KUNOT noong sinunod ni Mang Konrad ang inuutos ni Sir Lachlan sa kanya. Ayon sa kanyang amo ay may sopresa daw na naghihintay sa kanya sa loob ng training room nito. Hindi naman siya tanga para hindi malaman kung ano ang sorpresa na tinutukoy nito. "Saan ba kayo tutungo Ser Laclen!?" Tanong ni Mang Konrad habang humihithit ng malaking sigarilyo habang nakapatong ang isang paa sa bato. Nasa tabi siya ng isang batis habang napapatugtog ng isang makalumang tugtogin. Nakatingala siya sa buwan na hindi niya maaninag ng gaano dahil sa makapal na usok ng kanyang tabacco. Miyerkules nang tayo ay nagmahalan... "Doesn't concern you," "Aba'y Ser Laclen! Wala naman ako pakealam sa iyong patutungohan pero pwede bang sabihin mo para may matungohan ang paguusap naten, eh noh?!" Humithit muli ng tab

