Napamulat ako nang may maramdaman akong basa sa noo ko. Kinabahan agad ako sa nakikita ko.
Our eyes just met.
His stares...
Gusto kong iiwas ang tingin ko pero may kung anong parang humihigop sa mata ko para sabayan ang titig niya.
His eyes...
"You're awake," mahinang aniya. "Is it okay? P-pinunasan na kita kasi sobrang taas ng lagnat mo. O-okay lang ba sa'yong ako ang nagpupunas sayo?" nahihiyang aniya.
I just nodded.
Shit! Why are you doing this, Klyzer? We're not even close. But why? It's not that I don't like he's here, it's just that I'm confused. Nag-aalala ba siya? Totoo nga ba yung sinabi ni Maddie na he likes me?
Nilublob niya yung towel sa palanggana at pinigaan.
"After ko rito, kukunin ko yung lugaw sa baba para makakain ka na and to take your meds. Hindi ka pa nag-aalmusal. At hindi ka rin daw nagdinner kagabi. You should para bumababa ang lagnat mo. Pangalawang araw na 'to," aniya habang nakakunot-noo at at bahagyang nakayuko at may nilalapat sa noo ko.
Assuming ba talaga ako? Or nag-aalala talaga siya.
Tinititigan ko lang siya, ang gwapo niya. Ang tangos ng ilong niya. Makapal ang kilay, ang ganda ng mata, mahaba ang pilikmata, and kissable ang lips niya...
Napalunok ako.
"I'll just get your lugaw," sabi niya at nilagay ang towel sa planggana. Binitbit niya ito at lumabas.
Klyzer Aster...
Bakit umabsent ka para lang alagaan ako? What am I to you? I'm just your cousin's bestfriend. Hindi pa tayo ganon magkakilala. Kailan lang kita nakilala at kailan mo lang ako nakita. Bakit kung mag-care ka, parang matagal mo na akong kilala?
I sighed.
I have a lot of questions for him.
What's the meaning of his stare?
What's the meaning of his care?
What's the meaning of his concern?
Why is he doing this?
Lalong sumakit ang ulo ko. Kahit nakahiga lang ako ramdam ko ang kirot sa ulo. Umiikot din ang pangingin ko. s**t!
I need to pee!
Dahan-dahan akong tumayo. Maingat. Nakahawak pa ako sa ulo ko. Hirap na hirap din ako sa paglalakad! f**k this headache! Bakit ba kasi napakahina ng resistensya ko? Konting paulan lang naman iyon pero dalawang araw na akong nilalagnat.
Nagpee ako. Nagtoothbrush at hilamos na rin. Paglabas ko ng cr, I saw Kylzer sitting on one of the couch near the bathroom and staring directly into my eyes. Kumabog ang puso ko!
Naglakad ako ng dahan-dahan pabalik sa bed ko. Napahawak ako sa ulo ko nang kumirot ito. Halos matumba rin ako pero agad akong naalalayan ni Klyzer.
"Careful," mahinang sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang braso at inakay pabalik ng kama. Umupo ako roon at sumandal sa headboard ng kama.
"Can you eat by yourself?" tanong niya at kinuha ang lugaw na nasa mangko.
Kaya ko bang kumain? Tinry kong iangat ang ulo ko pero lalo lang akong nahilo.
"N-no," nahihilong ani ko.
"Is it okay if I'll help you? I mean, susubuan kita? Kung okay lang naman?" tanong niya at... eh? Bakit siya namumula?
Wait, susubuan niya ako? Gusto kong kiligin 'coz I like him but f**k this! Ang sakit ng ulo ko. Nakakahiya namang magpasubo dito. Nakakailang. Hindi naman kami close.
But, I have no choice! Mahihirapan ako kung kakain ako mag-isa. I badly need his help.
"Y-yeah."
Ngumiti siya. Damn that smile! Nakakaakit. Napatulala pa ako sa kanya. Hinihipan niya yung lugaw na nasa spoon. Inilapit niya iyon sa bibig ko.
"Say ah"
"A-ah," ani ko at sinubo ang lugaw. He smiled again.
Hmm. Ang sarap naman nitong lugaw! Nakatikim naman na ako ng lugaw dati pag nilalagnat din ako. Favorite ko kasi ang lugaw pag nilalagnat ako. Pero, iba ang lasa nito ngayon. Basta, I can't explain. All I know is this is so delicious!
"Ang sarap naman ng lugaw. Masarap pala magluto ng lugaw ang maid namin," sabi ko pagkatapos malunok ang kinakain.
"I'm the one who cooked this and not your maid."
Awtomatiko akong napalingon sa kanya kahit masakit ulo ko.
"Y-you what?" tanong ko. Siya ang nagluto?
He chuckled. "Yeah," aniya at sinubuan ulit ako.
Nagluto siya? Gaano na ba sya katagal dito? Diba kaaalis lang ni Maddie?
"Nagluto ako kanina habang natutulog ka, ayaw pa nga sana akong payagan ng maid niyo, buti na lang napapayag ko," he chuckled again.
Ugh! Why so cute? Sarap pisilin ng pisngi. Wait...
"What time is it?" I asked.
Sumulyap siya sa wrist watch bago sumagot, "12:06 pm."
"What?!" halos maluwa ko pa yung kinakain ko. "Ang tagal ko palang nakatulog?"
"Yeah. Pero hindi man lang bumaba ang lagnat mo. Here, eat more," aniya at sinubuan ako.
So kanina pa siya nandito.
"Kumain ka na ba?" Wala sa sariling tanong ko.
Iniangat niya ang tingin sa akin dahil hinahalo niya ang lugaw.
"I mean, kanina ka pa rito diba? So I'm asking you if kumain ka na ba?" ulit ko.
"Yes. Nagpadeliver ako," maiksing sagot niya ay sinubuan ulit ako.
Mabilis ko lang naubos ang lugaw. Ang sarap naman kasi.
"Here," abot niya sakin ng capsule. "Inumin mo and take a rest. I'm sure, bababa na ang lagnat mo pag ininom at nakapagpahinga ka na," aniya kaya kinuha ko abg gamot at uminom ng tubig.
"T-thanks..." tanging nasabi ko.
"Always welcome," nakangiting sabi niya at inabot ang basong wala ng tubig.
"Now, rest."
Tumango ako kaya inalalayan niya na akong makahiga.
Ngumiti siya so nginitian ko rin siya.
Narinig kong bumukas yung pinto kaya minulat ko ang mata ko.
"Ma'am Jillian, kain na po kayo," sabi ng maid at may dalang tray ng pagkain.
Gumaan na rin ang pakiramdam ko. Hindi na gaanong masakit ang ulo ko, hindi na rin ako nahihilo.
Inilbot ko ang tingin ko sa buong kwarto ko.
"Where's Klyzer?" I asked myself.
"Ah, yung boyfriend mo po ba, Ma'am? Ay, umalis na po. Dinaanan po ng isa niyo pang kaibigan, si Ma'am Maddie po iyon kung hindi ako nagkakamali," sagot niya.
Wait--
What did she say? Am I deaf? Nagkamali ba ako ng narinig?
Nilapag niga ang tray sa side table at akmang aalis nang hawakan ko ang braso niya. Lumingon naman ito sa akin.
"Bakit ho Ma'am? May kailangan pa ho ba kayo?" magalang na tanong niya.
"B-boyfriend? S-sinong boyf-friend?" utal-utal kong tanong.
Agad namang nagtaka ang mukha niya pero napalitan din ng kinikilig na ekspresyon.
"Suss, Si Ma'am oh. Kunwari 'di alam. Sino pa ho bang boyfriend? Syempre si Sir Klyzer po. Ang sweet niya nga po eh. Pinagluto niya pa kayo ng lugaw, sabi nga namin na kami na lang pero sabi niya, ‘I insist. I'll cook for my girlfriend.’" kinikilig na aniya.
"S-sinabi niyang girlfriend niya ako?"
Shit! Ano bang nakain no'n at gano'n ang pinagsasabi?
Girlfriend? Ako? Girlfriend niya ako? At boyfriend ko siya? Eh halos ilang linggo pa nga lang nang magkakilala kami.
"Oho, Ma'am. Ngiting-ngiti pa nga siya nang sinabi niya 'yon," kinikilig na sabi niya. "Sige ho Ma'am, may gagawin pa ho ako. Alas siyete na po kaya kumain na ho kayo."
Tumango ako kaya lumabas na siya.
Sinabi niyang. . .
Girlfriend niya. . .
Ako.
Kinuha ko ang phone ko para tignan kung anong oras na. Hindi ako makatulog. Kanina pa ako papalit-palit ng posisyon sa kama para makatulog pero ayaw yata akong dalawin ng antok. Magaan na rin ang pakiramdam ko. Wala na akong lagnat. Magaling nag-alaga sa akin.
12:17 AM
Shit?
Midnight na?
Pero, wait.
May 3 unread messages ako? Inopen ko iyon at nakitang nagtext si Maddie.
From Maddie:
Get well soon, Jill. Take care. I love you.
Nagreply ako sa kanya.
To Maddie:
I'm now feeling well. I love you too, Maddie.
Pero, may two unread messages pa ako kaya binuksan ko iyon. Eh? Kaninong number to? Kaninang 9 pm pa ito.
Ngayon ko lang kasi chineck ang phone ko.
Unknown Number:
Feeling well? If not, take medicine and rest.
Got your number from Maddie. This is Klyzer. Save my number : )
Shit! Klyzer just texted me! Concern ba talaga siya?
Sinave ko agad ang number niya at nireplyan.
To Klyzer:
Yes, I'm okay now. Thanks for the care.
Nagdalawang isip pa ako kung isesend ko ba 'yon o hindi. At the end, sinend ko pa rin.
Tinitigan ko pa ang phone kong nakapatay nang biglang umilaw ito. s**t! Kumabog ang puso! Bakit ba ako kinakabahan?!
Ni-swipe ko ang phone ko at bumugad ang reply ni Klyzer.
From Klyzer:
Still awake? It's too late. Baka lagnatin ka ulit?
Shit! Halos mapatili ako sa reply niya! Ewan ko, ganon lang naman ang reply niya pero kinikilig na ako. I really like him!
To Klyzer:
Can't sleep. Don't worry, I'm fine.
Nagreply agad siya. Bakit ang bilis niya magreply?
To Kylzer:
Why? You should rest.
Because of you! Yes, because of you. Kaya hindi ako makatulog dahil sa kaiisip sa'yo.
Kakaisip kung bakit mo sinabi sa maids namin na girlfriend mo ako! Ugh! Pinapasakit mo ulo ko.
To Klyzer:
Thinking.
...of you. Pero syempre, di ko sasabibin sa'yo.
From Klyzer:
Of what?
Ang bilis talaga magreply nito. Kainis! 'Di man lang ako binibigyan ng oras para kiligin.
To Klyzer:
Long quiz of Sir Martin.
Palusot ko. Tama, tama.
May reply agad! Parang inaabangan ang text ko.
From Kylzer:
Ah, that. Easy lang naman 'yon. Just review of what he discussed.
Shits! Wala na akong maisip ireply sa kanya. Napatitig na lang ako sa last text niya nang magsend ulit siya.
From Klyzer:
Still there? Okay, goodnight, Jill. Sleepwell.
"Aaahhh."
Gumulong gulong ako sa kama habang yakap-yakap ang phone ko. s**t ka Klyzer. Pinapakilig mo ako. Kainis naman eh!
Sa sobrang kilig, hindi na ako nakapagreply at nakatulugang yakap ang phone.
"Jill, Maddie, what do you want?" tanong ni Klyzer isang araw sa cafeteria.
Ilang linggo na rin ang lumipas nung nagkalagnat ako at back to normal ang lahat. Napapaaway na naman ako. Lumalabas na naman ang pagiging b***h ko. Close na rin kami ni Klyzer. Madalas din siyang mang-asar tulad ng ginawa niya no'ng nakaharang siya papuntang upuan ko.
"Hmm," lumingon sa akin si Maddie. "Anong sayo?"
"Just rice and chicken," ssgot ko nang hindi tumitingin sa kanila. Nagtext kasi si Mommy.
From Mommy:
Are you busy tomorrow?
To Mommy:
Nope.
Saturday kasi bukas at wala naman kaming gagawing project kaya sa bahay lang ako, wala rin kaming gala nina Maddie at Klyzer.
"And you Maddie?" dinig kong tanong ni Kylzer.
"Tulad ng kay Jill," sagot niya.
Tinignan ko si Klyzer at naglakad na ito papunta sa line.
"Psst," awag ni Maddie kaya napalingon ako sa kanya.
"What?" taas-kilay kong tanong habang pabalik-balik ang tingin sa kanya at sa phone ko.
Di pa kasi nagrereply si Mommy.
"Sino ba 'yang katext mo?" tanong niya at sumilip sa phone ko.
Nagulat naman ako kaya nailayo ko ang phone ko sa kanya.
"Si Mommy," sagot ko at tinignan ulit kung nagreply na pero wala pa rin.
"Weh? Mommy raw pero kung ilayo, parang may tinatago," sabi niya pero di ko na siya sinagot.
