All over again

3929 Words

Nagising si Andrew nang tila lumitaw ang mukha ni Lucy sa kanyang panaginip, nanunuot pa rin sa kanyang isipan ang pangungulila sa dalaga. Kakaibang lamig ang bumalot sa kanyang katawan kahit pa may nakayakap sa kanyang mainit na hubad na katawan ng babae, binalingan niya ito at nakadama na lang ng pagkayamot, kaya agad na siyang tumayo upang mag-ayos. Nagmulat ng mata ang katabi niya nang biglaan tumunog ang cellphone ni Andrew, napabangon na ito kaya naman sinagot niya na kaagad ang tawag para na rin mapanatag ang kanyang kasama. "Andrew, where the hell are you?" malakas na sigaw nito. Isang walang ganang buntong hininga lang ang isinagot niya dito, bago binalingan ang kasama at sinenyasan na wag mag-ingay. "Sinong babae nanaman ang kasama mo!" singhal muli ng nasa kabilang linya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD