Chapter 6
DAHAN-DAHANG nagmulat ang mga mata ni Divina nang maramdaman ang mainit na palad na humahaplos sa kanyang mukha.
“Saan na tayo?” tanong niya, walang makitang ilaw, pero ramdam niya ang malamig na dampi ng hangin sa kanyang pisngi. Bigla siyang nanginig at pinagsalikop ang mga palad, niyakap ang sarili.
“In my paradise!” masuyo ang sagot ni Charles, ngayon ay napakalapit ng mukha sa kanya. Gustuhin man niyang umatras, hindi niya magawa—nakakulong sila sa loob ng kotse. Napapikit siya, tila naghihintay ng susunod na mangyayari, ngunit sa kabila ng kanyang pag-asa, wala pa ring aksyon. Napamulat siya muli ng mga mata, nahihiya sa sarili sa pagkamulat niya sa titig na nakatutok sa kanya.
“You’re still the same Divina that I love, now and then,” ani Charles, sabay halik sa noo niya.
“And you’re the same Charles that I loved, now and before too,” bulong niya sa isip.
Dumukwang ito sa backseat at kinuha ang jacket para ipasuot sa kanya. Napansin niya ang dalawang bag na puno ng damit—tila pinaghandaan na ang kanilang magiging stay.
“Kaninong mga gamit ‘yan?” tanong niya.
“Sa atin,” mabilis na sagot nito bago bumaba ng kotse para tulungan siyang makababa.
Hindi na nagreklamo si Divina nang madama ang buhangin sa paa—malapit na sila sa dagat. Agad siyang inakay papasok sa isang cabin.
Pagpasok, agad ini-on ni Charles ang ilaw at lumapit sa fireplace para magpaapoy. Iniikot niya ang paningin sa cabin: isang bungalow-type na cabin na maganda, kumpleto sa makabagong kagamitan—tatlong kwarto, maliit na kusina na may stove at complete kitchenware, dining table, electric microwave, bread toaster, at mini refrigerator.
“Sa iyo ba ito o rented mo?” tanong niya habang abala si Charles sa fireplace.
“Sayo,” sagot nito nang walang pag-aalinlangan, na nagpataas ng kilay niya.
“Pwede ba, kung pinaglalaruan mo lang naman ako, iuwi mo na ako ngayon din!” galit niyang sabi.
“That’s the least I will do to you, mahal ko,” sagot ni Charles, tumayo at hinarap siya. Masuyo nitong hinaplos ang mukha niya. “You suffered enough sa piling ko noon, at hindi ko na hahayaan na maulit iyon ngayon. Hindi pa ako nakahingi ng tawad sa’yo, at kahit hindi ka magsalita, ramdam ko na mahal mo pa rin ako. I don’t want to lose that again, Divina.”
Hindi niya maiwasang niyakap siya ng buong higpit. Ang mga luha ay bumabalong sa kanyang mga mata. Nawalan siya ng lakas na labanan ang damdamin, kaya gumanti ng yakap—hindi alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng lahat.
Tama iyon—wala pa ring nagbago sa kanya. Maaring matapang siya sa panlabas, ngunit sa puso, mas nanaig pa rin ang damdamin niya kaysa sa isipan.
“Stop crying… shhhh,” ani Charles, hinalikan ang kanyang mga mata.
Pinaupo siya nito sa mahabang sofa bago pumasok sa kwarto. Pagbalik, may dala na itong dalawang unan at makakapal na kumot.
“Mahiga ka muna dito. Alam kong napagod ka sa biyahe,” sabi niya habang inaayos ang unan at kumot. “Gigisingin na lang kita kapag nakatulog ka. Hindi pa ako nakapamili ng groceries natin kaya wala akong mailuto ngayon, pero nag-order na ako—medyo matatagalan lang. Nagugutom ka na ba?”
“H-hindi pa naman,” sagot niya.
Hanggang sa paghiga, inaalalayan siya ni Charles at pagkatapos ay kinumutan. Hindi niya maiwasang isipin: sana hindi na matapos ang sandaling ito kasama siya.
“Dinner is ready!” anunsyo ni Charles. May ilang minutong naidlip siya, at nang tingnan ang mesa, handa na ang lahat—may presentation, red wine, at parang espesyal na araw, tulad ng monthsary o date. Kulang na lang ay candle night dinner.
“Bakit walang kandila?” biro niya, at napapaisip si Charles.
“Oo nga… teka lang, baka may mahanap ako dito sa drawers,” sabi nito habang hinahalughog ang mga drawer.
“Huwag na, biro lang iyon. Eh, kasi kandila na lang, kompleto na ang presentation mo.”
“Kaya nga eh, to make it perfect! Alam ko mayron dito!” sabi nito, patuloy sa paghahanap. “Somewhere… here you are!” sabay itinaas ang dalawang table chandelier lamp. Crystal ang bubog, may kandila sa loob, designed para sa espesyal na okasyon.
“Wow!” napahangang sambit niya. Nakakakita lamang siya ng ganitong mamahaling gamit sa ibang bansa o sa mga mayayaman.
“Pwede na palang nakawan itong property mo,” biro niya.
“This is your property, and it’s fully protected by electronic devices linked to authorities in case may magnanakaw,” paliwanag ni Charles.
“Ha? Ganun ka high tech?” gulat na sabi niya. “Pero ano naman ang kinalaman ko sa mga property mo? Dalawang beses ko nang narinig na akin ito.”
“Basta! Halika na,” anito, hindi pinansin ang tanong. Ipinaghila siya sa upuan at umupo katapat niya.
Pinapanood niya si Charles habang inilalagay ang red wine sa mga wine glass at ang pagkain sa kanyang plato, saka sa sarili nitong plato.
“Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo? Hindi ka ba nagugutom?” tanong nito. “Here, take this, open your mouth,” sabay subo sa kanya matapos ma-slice ang beef steak.
Tatanggi pa sana siya, pero mapilit ito kaya tinanggap na lang niya.
Natapos at nabusog siya sa walang tigil na pagsubo ni Charles. Hindi siya sigurado kung ganoon din ba ito sa kanya, dahil mabilang lang sa daliri niya ang pagsubo nito sa sarili.
“Nakakain ka ba?” usisa niya habang abala si Charles sa pagliligpit ng pinagkainan at may dessert pa. Pinagbawalan siya nitong tumulong.
“Yes, of course! And besides, makita lang kitang masarap kumain, busog na ako. Corny ba?” tanong niya, at napangiti si Charles sa sinabi niya.
“Obvious ba?” sagot nito, at napangiti rin siya.
“Sakit nun ah! Pero ok lang… pagkatapos nito, paniniwalaan mo na ako.”