Sabay-sabay kaming pumasok sa campus. And as usual, nakatingin na naman sa akin. Ang unusual, hindi naiirita ang mukha nila, kundi may paghanga sa mata nila. Nagtaka naman ako. Tinignan ko ang mga estudyanteng nakatingin sa direksyon namin. Parang kinikilig din ang itsura nila. Lumingon ako sa likod ko and---
Oh, so hindi sila sakin nakatingin? Ang assuming ko naman sa part na 'yon.
Tumabi sakin si Maddie at ipinulupot ang braso niya sa braso ko.
"He's popular here," bulong niya.
Tumango ako. Halata nga. Akala ko sakin sila nakatingin, 'yon pala dito sa pinsan ni Maddie na cool na cool na naglalakad sa likod namin. Nakapasok ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa ng pants niya, naka-earpods din ito. Chin-up din kung maglakad. At ang hot at gwap-- Wait, what did I say? Forget it!
"Huy, Jillian?"
Napakurap ako ng pumitik sa harap ko si Maddie. Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. Eh kasi naman, kanina pa pala ako nakatitig kay Klyzer.
Shit!
"H-huh? M-may sina--may sinasabi ka ba?" sabay lingon ko sa kanya.
"Kanina pa ako nagsasalita dito. Ba't ba nakatutunganga ka diyan? Male-late na tayo pero ikaw nakatayo lang diyan at---" Di niya na natuloy ang sasabihin niya nang dumaan sa harap namin ang pinsan niya. Huminto din pala ito at nahuling nakatingin ako sa kanya.
"I'll go first," simpleng sabi niya at nauna nang naglakad.
Tinignan ko si Maddie.
Eh? Anong ngini-ngiti ngiti niya diyan? Takteng 'to. Nakangiti kasi ng nakakaloka.
"What?" Iritang tanong ko.
"Ikaw ah," sabay sundot niya sa tagiliran ko.
"What the hell is your problem?!" I glared at her.
Pero tinawanan lang ako!
"Nothing," sabi niya at ngingisi-ngising naunang naglakad.
Sinundan ko siya ng tingin at nang makitang pumasok na siya sa loob ng classroom ay saka naman ako sumunod.
Pagpasok ko, nagkukumpulan ang mga babae kong classmates banda sa may upuan namin.
Nakaupo na si Maddie at busy sa cellphone niya. Ang pinsan niya naman ay cool na nakasandal sa upuan niya at nakapan-dekwatrong upo.
"Where have you been, Kly?" tanong ng isang kikay kong classmate. If I'm not mistaken, Faye's her name.
"Oo nga naman. One week kang absent," sabi naman ni Danniella.
"Maddie said you're on vacation. Was she right?" pabebeng tanong ni Angela.
Hindi naman sumagot ang pinsan ni Maddie.
WOW.
Snob pala 'tong gwapong pinsan ni Maddie ah. Sabagay, yung nga ganyang itsura, pang-snob talaga.
"Kly, we're---"
"Excuse me," pagsingit ko sa muling pagsasalita ni Faye.
Nagsilingunan naman sila sa akin, ganon din si Klyzer at wala namang pake si Maddie at tuloy lang ang pagpipindot sa cellphone niya. Mukhang sanay na ito na laging ganito ang scenario tuwing umaga.
Umayos ng tayo si Danniella at humarap sa akin.
"Oh hi, Jillian. Good morning," bati niya.
"There's no good in my morning if mukha mo ang nakikita ko umagang-umaga," pambabara ko sa kanya.
"You're so harsh," tumawa siya pero nakita ko ang simpleng pag irap niya.
Tss. Fake. Plastic.
"Will you please get out of our seats?" mataray kong tanong sa kanila.
"It's not your seat. Kay Klyzer kaya 'to," singit ni Mica.
"Feeler ah," bulong ni Shane.
"Can't you see? Of course, kailangan niyong umalis dahil dadaan ako," pagtataray ko ulit.
Shit! Ang aga naba-badtrip ako sa malalanding ito. Tama naman ang sinabi ko eh. Dadaan ako kasi nga nasa iisang row lang ang upuan namin. Kay Klyzer, kay Maddie at sa akin. Duhh? Bulag ba sila? Tss.
"Let's go na nga," inis na sabi ni Angela at bumalik sa upuan niya. Nagsisunuran naman ang iba sa kanya.
Tss. Sinundan ko muna sila ng tingin at nang makaupo na sila ay umirap muna ako bago naglakad papunta sa upuan ko.
"Excuse me?" sabi ko kay Klyzer. Naka de-kwatro pa rin kasi ito ng upo kaya 'di ako makadaan.
Tinignan lang ako nito na para bang takang-taka kung bakit ko siya kinakausap.
"Excuse me, Mr. Aster," ulit ko. "Yung paa mo nakaharang," I rolled my eyes.
