ITS NOW SATURDAY at tulad ng napagplanuhan ay nag-beach kami ngayong birthday ni Mylene.Bukas pa Naman talaga ang birthday ni Mylene kaya lang pumunta na kami dito ngayong sabado para ma-enjoy din namin yung weekens namin.Nasa resort kami na pagmamay-ari nila Kade at Liyah,nung una gusto sana naming magbayad pero tumanggi ang magkapatid na Villanova dahil ang Sabi nila regalo nalang daw nila iyon kay Mylene kaya wala kaming nagawa.
Ang pamilya naman ni Dexton ay gusto sana sa private resort na maligo pero gusto ni Mylene na public para daw madami s’yang masalamuha kaya pumayag na din ang pamilya Madrigal.
Kaya ngayon nandito kami sa resort nila Aaliyah,gabi na din ngayon dahil mas pinili namin na gabi nalang pumunta dito dahil sa gabi maganda ang night swimming dito sa resort dahil hindi masyadong maalon at tanaw na tanaw mo pa talaga ang buwan.
Kasama namin sila Dalton,Mr. and Mrs.Madrigal,pati na din syempre yung dalawa kong kapatid,kasama din namin si Kiara dahil girlfriend s’ya ni Dalton.Nung una ayaw pa ni Kiara pero kinausap ko na din s’ya kaya wala na s’yang nagawa,kasama din sana naming yung mga kaibigan namin pero ayaw nila dahil family bonding daw namin ito kaya wala na kaming dalawa ni Dexton nagawa.
“Madie darling,paabot nga ng kubyertos”rinig kong utos sa akin ni mom,nanay ni Dexton.Sabi n’ya kasi ay iyon na daw ang itawag ko sa kanya kaya tinawag ko na s’yang ganun.
Nasa cottage kasi kami para mag-ayos ng pagkakainan,ang mga lalaki naman ay nag-iihaw ng ulam namin,paminsan-minsan ay nag-iinuman din.Yung dalawa kong kapatid ay nasa cabin nila at inaayos yung mga gamit nila.
Inabot ko kay mommy yung hinihingi n’ya.”Oh total tapos na ako dito maiwan ko muna kayo at tatawagin ko lang Yung tatlo”paalam ni tita at pumunta na sa tatlong lalaki na nasa gilid lang ng cottage namin at nag-iihaw.
Umupo naman kami ni Kiara sa upuan sa gilid ng cottage at nag-kwentuhan.
“Alam mo,first time ko makasama ng matagal yung family ni Dalton,nakakapanibago tuloy”paninimula ni Kiara.
Mahina naman akong natawa,”’wag kang mag-alala masasanay ka rin”ngiti ko sa kanya,ngayon ko lang din naman kasi s’ya nakasama ng matagal kapag kasama ko ang mag-asawang Madrigal,minsan kasi kapag magkakasama kami ay hindi kasama si Dalton,so wala din si Kiara.
“Hmm,sanay ka na ba?”tanong n’ya.
“Oo,siguro mga pang-sampung beses ko na ding nakasama yung mga Madrigal kaya medyo sanay na ako”kibit-balikat ko.
“Hmm…”tango n’ya.
“Babe!”napabaling ang atensyon ko kay Dexton ng tawagin n’ya ako.
“Oh?”tugon ko ng makalapit s’ya sa akin.
“Maiwan ko muna kayo”paalam ni Kiara at lumabas na ng cottage.
Naupo naman si Dexton sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
“Babe?”muling tawag n’ya sa akin.
“Hmm?”lingon ko sa kanya.
“Are you happy?”tanong n’ya.
“Now?”
“Yeah”tango n’ya.
“Yes,kasama ko ang dalawang kapatid ko,kayo na tinuring akong pamilya kaya wala na akong mahihiling pa”ngiti ko sa kanya at inihilig ang ulo sa balikat n’ya.”How ‘bout you?”
Naramdaman ko na hinalikan muna n’ya ako sa ulo bago sagutin “I’m happy too,kapag kasama kita wala na akong mahihiling pa na kung ano Madeline.Ikaw lang sapat na”
“Cheesy”natatawang sambit ko kaya natawa na din s’ya.
Maya-maya lang ay bumalik na si tita at sinabing kakain na kaya tinawagan ko na sila Mylene para sabihing kakain na.
“LET’S EAT!”masayang sambit namin matapos magdasal.We started eating at tulad ng nakasanayan ko,Dexton was on my side and serving my food.
Nand’yan yung babalatan n’ya yung hipon,ipaghihimay ako ng isda o ‘di kaya ay talangka at kung ano-ano pa.
“Babe,really?you can eat”natatawang sambit ko,kanina pa kasi s’ya nakaalalay sa bawat pagkain ko tapos hindi na s’ya nakakain.
“You sure?”paninigurado n’ya.
“Opo,sige na kumain ka na”tumango naman s’ya at nagsimula ng kumain.
“Yiee”rinig kong tukso sa amin ng mga kasama namin.Nang tignan ko kung sino yun eh si Mylene pala.
Kumain s’ya pero parang kiti-kiti na hindi mapakali.
“Anong problema mo?”takang tanong ko.
“Wala lang,kinikilig lang kasi ako sa inyo”ngiti n’ya sa akin,kaharap ko kasi si Mylene,si Myles naman ay kaharap ni Dexton,yung dalawa naman na sila Dalton eh katabi ni Dexton,tapos katabi ni Dalton si Kiara.Yung mag-asawa naman ay katapatan sila Dalton at Kiara.
“Oo nga,ang sweet n’yo”gatong pa ni tita.
“Yeah?”baling sa amin ni Dexton.
“Yes darling,imagine ngayon ka lang naging ganya ka-sweet towards to a woman”sagot ni tita kay Dexton.
“Oh well,that’s my Madeline,natural lang na maging sweet ako sa kanya dahil kapag sa iba eh baka mapalayas pa ako sa bahay”natatawang sambit ni Dexton kaya natawa na din si tita,maging ako dahil baka nga magkatotoo kung sakali mang may ibang lalandiin si Dexton maliban sa akin,baka maputulan ko pa nga s’ya ng kaligayahan.
“Hay,saan kaya ako makakahanap ng lalaking katulad n’yo Kuya Dexton at Kuya Dalton?”nagde-daydream na tanong ni Mylene.
“Nakahanap ka na nga ‘di ba?”sambit ni Myles kaya natahimik si Mylene.”Boyfriend mo pa nga”iling nitong isa,kung makaasta akala mo naman matanda.
Pero nagulat kami ng biglang magsalita ang dalawang panganay ng Madrigal “You what?!”magkasabay na tanong nila Dalton at Dexton,a protective brothers,tsk.
Sa akin naman ay walang problema kung magbo-boyfriend na sila basta unahin muna nila ang pag-aaral at alamin nila ang limitasyon nila.Isa pa may tiwala naman ako sa dalawa,sadyang OA lang talaga sa pagiging protective yung dalawang panganay na Madrigal kaya baka mawalan pa ng buhay agad-agad yung tinutukoy na boyfriend ni Myles.
“K-kuya”nauutal na sambit ni Mylene.
“You have a freaking boyfriend?”
“You have a f*ck*ng boy already?”
Sabay muling tanong nung dalawa,hindi makapaniwala sa narinig.
“Boys,calm down”
“Mga Kuya,kalma”
Magkasabay na sambit ni Mylene at tita sa dalawa.Napailing naman ako,nakita ko si Kiara na bahagyang hinaplos ang braso ni Dalton at may binulong.
Ako naman ay pasimpleng hinalikan ang pisngi ni Dexton at hinaplos din ang braso.”Babe,you know?you can calm down”mahinahong sambit ko,mamaya ako pa ang pagbuntungan ng galit,eh ‘di nag-away pa kami kaya mahinahon ko nalang s’yang kinausap.
Rinig kong bumuntong-hininga ang magkapatid bago balingan ng tingin si Mylene na nakita ko naman ang pilit na ngiti sa labi na para bang nahihiya.
