Chapter 3
“NAGKITA na pala kayo,” balewalang sambit ni Becky matapos kunin ng waiter ang order nila. Nasa isang resto-and-bar ang magkaibigan, at malinaw pa rin ang boses nito dahil hindi pa nagsisimula ang banda.
“Sino?” maang-maangan na tanong ni Divina.
“Alam mo kung sino ang tinutukoy ko, girl. So… how was it?” panunukso ng kaibigan.
“Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Becky.”
“Deny to death ba? Eh, sa nakikita ko, kinikilig ka diyan!”
“Bahala ka diyan sa kung ano man ang iniisip mo,” nakalabi niyang sagot.
“Ok, para maiba tayo… kumusta na ang pusong sugatan after four years?”
“Becky, hindi mo ba talaga ako titigilan sa kakulitan mo? Iisa lang naman ang gusto mong malaman eh! Fine! Accidentally, nagkita kami kanina sa mall. He’s with his daughter.”
“Ows? Who?”
“Becky!”
“Say it!”
“Kilala mo na kung sino ‘yon! Diba nakita mo rin siya kanina?”
“Spell the name!” hamon ng kaibigan.
“No way!” sagot ni Divina.
“Why?”
“I don’t want to!”
“Say it!” ayaw paawat na hamon ni Becky.
Nakipaglaban muna si Divina sa titigan ng kaibigan bago kusang sumuko. Hindi siya makatingin nang diretso habang sinasabi ang pangalan.
“Charles!” suko niyang sagot.
“Bakit parang galit ang boses mo?” patuloy na tukso ni Becky.
“Ito ba ang ipapasalubong mo sa akin?” singhal niya, nakasimangot.
“Hindi ka kasi nagdala ng para sa akin na pagkakaabalahan ko eh!” sagot ni Becky.
“Kaya ako ang inaabala mo, ganun?” aniyang nakasimangot.
Humagalpak ng tawa si Becky, marahil dahil sa itsura niyang naiinis, at lalo pang nagsalubong ang kilay niya sa noo.
“Pagtatawanan mo na lang ba ako?”
“Hindi! Iiwan kita dito kasi weweng-wewe na ako!” sabay tawa ni Becky habang tinalikuran siya.
Sinundan ni Divina ng tingin ang kaibigan, ngunit hindi niya nakita nang ilapag ang pagkain sa mesa.
“Anything you need more, ma’am?” anang waiter.
“Ahhmm… nothing, just a glass of—Charlie?!” gulat na sambit niya nang makilala ang lalaki.
“What are you doing?”
“Serving you, ma’am!” sagot ni Charlie, bahagya pang yumukod.
Hindi niya alam kung anong drama ang ginagawa nito. Hindi naman niya masasabing isa ito sa mga waiter—naka-business suit at tie, halos parang galing sa ibang bansa.
“Pwede ba, Charlie? Anong pakulo ba ito?” tanong niya, halatang nagulat at medyo naiinis.
“Serving our customer well is our must priority, ma’am,” sagot nito, tuwid ang tindig.
“Sinusundan mo ba ako?”
“And if I say yes?” sagot ni Charlie, nakipagsukatan sa titigan niya.
“Opps! Mukhang may reunion atang nagaganap ngayon,” ani Becky, nagtatawa.
“Halika na, Becky, lilipat na lang tayo ng ibang makakainan!” sabi ni Divina, nag-iwan ng cash at sabay talikod.
Wala na ring nagawa si Becky kundi sundan siya.
“I won’t stop until you talk to me, Divina. Kung kinakailangan na maging stalker mo ako, gagawin ko hanggang pumayag kang makipag-usap sa akin,” ani Charlie, determinado ang boses.
“Pakiusap lang, Charlie… tama na ang pagpapacute mo. Hindi mo na ako madadala niyan! Ano ba talaga ang gusto mong patunayan? Bakit mo pa ako ginugulo? Ano pa ang kailangan mo?” biglang harap niya sa lalaki.
“I want you back!” deretsang sagot ni Charlie.
Nabigla siya sa narinig. May munting saya siyang naramdaman, pero hindi niya ipinakita. Mas nanaisin niyang sarilinin ang pag-asa kaysa muling mabigo sa pangalawang pagkakataon.
“Bago ka magbitiw ng salita, isipin mo muna kung kaya mong panindigan ang mga binitiwan mo para hindi ka makasakit ng kapwa,” wika niya, matatag ang tingin.
Hindi nakasagot si Charlie. Pagkatapos, tinalikuran na niya ito at mabilis na humakbang patungo sa taxi. Napapasunod lang si Becky, tahimik na nakamasid sa dalawa.
Samantala, naiwang nakatayo si Charlie sa labas ng resto-and-bar. Kahit alam niya ang magiging reaksyon ni Divina, hindi siya nawalan ng pag-asa. Hindi niya masisi si Divina kung sukdulan ang galit nito sa kanya. After all, alam niyang kulang ang kasuklaman sa babaeng nag-iisang nagmamay-ari pa rin ng kanyang puso, kahit na masaktan siya sa nakaraan.
“Alam kong ako pa rin ang nagmamay-ari ng puso mo, Divina, and I will do everything para maging akin kang muli,” ani Charlie sa isip bago pumasok sa loob.