Nakatingin pa rin ito sakin.
What the hell? Anong tini-tingin tingin niya riyan? s**t. Nakakainis na ah!
Tinaasan ko siya ng kilay at at isinenyas ang paa niyang nakaharang.
"Why?" bored na tanong niya.
What the ef? Is he serious? 'Di niya ba maintindihan na nakaharang ang paa niya kaya hindi ako makadaan?
"Your feet," I said as I sighed. Nauubos na pasensya ko rito sa letseng lalaking ito.
"What's wrong with my feet?" inosenteng tanong niya.
Nananadya ba siya? Nakatingin na rin ang mga classmate namin sa amin. Nauubos na talaga pasensya ko rito!
"Mr., nakaharang yung paa mo," mahinahon kong tanong at pilit na tinatago ang pagkairita ko.
Tinignan lang ako nito at parang walang balak na alisin ang paa niya.
"What the f**k, Mr. Aster?! Can't you understand what I'm saying? Ang sabi ko, dadaan ako kaya ayusin mo 'yang paa mo!"
Grr! Wala na. Ubos na pasensya ko! Gigil na ako dito. Pinapatay ko na rin siya ng tingin ko at kulang na lang ay ihambalos ko sa kaniya 'tong upuan na nasa harap niya.
Ngumisi naman ito at umayos sa pagkakaupo. Nag-crossed arms din ito.
"Go ahead," aniya nang nakangisi pa rin.
Inirapan ko nga. Dumaan na ako at padabog na umupo.
"What's your problem, Jill?" nakangisi ring tanong ni Maddie.
What the hell? Ano bang nginingisi-ngisi nila riyan?
"Isa ka pa," sabay irap ko sa kanya.
"Why? Wala naman akong ginagawa sa'yo ha?" natatawang aniya.
Pero nakakaasar yung ngisi niya.
Tinignan ko yung pinsan niya. Nakatingin din ito sa'kin at di pa rin naaalis ang ngisi sa mukha niya. Inirapan ko ulit siya.
Maya-maya pa ay dumating na rin si Ma'am Lopez at nagdiscuss. Buti naman dahil nababadtrip ako rito sa magpinsan na 'to.
"Jill, let's go. Lunch time," aya ni Maddie.
Nasa pinto na sila ng pinsan niya. Ako na lang pala ang nakaupo rito. Di pa kasi ako tapos sa sinusulat ko eh. Ayoko namang picturan na lang yung nasa whiteboard dahil for sure, 'di ko rin 'yon masusulat dahil aatakehin na naman ako ng sakit kong lazycsm.
"Wait, tapusin ko lang to," ani ko habang papalit-palit ang tingin ko sa whiteboard at notebook ko.
"Faster! I'm hungry na!" reklamo niya kaya binilisan ko sa pagsusulat.
"Tss, so slow," dinig kong bulong ng pinsan niya.
Napahinto ako sa pagsusulat at sinamaan siya ng tingin.
"May sinasabi ka ba ha, Mister?"
"Nothing, Miss," aniya sabay ngisi. Leche. Ano bang problema niya at kanina pa siya ngumingisi?
"Tss."
Pinagpatuloy ko na ang pagsusulat dahil isang sentence na lang naman ay tapos na ako.
Binilisan ko ang pagsusulat pero siyempre, hindi ko hinayaang pumangit ang penmanship ko. Nang matapos ay tinago ko na ang ballpen at notebook ko sa bag at saka tumayo.
"Let's go," aya ko sa kanila at lumabas na.
Pagdating sa cafeteria, nakatingin na naman sila sa direksyon namin.
"Ako na lang ang oorder," presinta ni Maddie.
Tumango kami at pumunta sa lagi naming pwesto ni Maddie.
Pag-upo ko ay napatingin na naman ako kay Klyzer. Actually, gwapo naman talaga siya, nakakaubos nga lang ng pasensya. I rolled my eyes. Inalis ko din ang tingin sa kaniya. Sumandal ako sa upuan at tinignan si Maddie na nakapila.
"So, it's you."
Lumingon ako kay Klyzer nang magsalita ito. Nakatingin din ito sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Huh?" takang tanong ko.
"It's you who bumped me yesterday," he said.
So naaalala niya? Pero, wait--- what did he say? Who bumped him? Me? Lakas niya naman.
"What? I bumped you? Ha!" natatawa kunwaring tanong ko. "Duh! YOU bumped me. Kaya nga nahulog yung dala ko diba?" I rolled my eyes.
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo," sagot naman niya.
"So kasalanan ko? Hindi ka rin naman tumitingin sa daanan mo ah?"
"Tss, kahit naman umiwas ako, mababangga mo pa rin ako," pagdadahilan niya.
