Chapter 7

2757 Words
Halos makarinig ako ng kuliglig dahil sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Walang nagsasalita. Halos pati ang paghinga namin ay pigil 'wag lang makagawa ng ingay. Hays. Ano ba 'to. Anong sasabihin ko sa kanya? Ang awkward kasi magtanong sa kanya about do'n sa boyfriend thingy na 'yon.. Buti sana kung hindi kami close, macoconfront ko siya eh kaso, siya yung taong gusto ko. I sighed. Napalakas yata ang pagbuntong hininga ko dahil lumingon siya sa akin. "W-what do you want to talk?" tanong niya at bumuntong hininga rin. For the nth time, I sighed again. Para kaming mga tanga na kanina pa buntong hininga nang buntong hininga. "You knew it," sagot ko nang hindi lumilingon sa kaniya. "What do you want to know?" Bakit ba ang dami niyang tanong? Hindi ba dapat ngayon ay nageexplain na siya kung bakit niya sinabing he's mine and I'm his? Humugot ako nang malalim na hininga para kumuha ng lakas ng loob at saka iyon pinakawalan kasabay ng pagpapakawala ko sa hiyang nararamdaman ko. "Okay," panimula ko at lumingon sa kanya at pinilit na tignan siya sa diretso sa mata. "Answer my questions." "Okay," he nodded. "Call me an assumer but I always caught you looking at me, staring rather. What's the meaning of that?" tanong ko at pilit nagpapakatatag sa mga titig niya. Ilang beses ko na siyang nahuling nakatitig sa akin pero hindi pa rin ako nasasanay. I'm waiting for his answer but he did not speak. He's just staring directly into my eyes. Kumurap ako at nagtanong. "Aren't you going to answer my question?" "Is that all?" tanong niya na titig na titig sa akin. Ilang na ilang na ako sa kanya lalo na sa titig niya! Pero hindi naman pwedeng lumabas ako rito at tumakbo pauwi. Nandito na eh. Ito na, kaya't kailangan kong tiisin ang awkwardness na 'to. "Meron pa." "Then ask all your questions and I'll answer it in one explanation." Dami namang alam nito. Huminga muna ako nang malalim bago muling tumingin sa kanya. "Tulad ng sinabi ko, lagi kitang nahuhuling nakatitig sa akin, kahit no'ng unang araw pa lang na nagkita tayo dito sa school, nakatitig ka na. Kung makatitig ka kasi, parang ang tagal mo na akong kilala, parang ang tagal mong hinintay na makita ako---" hindi pa ako tapos nang sumingit siya. "Am I that obvious?" nakangising tanong niya na para bang natatawa dahil may nakahalata sa paninitig niya. "Sobra. Creepy na nga minsan eh," I said as I rolled my eyes. "What? Creepy?!" 'di makapaniwalang tanong niya at humarap sa akin at ipinatong ang kaliwang braso sa manibela. Tss. Uto-uto. "Oo." "What the f**k?!" mura niya. "Sa itsura kong 'to? Creepy? Eh halos mangisay nga ang iba sa kilig 'pag tinitignan ko tapos sayo 'creepy'?!" "Tss. Just kidding," sabay ngisi ko nang mapang-asar dahil masyado siyang uto-uto. Parang nakahinga naman siya ng maluwag at sumeryoso ulit agad ang tingin. "Continue what you were saying," utos niya. Umayos ulit ako sa pagkakaupo at nagseryoso rin. Nilabanan ulit ang titig niya. "Bakit ganon ka makatitig?" tanong ko. "And why did you tell them that I'm your g-girlfriend," nag-aalinlangan pa ako nang banggitin yung last word. "Nung nilagnat ako, umabsent ka pa para lang bantayan ako. Bakit? Eh hindi pa naman tayo close no'n? Halos hindi pa nga tayo mag-usap kung hindi kinakailangan eh. At no'n mo rin sinabi sa mga kasambahay namin na. . . na g-girlfriend mo ako." Napatigil ako sa pagsasalita nang ngumiti siya. Shit! Bakit ang gwapo? Nadi-distract ako. Tumikhim ako bago magsalita ulit, "And, kanina rin, sinabi mo sa classmates natin na g-girlfriend mo ako," naiilang pa rin akong sabihin yung 'girlfriend niya ako'. "Why?" tanong ko. Hinintay ko na ang sagot niya. Tumingin muna siya sa malayo bago tumingin ulit sa akin at bumuntong-hininga. Tumikhim din siya bago magsalita. "I know you for years," paunang sagot niya. Natigilan naman ako. Kilala niya ako? Dati pa? Bakit naman? Eh sa pagkakaalala ko, sa mall kami unang nagkita, no'ng nabangga namin ang