"Huy? Sino nga 'yan? Badtrip yata yung cousin ko dahil diyan sa katext mo," aniya sabay kalabit sa akin.
"Si Mommy nga tsaka bakit naman siya mababadtrip?" iritang tanong ko.
"Okay," tanging sabi niya at sakto namang pagdating ni Klyzer.
"Here," aniya sabay lapag ng tray.
Kinuha ni Maddie ang kanya at ganon din naman si Klyzer.
"Kumain ka muna, Jillian. Mamaya ka na makipagtext," masungit na sabi ni Klyzer at nilagay sa harap ko yung pagkain.
Narinig ko namang natawa ng mahina si Maddie. Hindi ko siya sinagot ay nagtext ulit kay Mom.
To Mommy:
Why Mom? Are we going somewhere?
Nagulat kami ni Maddie nang hampasin ni Kylzer ang table. Pero mahina lang naman.
"Cousin, relax. Si tita lang iyon," natatawang aniya.
Napalingon naman ako kay Kylzer. Ano bang problema niya?
"Why don't you just eat instead of minding other's business?" nataray kong tanong.
Yeah, I like him but there's no exemption for me from being b***h!
"Who's your textmate ba kasi, Jill?" tanong naman ni Maddie habang ngumunguya.
"I said it's just my Mom! She's asking if I'm busy tomorrow." inis na sabi ko.
Paulit-ulit naman kasi 'tong si Maddie!
She just chuckled.
"I told you," bulong niya kay Klyzer.
"What?" I asked coz I didn't understand her.
"Why don't you just eat instead of minding other's business?" panggagaya ni Klyzer. Nakangisi pa!
"Ginagaya mo ba ako?" taas-kilay kong tanong.
Tinignan niya rin ako nang diretso at seryoso.
"I'm not."
Sarcastic na tumawa naman ako. Ha!
"You're not? Ha! Pero ginaya mo yung line ko."
"Are you just the only one who's allowed to use that line?" sarcastic din niyang tanong.
"What the hell is your problem?" tanong ko at hinampas nang mahina ang table.
Mahina lang dapat kasi masakit sa kamay 'pag malakas.
"I don't have any problem," kalmadong aniya at nagsimulang kumain.
Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to! Bakit ko ba 'to nagustuhan eh ang sama naman ng ugali! Tss.
Padabog kong kinuha ang spoon and fork ko at padabog ding nagsimulang kumain. Gaya-gaya ng sinasabi. Walang originality. Simple lang naman iyon pero naiinis pa rin ako. Gano'n ba talaga kasama ugali ko para mainis sa simpleng bagay? Ugh!
Inis na tinusok ko ng fork ang chicken ko at dumulas 'yon kaya tumunog ang plate ko. Narinig ko na namang natawa si Maddie kaya inis na nilingon ko siya.
"What are you laughing at?"
Uminom muna siya bago sumagot, "Kalma lang, Jill. Sobrang kawawa ng ulam mo sa sobrang diin ng pagkakatusok mo. Baka makabasag ka pa ng plate."
Tumawa pa siya bago sumubo ulit.
"I don't care. Kaya kong bayaran kahit basagin ko pa lahat ng utensils nila," matapang na sabi ko at sumubo rin.
"Why so hotheaded?" tanong niya.
"She's always like that so don't ask," singit naman ni Klyzer kaya lalo namang nag-init ang ulo ko.
"Kasali ka sa usapan?" mataray kong tanong.
"Definitely, yes. We're sharing one table," sagot niya na parang wala lang sa kanya samantalang ako, inis na inis sa hindi malamang dahilan.
"I didn't asked you to say something," I said as I rolled my eyes.
"I will say whatever I want whether you like it or not," sagot na naman niya.
"Oh, just shut the f**k up," ani ko at huli na nang marealize ko kung anong sinabi ko.
Si Klyzer naman kasi, nakakainis.
"Did you just cursed at me?!" kunot-noong tanong niya.
Uh-oh. I can't answer him because I know he hates it when I and Maddie are cursing. s**t! Bakit ko ba kasi nasabi iyon? Kainis ka naman, Jillian!
"Hep, hep. Enough. Stop that and continue eating," awat ni Maddie.
Inalis ni Klyzer ang tingin sa akin at kumain ulit. Pero nakakunot-noo pa rin.
Woah. I sighed in relief. Ang sama kasi makatingin nitong lalaking 'to eh.