"Anong klaseng excuse 'yan? Hindi kapani-paniwala," sabi ko at tinaasan siya ng kilay.
Hindi na ito sumagot at tinignan na lang ako. Sinabayan ko rin siya sa tingin. In short, nagtititigan kami.
"Hey."
Sabay kaming napalingon kay Maddie. Dala niya ang isang tray.
"Klyzer, pakikuha ng isa pang tray do'n sa counter. Hindi ko kayang bitbitin eh," aniya bago ibaba ang tray.
Hindi sumagot si Klyzer dahil tumayo na agad ito. Nang makaupo si Maddie, tinignan niya ako ng mapanukso.
"What's that?" ngumiti siya nang nakakaloka.
"Ang ano na naman ba? Bakit ba ang dami mong napapansin?" pikon kong tanong.
"Bakit nagtitigan kayo ng pinsan ko? Ha? Bakit?" tanong niya kaya namula naman ang pisngi ko.
"H-ha? Ano bang sinasabi mo?" galit kunwaring tanong ko.
"Sige, deny pa. Huling huli na nga eh," pang-aasar niya.
Ano ba naman to si Maddie! Nakakainis na talaga.
"Here," biglang sulpot ni Klyzer at lapag ng tray.
Nag-umpisa na kaming kumain pero wala nang umimik. Napapasulyap ako sa kanilang dalawa. Si Klyzer ay maya't maya ang tingin sa akin, si Maddie naman ay palipat-lipat ang tingin sa akin at sa pinsan niya sabay ngingisi nang makahulugan.
Ano bang problema niya?
"Mommy, akyat na po ako," paalam ko sa kanya after kong magdinner.
"Go ahead, baby," aniya kaya dumiretso na ako sa kwarto ko.
Naligo lang ako saglit at dumiretso sa study table dahil mayroon pa akong assignment.
Nakakailang item pa lang ako nang magring ang phone ko.
"Yes?" sagot ko.
[Good evening, Jill.] Boses ni Maddie, halatang nakangisi na naman.
"Why?" I asked. Ni-loudspeak ko ang phone at nilapag sa table.
[Wala naman. Hmm...]
Ewan ko ba pero feeling ko, nanunukso ang tono niya.
Kinuha ko ang ballpen ko at nagpatuloy sa pagsusulat. "What do you need?"
[Eh kasi naman po, I noticed something kanina, haha.] Tawa niya.
"Ano naman 'yon at kailangan mo pang tumawag ngayon?"
[Klyzer.]
Napatigil ako sa pagsusulat. Hindi ko alam kung bakit ako natigilan nang marinig ko ang pangalan ng pinsan niya.
[Oh ba't ka natahimik?]
I admit, gwapo naman talaga siya. Sa mall pa lang, nagwapuhan na ako sa kanya, nabadtrip nga lang dahil sa pambubunggo niya. Yung tipong mapapalingon ka talaga 'pag nakasalubong mo siya. Artistahin eh. Madami naman na akong nakita at nakilalang gwapo pero iba yung itsura niya.
[Hey, Jillian? Stil there?]
"A-ah y-yeah?" untag ko.
[Ba't ka nanahimik? Ikaw ah?] Sabay hagalpak sa kabilang line.
"Huh? What are you talking about?" kunwaring nagtatakang tanong ko.
[I said I noticed something kanina. And pagbanggit ko sa name ng cousin ko, nanahimik a diyan.] Panunukso niya.
"Ano ba kasing napansin mo?" pagsusungit ko kunwari.
[Si Kyzer nga.]
"Oh, ano ngang meron diyan sa pinsan mo?" Ba't di pa kasi diretsuhin eh.
[Tinititigan ka niya.]
'tinititigan ka niya'
'tinititigan ka niya'
Parang nakarinig ako ng kulisap...
'tinititigan ka niya'
Huh? What the hell is she talking about? Si Klyzer? Yung sinasabi niyang sikat sa campus? Yung sobrang gwapo na iyon? Tinititigan? Ako? Na isang transferee?
[Natameme siya oh. Kilig ka?] Sabay tili niya.
"Ano bang sinasabi mo? Baka namalikmata ka lang," pagkumbinsi ko sa kanya at sa sarili ko.
[Of course not! Kitang-kita ko kaya. He's staring at you. Owemji! Meaning ba no'n, he has a crush on y---]
I ended the call before she finish what she's saying.
Is she serious? Pero kanina, ilang beses kong nahuling nakatingin sakin si Klyzer. Pero yung 'titig'?
Napatingin ako sa salamin na nasa table ko. Hala? Kinapa ko ang noo at leeg ko. Di naman ako mainit, wala naman akong lagnat pero bakit ako namumula? Bakit ako nagba-blush?
Argh! Am I affected on what she said? He has a crush on me? Impossible.
I closed my notebook.
I jumped on my bed.
I forced myself to sleep but I couldn't.
'Tinititigan ka niya.'
Aish! Naalala ko na naman ang sinabi ni Maddie. Totoo kaya 'yon? Hays! Ewan ko ba!
Nagulat na lang ako nang pagbaba ko ay nasa dining table na sina Maddie at... Klyzer.
"Good morning, Jill," bati ni Maddie nang makita niya ako.
"Good morning, Jillian."
Napalingon ako kay Klyzer nang batiin niya rin ako.
Wait--binati niya ako? As in?
"M-morning," pilit ang ngiting bati ko sa kanila.
Lumapit ako sa dining table at naupo.
"Why are you here?" takang tanong ko.
"Why? You don't want us to be here?" kunot-noong tanong ni Klyzer.
Si Maddie naman ay malawak ang pagkakangisi.
"No, no. I mean, at this early?" tanong ko ulit siya namang pagsulpot ni Mommy.
"Good morning, baby," bati niya.
"Morning, Mom."
"Ah, baby, niyaya ko na sila rito para magbreakfast. Napaaga sila sa pagsundo sa'yo eh," Mom explained.
I just nodded.
Umupo na rin si Mommy at nagsimulang kumain. Tahimik no'ng una but Mom broke the silence.
"How's your study?" tanong ni Mom.
Nagkatinginan kaming tatlo. Sinong tinatanong niya?
"Maddie?" tawag ni Mom sa kanya kaya tumango naman si Maddie.
"Okay na okay po, tita. Enjoy po," nakangiting sagot niya.
"And you, handsome?" baling niya kay Klyzer.
"Okay naman po." magalang niyang sagot.
Hmm...
"Actually po tita, siya po ang top sa class namin," singit ni Maddie.
Lumaki naman ang ngiti ni Mommy.
"Woah? Really? Impressive," puri ni Mom.
"Thank you po, Mrs. Fritz," sabay yuko niya nang kaunti.
"No, no. Just call me 'tita'. What's your name again, hijo?" tanong niya.
"Klyzer po... Tita..." parang nahihiya pa siya nang banggitin niya ang 'tita'.
"You're so handsome. Right baby?" baling niya sa akin.
Napatigil ako sa pagkain at napatingin kag Klyzer. Nakatingin ito sa akin. Parang naghihintay rin ng sagot ko.
"P-po?" tanong ko at lumingon kay Mom.
"I said he's handsome. Am I right?" nakangiting tanong niya. Pareho ng ngisi ni Maddie.
"Y-yeah. You're right po," sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.
Sumulyap ako kay Klyzer, kumakain na siya ulit at nakatingin sa... akin.
What the ef? Bakit ba siya nakatingin? Baka maniwala ako niyan sa sinasabi ni Maddie eh.
Nang matapos akong kumain, umakyat muna ako sa kwarto ko para kunin ang bag ko. Tinignan ko rin ang sarili ko sa salamin. Chineck ko kung may dumi ba sa mukha ko. Bigla yata akong na-conscious. Ang ganda kasi ni Maddie at ang gwapo naman ng pinsan niya.
"Jill, ano na?" katok ni Maddie.
"Wait a minute," sabi ko at naglagay ulit ng pabango. Kinuha ko ang bag ko na nasa kama at lumabas na.
Tinignan naman ako ni Maddie from head to toe. Eh? What's the problem?
"Why?" taas-kilay kong tanong.
Nagulat naman ako nang bigla niya akong lapitan at inamoy-amoy. Napaatras ako nang kaunti.
"Pinaligo mo ba yung pabango mo?" tanong niya. "Sobrang bango mo ah?" aniya. Bigla naman siyang ngumisi.
"Dahil ba sa pinsan ko?" tanong niya ulit nang sobrang lawak ng pagkakangisi.
"What?!"
"Oh my! You're blushing!" aniya sabay tili nang mahina.
"No, I'm not!" tanggi ko at naunang bumaba.
"Yes, you are," pilit niya at sumabay sakin sa paglalakad.
Hindi na ako sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang makarating kami sa labas. Nakasandal siya sa kotse. Nakatingin sakin habang naglalakad ako palapit... Serious face siya ngayon.
"He's staring at you again," bilang sulpot ni Maddie.
Magsasalita pa sana ako nang nauna na siyang maglakad at pumasok na sa kotse. Si Klyzer naman, nakatingin pa rin sa akin. s**t! Naiilang na ako!
Nang makalapit ako, nagulat ako ng pagbuksan niya ako ng pinto. Nakangiti na siya ulit.
"T-thanks..." ani ko sabay pasok. Tinignan ko si Maddie nang narinig ko ang pagtawa niya.
"I told you," umayos siya sa pagkakaupo nang pumasok na rin si Klyzer.
Pasulyap-sulyap pa siya sa akin habang nagdadrive.