“So…”Daltong trailed “is it true?”seryosong tanong nito sa kapatid ko,oh well,lagi namang seryoso ito sa buhay kaya walang bago.Pero paminsan-minsan ay nakakatakot talaga si Dalton at naiintimidate ako sa kanya.I didn’t saw him smile nor laugh,kahit kasama pa namin yung mga kaibigan namin.Never ko pa s’yang nakitang ngumiti o tumawa,kung ngingiti man s’ya halata mong pilit.Hindi mo din kasi alam kung anong tumatakbo sa utak n’ya kaya kahit matagal ko na s’yang kilala eh nakakatakot pa din.
Pero mas nakakatakot si Dexton,lagi kasi s’yang palangiti o sa madaling salita masayahin,kaya nga nakakatakot ang isang ‘to kapag seryoso na dahil aakalain mong pwede ng pumatay ng tao.Pero sa tagal na namin ni Dexton never pa naman s’yang nagalit sa akin o ano dahil lagi s’yang kalmado.Pero nakita ko na naman yung seryoso n’yang itsura noon.
“Eh Kuya Dalton—”
“So it’s true?”putol agad ni Dexton sa sasabihin ni Mylene.
“Ahm,sort—”
“Kailan pa kayo magkakilala?”putol ni Dalton.
“Mga—”
“Matino ba yan?”Dexton.
“Op—”
“Wala ba yang kinasasangkutang gulo?”Dalton.
“Wa—”
“Mabait ba s’ya?”Dexton.
“Op—”
“Did he like you or love you?”Dalton.
Nagkatingin naman kami nila tita at Kiara at sabay-sabay na napailing.Mga OA nga,paano ba naman sasagot yung bata kung hindi pa nga tapos eh meron ng kasunod na tanong yung Isa.So kaming mga nakikinig at nag-aabang ng sagot eh nganga din dahil wala na kaming naiintindihan.
“Mga anak,kumalma nga kayo.Hindi pa nga nakakasagot si Mylene eh may kasunod na agad na tanong”naiiling na away ni tito sa dalawa n’yang anak na mukhang mga adik dahil sa pinaggagawa.
“Dad,we just want to protect her”sagot ni Dalton.
“Dalton was right dad,mamaya eh masamang tao pala yun.Eh ‘di paano na si Mylene?”sambit ni Dexton.Lihim naman akong napangiti, at least kahit hindi nila kadugo ang mga kapatid ko eh concern pa din sila.I’m so lucky to have Dexton by my side.I can’t wish for more.
AFTER WE ATE our dinner nag-yaya si dad na mag-inom kaya napilitan na din kami ni Dalton na pumayag.
Sila Madie,mommy,Mylene at Myles ay nasa mga cabin na nila para magpahinga.Kami naman ay nasa gilid lang ng cabin nag-iinuman.
“So mga anak ko…”dad trailed “malalaki na kayo,sa nakikita ko naman eh mukhang may future na iyong dalawang dilag na kasama n’yo,wala pa ba kayong balak?”tanong ni dad sa amin ni Dalton.
“Busy pa ako sa negosyo dad,and I ask Kiara about marriage but she just answer me that she wasn’t plan to yet married at the age of twenty-two,so my answer was none”sagot ni Dalton,but when I look into his eyes,I saw an emotion there that I can’t name.Or more on,I don’t want to name dahil alam ko ang emosyong nakatago sa mga mata ng kapatid ko.
“How ‘bout you Dexton?”baling ni dad sa akin.
“Madeline and I are not yet ready for that dad”sagot ko.
“Kayo ba talaga dalawa lang o ikaw lang?”nagdududang tanong n’ya.
“Dad,I ask Madeline about marriage.But she will always answer me that she is not yet ready for anything that comes to marriage,madami pa s’yang pangarap at ayaw kong masira iyon ng dahil lang sa gusto kong magpakasal kami,alam Kong may tamang panahon para doon”sagot ko,true to my words.I ask Madeline a lot of times about marriage but she will always answer me a simple ‘I’m not yet ready for that’ so I didn’t ask her again about marriage.
Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan hanggang sa magpaalam si dad at kaming dalawa ni Dalton ang natira.
“Do you have a problem?”tanong ko, pakiramdam ko kasi ay may problema s’ya dahil napatahimik ni Dalton. Although tahimik talaga s’ya pero palasalita naman s’ya kapag kasama namin yung pamilya namin,pero iba ngayon.Base palang sa kislap ng mga mata n’ya.
“I can feel it Dexton”simpleng sagot n’ya at alam ko na ang ibig n’yang sabihin.”Nasasaktan ko na si Kiara and I don’t want that”dugtong n’ya.
“Bro,look.Sa pag-ibig,gustuhin mo mang hindi saktang ang karelasyon mo,pero parte na iyon ng salitang pag-ibig kaya wala kang magagawa”seryosong sambit ko.Bibihira lang ako mag-seryoso at dito ko pa iyon ipapakita sa kapatid ko.
“Dexton what should I do?”nafu-frustate n’yang tanong.
“Bro,you know what you’re doing.Malaki ka na,basta siguraduhin mo lang na hindi masasaktan si Kiara dahil malilintikan ka talaga sa mga kaibigan n’yan,pati na din kila Cooper at Ashton.Kahit sa akin na kapatid mo,hindi kita kakampihan”sambit ko.
“I don’t want to hurt her”mahinang sambit n’ya.
“Then do something”buntong-hininga ko “bro,you waste 7 precious years of Kiara’s life,tapos ganya lang”iling ko.”Hindi ko alam kung sasantuhin pa kita Dalton”mas seryosong sambit ko.
Natapos naman ang inuman namin ng walang anumang nangyayari,hinatid ko pa si Dalton sa cabin nila ni Kiara dahil nalasing ang g*go kong kapatid.Masyadong nagdadamdam.
“Bakit lasing?”tanong ni Kiara ng maihiga ko si Dalton sa kama nila.
“Masyadong nag-enjoy Ang g*go”iling ko,”anyway I have to go.Baka hinahanap na ako ni Madeline,take care of here Kiara”paalam ko at umalis na.
Nang makarating sa cabin namin ni Madie ay nakita kong tulog na s’ya,mabilis ko muna s’yang hinalikan sa noo bago ako pumasok sa banyo at naligo para matanggal ang amoy ng alak na kumapit sa akin,baka sa labas pa ako mapatulog ni Madeline kapag naamoy n’yang amoy alak ako.Or worse,I can’t make love to her within one month.
Matapos kong maligo ay nagbihis na din ako at humiga sa tabi ni Madeline,I wrap my arms on his waist and pulled her closer to mine.I even make my other arms as his pillow at dahil sa pinaggagawa ko nagising tuloy s’ya.
“Babe?”mahina n’yang paniniguro.
“Hmm…”I hummed.
“You’re here”inaantok na sambit n’ya kaya napangiti.
“I’m here and I’m always by your side babe”malambing kong sambit at hinalikan s’ya sa noo “so now,sleep and rest.I know you’re tired,my babe”sambit ko at hinaplos ang buhok n’ya.
“Okay, goodnight”bulong n’ya.
“Good night too,my babe”bulong ko at hinalikan s’ya sa labi na agad din naman n’yang tinugon.Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti sa pagitan ng paghahalikan namin.
I deepened the kiss until we both stop kissing because of lack of breath,we are both panting when our lips parted.Muli ko pa s’yang ginawaran ng masuyong halik bago s’ya haplusin sa buhok.
“Sleep now,babe”bulong ko at kiss her forehead.
Tumango naman s’ya at umayos ng higa bago muling ipinikit ang mga mata at natulog na.I just stare her for a while hanggang sa makaramdam na din ako ng antok.
Pero bago ako matulog ay hinalikan kong muli Ang ulo n’ya at inilapit ang bibig sa tenga n’ya.
“Good night again,my babe”I whispered to her before kiss her head one last time and stared at her until I fall a sleep.
‘I just hope that our relationship Madeline will last long until our last breath’