isa't-isa. "How?" naguguluhang tanong ko. "You're my cousin's bestfriend. You were classmates before. And no'ng graduation, do'n kayo sa bahay nila dumiretso kasi may celebration. Kasama mo ang Mommy at Daddy mo." Shit! Paanong nasali sa usapan ang lalaking yun? Matagal ko na siyang gustong kalimutan! Bakit niya pa pinaalala. Namuo agad ang galit ko dahil 'yon din ang last time na nakita ko siya. Nagsalita siya ulit kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko. "At 'yon din ang day na dumating ako galing US. Nasa kwarto lang ako no'n. Hindi ako lumabas ng kwarto dahil wala pa naman akong kilala noon. Kahit nga si Maddie hindi ko pa close dati kaya nakadungaw lang ako sa veranda ng kwarto ko at tinatanaw ang mga bisita sa garden. And then a girl caught my attention. Sinusundan ko siya ng tingin. I don't know why but I kept on following her in my gaze. There's something in her that I can't explain. Naagaw niyang talaga yung atensyon ko. Napansin ko rin ang closeness niya sa mommy at daddy niya. Napansin ko rin na ang kasa-kasama niya ay ang pinsan ko." "So I assume that they're close friends. Hanggang sa matapos ang celebration, nakatingin lang ako sa kanya. She's wearing her sweet smile all the time. Hindi ko siya nakitang sumimangot. Hanggang sa umalis siya kasama ang parents niya, nakatingin pa rin ako sa kanya. Tinanaw ko rin yung kotse nila paalis. And that night, I couldn't sleep thinking of that beautiful girl. And because she's close to my cousin, I thought she'll return in our house. But days after, I did not see her again. Weeks, months and years. I've waited for her. She'd really attracts me. Ilang taon na ang nagdaan pero hindi ko pa rin siya makalimutan. I want to see her. I want to know her name. I wanna know her better. Gusto ko mang tanungin si Maddie ay hindi ko magawa. Baka asarin niya lang ako. Kaya nakuntento na ako sa pagtingin sa mga pictures niya kasama ang pinsan ko. I know I was so young. Kaka-graduate ko lang din no'n sa elementary at akala ko malilimutan ko rin siya pero hanggang ngayong senior highschool na ako, siya pa rin. Lagi ko pa rin siyang naiisip. Tapos nalaman ko, bumalik na pala siya dito. So, pagkagaling ko sa airport no'ng nagbakasyon ako, sinabihan ko agad si Maddie na sunduin niya ako at dumiretso sa mall dahil akala ko, kasama niya yung bestfriend niya. And I was so disappointed kasi hindi niya kasama tapos kinwento niya sa'kin yung bestfriend niya and I told her that I want to meet her." Titig na titig siya sa akin nang sabihin niya iyon. Halos hindi rin siya kumurap. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Alam ko ring halos sumayad na sa baba ang baba ko dahil sa pagkakanganga. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. The person I like, knows me for years? At hindi lang iyon, hinintay niya ako ng halos 5-6 years. Grade 12 na kami ngayon. Ang tagal niyang naghintay. Nakaya niya 'yon? "I want to meet my cousin's bestfriend. But, that's just only an alibi. Because the truth is, I want to see the girl that I like, the girl that I'm waiting for. May nabangga nga ako no'n sa mall sa pagmamadali eh. I saw her face. She looks so familiar," huminga siya nang malalim bago ulit magsalita. "At kung minamalas nga naman, sabi ni Maddie na pauwi na raw ang kaibigan niya. Nagkasalisihan pala. Then the day after I saw her wearing the school uniform of us. Then I remember, she's the girl I bumped in mall. I said to her, ‘It's you’. Actually, that was a double meaning. First, yeah, she is. She's the girl I bumped. And the second, yeah she is, the girl I saw six years ago. Tapos nagkalagnat siya. I'm so worried." Pagkatapos ay natawa siya na para bang may nakakatawang naalala. "And I considered her as my girlfriend even though she didn't know," natatawang sabi niya. Mas lalo akong napanganga sa sinabi niya. "And that girl..." pabitin niya at mas lalong tumitig sa akin. Halu-halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. "That girl, she's now in front of me." Napalunok ako. Hindi ko talaga alam ang sasabihin. Indirect na sinabi niyang gusto niya ako. For f*****g six years? He'd been waiting for me? "And I'm sorry if I told them that you're my girlfriend. Pero, mukhang hindi ko na mababawi iyon. Kalat na rin siguro ang balitang iyon dahil sa dami ng nagkakandarapa sakin dito," mayabang niyang sabi at nakangisi pa. Ang yabang mo! "Ang yabang mo!" pairap kong sabi. "Sinasabi ko lang ang totoo," mayabang na sabi niya ulit. Kapal naman ng mukha nito! Pero sabagay, gwapo naman talaga 'to kaya marami talagang magkakandarapa sa kanya. Pero kahit na! "Tss! Bawiin mo pa rin yung sinabi mo na g-girlfriend mo ako kasi hindi naman 'yon totoo at saka 'di rin naman ako papayag na ‘girlfriend’ mo agad ako eh lagpas isang buwan pa lang kitang nakilala 'no." Pero na-appreciate ko talaga ang six years na paghihintay niya sa akin. Parang sa ganon pa lang, napatunayan niyang loyal siya. Pero kahit na! Hindi ko pa rin siya sobrang kilala at hindi niya pa rin ako sobrang kilala 'no. "Then let them think that you're my girlfriend. That's better," nakangiting aniya. "Ayoko," sagot ko at umayos sa pagkakaupo. Nag-crossed arms din ako. I heard him chuckled so I look at him. "What's the funny?" "You're so cute," sabi niya at inistart na ang kotse niya. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. "You're blushing," pang-aasar niya. Sino ba naman kasing hindi kikiligin eh yung taong gusto mo, sinabihan ka ng ‘cute’. Napaiwas ako ng tingin. Humarap sa gilid ng kalsada para hindi ko makita ang mukha niya! Ugh. Pinaandar niya na ang kotse at hindi na kami nag imikan hanggang makarating kami sa bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto. "Thanks," sabi ko at lumabas. Sinara niya ang pinto at humarap sa akin. Usually, 'pag bumababa na ako sa kotse niya, kakaway lang ako sa kanila ni Maddie at nauunang pumasok sa bahay namin. Pero ngayon, hindi ko alam kung papaano magpaalam dito sa lalaking ito. Hindi ko alam kung papasok na ba ako o ano. Nakatitig na naman siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. "So, bukas ulit?" Napatingin ulit ako sa kanya nang magsalita siya. "Bukas ulit?" Napakamot muna siya sa batok bago magsalita. "Susunduin ka ulit. And expect na, m-mag-iiba ang treatment ko sa'yo. Tayong dalawa lang o kahit nasa harap ng maraming tao," parang nahihiyang sabi niya. Wait, paanong mag-iiba? "You know, nagconfess na ako sa'yo at ang alam ng classmates natin na t-tayo." Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Ano nga ba ang dapat sabihin? Hindi ko rin alam ang irereact ko. Girlfriend niya ako pero hindi, hindi niya ako girlfriend pero oo. Hays! Ang gulo naman! "W-wala ka bang sasabihin?" nag-aalangan niyang tanong. "H-ha?" Shet naman! Ang awkward na tuloy! Siguro, kung hindi pa siya nagconfess, matatarayan ko pa siya pero ngayon... "Alright. Pumasok ka na sa loob. Basta hintayin mo ako bukas," aniya at lumapit sa akin. Natigilan ako ng lumapit siya sa akin. "I-ikaw?" Ano ba naman yan, Jillian! Ba't ka ba nauutal? "Pag nakapasok ka na saka na ako aalis," sabi niya sabay ngiti. Shit! Nakakatulo-laway naman ang ngiti nito! Halos mapatalon ako nang tapikin niya ang balikat ko. "Sige na, pasok ka na." Shit! Hindi maalis-alis yung smile niya. Ang gwapo! "S-sige," sabi ko at dire-diretsong pumasok sa gate. Hindi naman iyon naka-lock dahil tiwala si Mommy sa security ng subdivision namin. Diretso lang ang lakad ko at hindi na lumingon pa sa kanya. Hindi ko rin namalayan na nasa loob agad ako dahil sa bilis ng paglalakad ko. Narinig ko ang tunog ng sasakyan niya paalis. "What's that, baby?" Halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses ni Mommy. Nilingon ko siya na nasa gilid ng pinto. "W-what Mom?" Nakita niya ba yung kanina? Pero ano naman kung makita niya eh wala naman kaming ginawa? Hays! Bakit ba napaparanoid ako?! "Hinatid ka ni Kylzer?" tanong niya at may nanunuksong ngiti. "Huh? Eh lagi naman po, diba? Sinusundo pa nga po eh," paliwanag ko. Totoo naman diba? Inakay ako ni Mommy papunta sa sofa. "Oo nga, pero dati kasama si Maddie. Hindi ko siya nakita kanina ah? Kayong dalawa lang?" Ako lang ba o sadyang nanunukso ang tono niya? "E-eh kasi po, may meeting pa si Maddie at sinabi niyang mauna na kami at sa isang kaklase na lang po siya sasabay," paliwanag ko na naman. Bigla namang tumayo nang maayos si Mommy pero nando'n pa rin ang nanunuksong ngiti at tingin. "Okay, as you say so. But, remember this baby," sabi niya. Kinabahan ako dahil biglang sumeryoso si Mommy. "A-ano po 'yon?" "Okay lang sa'kin si Klyzer. Gwapo, matalino, mukha namang mabait, gentleman din. Kaya, boto ako sa kanya." Napanganga ako sa sinabi niya. Nagpaulit-ulit din sa isip ko ang sinabi niya. What? Boto siya kay Kylzer? Pa'no pa kaya kung malaman niyang hinintay ako no'n nang six years? Namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa harap na ng pinto ng kwarto ko. Hindi ko man lang namalayan na iniwan ko na pala si Mommy na tatawa-tawa pa sa sala. Speechless pa rin ako dahil sa sinabi niya. Ipinilig ko ang ulo ko at binuksan na ang pinto ng kwarto. Inilapag ang bag sa side table at nagbihis na rin. Pababa na sana ako para magdinner nang magvibrate ang phone ko na nasa side table. Someone just texted me. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung kanino iyon galing. From Kylzer: Good evening. Dinner na. : ) Halos mapatili pa ako nang mabasa ko ang text niya pero agad ko ring pinakalma ang sarili ko. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Hindi ko siya nireplyan at sa halip ay bumaba na ako at dumiretso na sa dining room. "Where's Mommy?" tanong ko nang makitang ang mga maid lang namin ang nandoon at inaayos ang hapag. "Nasa kwarto niya pa po," magalang na sagot ng isa. Tumango lang ako at pumunta sa kwarto ni Mommy para sabihing kakain na. Bahagyang nakabukas ang pinto ni Mommy kaya't naririnig ko siya sa loob. Mukhang may kausap siya sa cellphone. Hindi ko alam pero nag-eavesdrop ako, out of curiosity siguro. "Yeah, I really miss you. I want to see you... I know, I know, pero sa tingin ko maiintidihan naman niya iyon," may bahid ng kalungkutan ang boses ni Mommy. Sino naman kaya ang kausap niya? "Okay, Take care, huh? I love you, bye." Hindi ko alam pero parang kinabahan ako. Sino naman ang kausap ni Mommy at nag- ‘I love you’ pa siya? Nagulat ako nang bumukas ang pinto at tumabad si Mommy. Halatang nagulat din ito. "K-kanina ka pa ba diyan?" parang kinakabahang tanong niya. Nagtaka ako sa inakto ni Mommy. Anong nakakakaba? "Hindi naman po," magalang na sagot ko. "Gano'n ba? Ano palang ginagawa mo dito?" tanong niya at lumabas na ng kwarto. Isinara niya rin ang pinto. "Kakain na po." "Oh, okay. Let's go," akmang maglalakad na siya nang magtanong ako. "Sino po ang kausap mo?" Natigilan si Mommy at hindi agad nakasagot. Dahan dahan siyang lumingon sa akin pero hindi makatingin nang diretso sa mata ko. "A-ah? I-iyon ba? Ah, si...si tita Lorrie mo, oo tama si tita Lorrie mo nga. N-nasa Canada pa rin kasi siya hanggang ngayon and you know, close friend ko siya at matagal na since the last time we met," paliwanag ni Mommy at tinanguan ko. "Let's go." Nauna nang bumaba si Mommy. Weird. I don't know but I don't believed her. Parang may tinatago si Mommy. Ano naman kaya iyon? Simula nang iwan kami ni Daddy, mas lalo kaming naging close ni Mommy. No secrets. But, what's the meaning of her actions a while ago? "Jillian! Come here! Kakain na tayo." Napakurap ako nang marinig kong tinawag ako ni Mommy at dali-daling bumaba. Mas lalo akong nagtaka dahil masyadong tahimik si Mommy. What's wrong? Hindi naman siya ganito. Hindi pa rin siya makatingin sa akin nang diretso. "Mom, may problema po ba?" 'Di ko na napigilan at nagtanong na sa kanya. "H-huh? N-nothing, baby. Sige na, kumain ka lang." Wala na akong magawa dahil mukhang ayaw namang sagutin ni Mommy ang tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD