Naglalakad na kaming apat papunta sa parking lot. Kami ni Maddie ang nauuna at nasa likod namin sina Aljur at Klyzer. Nakahawak si Maddie sa braso.
"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Grabe! Pa'no niya kaya nakayanan 'yon, 'no? Ang maghintay sa isang tao na wala namang kasiguraduhan kung babalik pa ba o makikita niya pa ulit," bulong niya sa akin at sinandal ang ulo niya sa balikat ko.
"Paniwalaan mo na," natatawang sabi ko. "Galing din ng pinsan mo 'no?"
"Oo nga eh. Six freaking years? Feeling ko talaga, para kayo sa isa't-isa."
Napangiti naman ako sa sinabi niya pero tinago ko rin agad.
"Huh? Anong konek no'n?
"Heh!" singhal niya pero nakasandal pa rin sa'kin.
Natawa na lang kaming pareho. Ang dalawa naman sa likod ay narinig din naming tumawa. Baka nag-uusap rin. Usapang lalaki.
Nakarating na kami sa parking lot at nasa tabi na namin ang dalawa. Sa tabi ko si Klyzer at sa tabi naman ni Maddie si Aljur. Nasa harap na kami ng mga kotse nilang magkatabing naka-park.
"Maddie, kay Aljur ka sasabay ah?" sabi ni Klyzer.
Bumitaw sa'kin si Maddie at naiinis na tumingin sa pinsan niya.
"What? Pinamimigay mo ba ako?"
Tumingin din sa kanyan si Klyzer.
"Tss. Kunyari ka pa. 'Wag ka nang maarte. Sabay naman kayo kahapon tsaka kanina kaya sabay na rin kayo ngayon. Alam ko namang gusto mo 'yon?" nakangising sabi niya.
"What the hell? Ano bang sinasabi mo? 'Wag ka ngang imbento. Eh if I know, gusto mo lang masolo 'yang bestfriend ko eh," sabay turo niya sa'kin.
Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Bigla namang ngumisi si Klyzer.
"Any problem with that?"
"Tss! Sige na nga, sa kanya na ako sasabay," turo niya kay Aljur.
Lumapit siya sa'kin para yakapin ako at bumulong, "Kwentuhan mo ako bukas ng mangyayari ah?"
Pagkasabi niya no'n ay kumalas siya sa pagkakayakap at tinapik ako sa balikat. "Bye, Jillian. Ingat."
Naglakad na siya papunta sa kotse ni Aljur. Binuksan niya ang pinto sa backseat at papasok na sana nang lapitan siya ni Aljur at isara ang pinto. Naiinis na tumingin si Maddie sa kanya.
"Tss. I'm not your driver kaya dito ka sa unahan," sabi niya sabay bukas ng pinto sa front seat.
Umirap muna si Maddie bago pumasok doon. Sinara ni Aljur ang pinto at lumingon sa amin.
"Bye, pre. Bye, Jillian," paalam niya.
Kumaway lang ako sa kanya at tango naman kay Klyzer kaya pumasok na rin siya sa kotse. Gumilid kami para makadaan ang kotse. Bumusina pa ulit siya bago pinaandar iyon.
"Let's go?"
Lumingon ako kay Klyzer na binuksan na pala ang pinto sa front seat.
Pumasok na ako doon at nginitian siya. "Thanks."
Ngumiti rin siya bago isara ang pinto at umikot siya papunta sa driver's seat. Inistart ang kotse at pinaandar.
"Bukas, susunduin ulit kita ah?" sabi niya na nasa kalsada pa rin ang tingin.
"Akala ko ba practice niyo bukas?" Tanong ko at tumingin sa kaniya.
Sumulyap muna siya sa'kin bago binalik ang tingin sa daan.
"Uwian ang practice namin. 5 to 7 pm kaya masusundo kita."
"Okay," 'yon lang ang nasabi ko dahil 'di ko na alam kung ano pang sasabihin sa kaniya.
Hindi naman na siya nagsalita pa kaya tumingin na lang ako sa bintana. Ilang minuto na rin kaming tahimik.
"Jillian..." tawag niya.
"Hmm?"
Hindi ko pa rin siya nililingon dahil nakatingin ako sa labas dahil may nakita akong mag-ama na kumakain ng street's food. Halos same age lang kami ng babae at ang saya nilang tignan kahit na kung titignan sa damit, ay halatang hirap sila sa buhay. Buti pa siya, kahit gano'n ang status nila sa buhay, kasama naman niya and Dad niya. Samantalang ako, nabibigay nga sa akin lahat ng gusto ko pero wala naman na akong Daddy. I wonder, ano kayang feeling kung hanggang ngayon kasama pa rin namin si Daddy?
"May pag-asa ba na magustuhan mo rin ako?"
Natigilan ako sa pag-iisip at tumingin kay Klyzer. Seryoso siyang nakatingin sa daan. A-anong sabi niya?
"What?"
Hindi siya sumagot at inihinto ang kotse. Tumingin ako sa labas at nasa harap na kami ng bahay. Hindi ko man lang namalayan. Bumaba si Klyzer at pinagbuksan ako. Nakangiti na ulit siya.
"Salamat," sabi ko pagkababa.
"Welcome. Sige na, pasok ka na sa loob. Basta bukas, susunduin ulit kita, okay?" paalala niya habang nakangiti.
Tumango lang ako at pumasok na agad sa loob. Hindi nawala sa isip ko yung sinabi niya. Kung alam mo lang, Klyzer. Kung alam mo lang.
Maaga akong nagising kinabukasan dahil alam kong dadaan ulit dito si Klyzer. Wala na naman si Mommy. Maaga na naman daw umalis. Napapadalas ang pag-alis niya kaya nagtataka na ako. Iniisip ko na baka business matters pero parang hindi eh, iba ang kutob ko. 'Diba dapat nagpapaalam siya? Connected kaya ito sa kung sino mang kausap niya sa phone? May tinatago talaga si Mommy eh. Pero wala akong idea kung ano man 'yon.
Pumunta na ako pinto para buksan 'yon at makababa na.
"Ouch!" sigaw ko sabay hawak sa ilong.
"s**t! I'm sorry! Hindi ko sinasadya!"
Inis na tumingin ako kay Klyzer habang hawak pa rin ang ilong ko.
"What the hell are you doing here?!" inis na tanong ko.
Pa'no ba naman kasi, pagbukas ko ng pinto, sumalubong yung kamay niya sa ilong ko. Huhu. Ang sakit, baka ma-pango ako nito.
"Kakatok sana ako eh, kaso bigla mong binuksan. Promise, hindi ko talaga sinasadya. Ano? Are you okay? Masakit ba?" aligagang tanong niya at habang inaalis ang kamay ko na nakahawak sa ilong ko.
Feeling ko namumula ang ilong! My gosh! My freaking nose!
Tinabig ko ang kamay niya. "Don't touch me! At ikaw kaya ang katukin ko sa ilong at tanungin kita kung masakit!" inis na sabi ko at tinulak siya nang mahina.
Nauna na akong naglakad pababa. Habang siya naman ay paulit-ulit na binabanggit ang “Sorry, hindi ko sinasadya” sa likod ko.
Hindi ko na lang siya pinansin at nauna na sa front seat. Medyo nawawala na ang sakit sa ilong ko, buti naman. Hindi nagtagal ay nakapasok na rin siya sa kotse.
"I'm so sorry, Jill. Hindi ko talaga sinasadya. 'Wag ka nang magalit," pakiusap niya.
"Okay, fine! Hindi ako galit," inirapan ko siya.
"'Yan ba yung hindi galit? Nang-iirap?" parang batang tanong niya.
"Tss. Manahimik ka na lang diyan at paandarin mo na ang kotse para hindi tayo ma-late," utos ko sa kanya.
Sumandal ako at tumingin ulit sa labas. Narining ko siyang bumuntong-hininga.
"Sorry," rinig kong bulong niya bago inistart ang kotse at nag-drive papuntang school.
Nauna akong bumaba sa kanya nang itigil niya ang kotse sa parking lot. Nauna na rin akong maglakad.
"Jillian, wait!" habol niya pero hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso na papasok.
Natatawa ako sa kaniya. At hindi ko rin alam kung bakit ako nag-iinarte dito eh hindi naman na masakit yung ilong ko. Nagulat lang talaga ako kanina.
Dire-diretso lang ako pagpasok ko sa gate. Hindi ko na rin marinig si Klyzer, baka inaayos niya pa ang pagkaka-park ng sasakyan niya. Malapad ang ngiti ko papasok pero agad ding nawala nang humarang sa daan ko yung tatlong lalaking humarang din sa amin kahapon sa locker. If I'm not mistaken, the guy in front of me is Paul. Nakakatakot talaga siya. Kahit na grade eleven pa lang siya at grade twelve na ako, natatakot pa rin ako sa kaniya.
"Good morning, Jill," bati ni Paul.
Tinignan ko lang siya. Tinatago ang takot na nararamdaman.
"I'm Paul. And they're my friends, Alex and Luis," sabay turo niya sa mga kasama.
Nilingon ko sila at nginitian nila ako. Pero hindi ko gusto ang ngiti nila.
"Good morning," sabi ng pinakamaputi sa kanila. "I'm Alex."
"And I'm Luis," pakilala rin ng pangalawa sa matangkad.
Hindi ko sila sinagot at lalagpasan na lang sana nang hawakan ako ni Paul sa braso para pigilan ako sa pag-alis. Nararamdaman ko na yung takot. Nanginginig ang tuhod ko.
"Wait, Ms. Jillian. Nakikipagkilala pa kami sa 'yo. Hindi mo man lang ba ipapakilala ang sarili mo sa amin?"
"You already know my name so what's the point of introducing myself?" pilit kong pagtataray sa kanila para matago ang takot ko.
Tumawa ang kaninang nagpakilalalang Luis kaya tumingin ako sa kaniya.
"They're right. Masungit ka nga talaga."
"I find it cool. Okay lang naman sa'yo ang maging masungit kasi maganda ka naman," sabi rin no'ng Alex.
"Will you please let me pass? Ayokong ma-late sa klase ko," sabi ko kay Paul at pilit na binabawi ang braso kong hawak niya.
Pero mas lalo niya lang 'yon hinigpitan at nasasaktan ako.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako!" sigaw ko sa kaniya.
Hindi ko na naitago ang takot ko sa kanila. Halata na sa expressions ko ang takot kaya ngumisi silang tatlo.
"Magpapakilala lang naman kami pero ayaw mo! Napakaarte mo naman," sabi ni Luis at ngumisi naman si Paul.
Ang higpit ng hawak niya! Nasasaktan talaga ako.
"Let go of my girlfriend."
Nawala ang takot ko nang marinig ko ang malamig na boses na iyon. Tumingin din ang tatlo sa likod ko. No'ng una ay nagulat sila pero napalitan ulit ng ngisi.
"Oh, Klyzer. Good morning," bati ni Paul pero hindi niya pa rin ako binibitawan.
"I said, let go of my girlfriend," pagdidiin niya sa huling salita.
"And why would I do that?" taas-noong tanong ni Paul.
"Because I said so."
Hindi ko pa rin nililingon si Klyzer at namalayan ko na lang na hawak niya na ang kamay ni Paul at inaalis ang pagkakahawak sa braso. Nang matanggal na ang kamay ni Paul, inakbayan niya ako. Napayuko na lang ako.
"Don't you ever dare to talk or touch her again."
"At sino ka para utusan kami? Do you think we're scared of you? Hindi dahil ahead ka sa amin, eh kakabahan na kami sa iyo," pagsingit ni Luis.
"I didn't say anything. I'm just warning you."
Magsasalita pa sana si Luis nang may lumapit sa amin na lalaking teacher.
"Mr. Santos, Mr. Borre and Mr. De guzman? What are you doing here? Magsisimula na ang klase natin kaya't halina kayo," tawag niya sa tatlo.
"Okay, Sir," sabay-sabay nilang sabi.
Tinignan pa kami nang masama ni Paul bago sumunod sa teacher nila.
Hinarap ako ni Klyzer.
"Are you okay?" mahinang tanong niya.
Tumango lang ako sa kaniya.
"Anong ginawa nila sa'yo?"
Umiling ako. "Nothing. Ayaw lang nila akong padaanin."
"I'm sorry, dapat pala sinundan agad kita. Dapat binilisan ko ang pag park ng kotse ko para nakasunod agad ako sayo," he said while cupping my face.
Umiling ulit ako, "No, it's okay. I'm okay."
"Are you sure?" tanong niya at tinanguan ko siya.
Nakayuko pa rin ako. Dahan-dahan ko siyang tiningala. Hindi ko pa rin naitago yung emotions ko. Natakot talaga ako kanina. Tinignan ko siya sa mata. Puno ng pag-aalala ang kulay brown niyang mata.
"I'm okay, don't worry. N-natakot lang talaga ako," pag-amin ko.
He sighed.
Hinawakan niya ang kamay ko at nando'n na naman ang pakiramdam na para akong nakuryente dahil sa paghawak niya. Ramdam ko ang higpit ng hawak niya.
"Let's go. Baka ma-late pa tayo," aniya at hindi niya na ako hinayaang sumagot at hinila na ako papuntang classroom.
Parang slowmo pa rin ang paglalakad namin habang magkahawak ang mga kamay namin. Sa totoo lang, natakot talaga ako kanina at hindi ko na alam ang gagawin kung hindi siya dumating. May gusto akong sabihin pero hindi ko masabi sa kanya.