Matapos ang magarbong hapunan nila ay nag-aya ng matulog si Celina, halatang hindi ito sanay na magpuyat kaya minarapat niyang na ihatid muna ito sa kanilang kuwarto, mananatili na sana siya doon kung hindi lang sa pakiusap ng kapatid, kaya naman nang makasiguradong ayos na ang kaibigan ay tsaka na siya bumalik sa party. Inabutan niyang nagiinuman na ang mga tao doon, batid niyang nakarami na naman ang kapatid dahil na rin sa kakulitan nito. "Sis, let's party!" aya ng kakambal sa kanya habang masayang sumasayaw sa lupon ng mga tao."Nasaan si Celina?" taka nitong saad nang mabatid na mag isa lang siyang bumalik. "Hindi sanay magpuyat si Cel! Natutulog na siya!" wasiwas niya ng kamay dito. Halata ang biglaan paglungkot ng mukha ng kanyang kapatid, pero agaran naman itong inakbayan ng m

