinabi niya.
"G-girlfriend mo ba talaga ako? As in, tinotoo mo 'yon?" Kahit nahihiya, nagtanong pa rin ako para naman malinawan ako.
His face saddened.
"I'm sorry," sabi niya at tumungo.
Shit! Bakit siya nalulungkot?
"Why are you sorry?"
"We're not a real couple. Imbento ko lang 'yon. I'm sorry for being selfish, too. Oo, gusto kita kaya sinabi ko iyon sa kanila pero, I didn't think what will you feel. So, I'm sorry." Tinignan niya ako sa mata, diretso sa mata.
Hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang isasagot. Tinitigan ko lang ang pagkain ko.
"But. . ."
Dahan-dahan ko siyang tinignan at 'ayon na naman ang mga titig niya, yung titig niya dati na para akong nahihipnotize na titigan din siya. Yung titig niya na parang tagos hanggang kaluluwa, yung titig niya na parang hinahalungkat ang pagkatao ko.
"Let them think that we're in a relationship. I know, the feelings are not mutual," sabi niya at biglang ngumiti. ". . .yet."
"But, I'll make it mutual, soon." Pagkasabi niya no'n, bumalik siya sa pagkain at naka-ngiti pa rin na para bang may pinaplano.
Bumalik na rin ako sa pagkain pero nasa isip ko pa rin yung sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na ‘I'll make it mutual, soon.’?
Hanggang sa matapos kaming kumain, iniisip ko pa rin ang sinabi niya. Naglalakad na kami papunta sa locker nang may humarang sa amin na tatlong lalaki. Tumigil din sa paglalakad si Klyzer at tinignan sa mata ang lalaking nasa gitna.
"Hey, Klyzer," bati ng nasa gitna.
Nakatingin sa amin ang ibang students na nasa locker.
Hindi sumagot si Klyzer at tinignan lang niya na para bang bored na bored. Hinawakan niya ako sa kamay at halos mapatalon pa ako dahil sa paghawak niya. Ang weird pero parang may kuryente yung kamay niya.
Hinila niya ako at akmang lalagpasan na namin ang tatlo nang umatras ang nasa gitna para harangan kami.
"Hindi mo man lang ba kami babatiin?" maangas na tanong niya.
Tinignan ko siya, gwapo rin naman siya at matangkad. Yung itsura niya, pang badboy, gano'n din ang mga nasa likod niya pero siya ang pinakamatangkad. Nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa niya.
"We are not close so why do I need to greet you?" tanong din ni Klyzer na naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Oh, maangas ka talaga eh no?" natatawang tanong niya at nakitawa rin ang dalawang kasama niya.
Tinignan niya ako at napataas ng kilay.
"Hi, Miss. You must be Jillian Fritz?" Lalapitan niya sana ako nang ilagay ako ni Klyzer sa likod niya.
"Don't talk to her," malamig na utos niya.
"What a protective boyfriend." Sumulyap muna siya sa akin bago tumingin kay Klyzer. "I just wanna introduce myself to her. What's wrong with that?"
I don't know but my impression to him was bad. Kasi sa itsura at pananalita niya pa lang, halatang bully na.
"Just don't talk to her," malamig na sabi ulit ni Klyzer.
Kung titignan, mas matangkad si Klyzer kaya bahagyang nakatingala ang lalaki.
"C'mon, Klyzer. Makikipagkilala lang kami sa girlfriend mo."
Napahawak din ako sa braso niya at mas hinigpitan ang hawak ko sa kaniya. Natatakot ako sa lalaking nasa harap namin. Yes, maldita lang ako. Magaling ako makipag-trashtalkan, pumapatol ako physically, pero sa mga babae lang. Kasi alam kong malalakas ang mga lalaki. Nakikipag-trashtalk din ako sa lalaki kasi alam kong 'di naman nila ako sasaktan pero iba ang nasa harap namin. Tingin pa lang, alam mong basagulero na.
"Pwede ba? Ayoko ng gulo kaya please, padaanin niyo kami ng girlfriend ko," malumanay na aniya pero may diin sa word na 'girlfriend’.
Hinawakan ako ni Klyzer sa magkabilang braso at dumiretso sa locker namin. Hindi na humarang ang mga lalaki at asar na asar na umalis. Nakahinga ako nang maluwag.
Nagpalit kami ng gamit para sa afternoon class. Nauna siyang natapos kaya nilapitan niya ako.
"Are you okay?" tanong niya at hinawakan ako sa balikat.
Tinapos ko muna ang paglalagay ng gamit sa locker at sinara 'yon saka ako humarap sa kanya.
Nag-aalala ang mga kulay brown niyang mata.
"Who are them?" Sa halip na sagutin, nagtanong din ako sa kaniya.
"Grade eleven students. Mayayabang talaga sila lalo na yung nasa gitna, si Paul. For sure, sasali 'yon sa intrams at makakalaban namin. I know what they want."
"What do they want?"
"Kakausapin na naman kami ng mga iyon na magpatalo sa intrams para sila ang mag-champion, but of course, hindi kami papayag."
May mga ganoon pa pala? Nananakot?
Nag-umpisa na kaming maglakad papunta sa room at nagtanong ulit siya.
"Natakot ka ba kanina? Naramdaman ko kasing humigpit ang hawak mo sa'kin."
Tumango ako.
Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako. Hinawakan niya ako sa baba at iniangat 'yon para matignan ko siya.
"Don't worry, hindi ko naman hahayaang saktan ka nila o ng kung sino man. Dadaan muna sila sakin bago ka pa nila mahawakan, but of course I won't let that happen. I'll do my best to protect you okay?" Nakangiting sabi niya.
Ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya! Parang tumakbo ako ng malayo sa sobrang bilis at lakas ng kabog.
Tinanguan ko lang siya kahit na sobrang naghuhuramentado na ako dito.
Mas lalo yata akong nagkakagusto sa kaniya.