After

3964 Words

Mag aapat na linggo na rin ang nakakalipas matapos nilang magpang-abot ni Luke, ganoon na rin katagal silang hindi nagkikita ni Lucy, dahil maliban sa pangingi-alam ng kaibigan ay hindi magkandamayaw ang dilag sa pag-aasikaso ng ilang mga trabaho na naiwan ng kapatid sa probinsya ng mga ito, kaya hanggang text at tawag lang silang dalawa nagkakausap. Lagi tuloy mainit ang ulo ni Andrew nitong mga nakaraan araw dahil na rin sa matinding pangungulila, pagkainip at pagtitiis. Ganoon na lang tuloy ang kanyang paghinga ng malalim nang makitang tumatawag si Lucy, ilang sandali niya itong pinakatitigan, naroon ang parte sa kanya na nagnananais na huwag na munang sagutin ang dalaga upang maiparamdam ang kanyang tampo, subalit mas nangingibabaw ang kalungkutan na nadarama niya na hindi naririnig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD