Flames

3814 Words

Ginabi na siya ng uwi sa condo dahil sa pagod at pagkapuyat, pupungay-pungay pa siya ng mata nang pumasok sa unit niya dahil sa antok kaya naman laking gulat niya na lang nang makitang malinis ang buong lugar. Dali-dali siyang nagtungo sa kuwarto at hindi niya mapigilan ang mapangiti nang makita si Lucy na nagtutupi ng mga damit doon. "Hon, bakit hindi ka man lang nagtext na nakabalik ka na pala, umuwi sana ako ng maaga," bungad niya kaagad dito habang papasok sa kuwarto. Isang kakatwang ngiti lang ang ibinigay nito sa kanya, tumayo ito sabay kuha ng mga damit na itinupi at inilagay iyon sa kanyang tokador, may kung anong kaba siyang naramdaman dahil sa inaasal nito. Buong ingat niya na lang na niyakap ang dalaga mula sa likod. "Hey, anong problema?" malambing niyang saad saba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD