Hindi mapigilan ni Lucy madama ang kakaibang kirot sa kanyang dibdib kasabay ng mabilis na t***k ng kanyang puso habang nakatayo sa harap ng simbahan. Mahigpit pero nanginginig pa lang siyang napakapit sa kanyang bag habang pinapakatitigan ang naturang gusali. "Lucy, come on! pumasok na tayo," hatak sa kanya ni Angelyn pakababa nito sa sasakyan. "Mauna ka na." Pagtutulak niya sa kaibigan. Napabuntong hininga na lang si Angelyn."Don’t tell me na ipinagpalit ko iyong date ko for you, so just you could stand here, ikaw ang plus one ko, kaya dapat sabay tayo na pumasok." pamamaywang nito."You need to accept the fact na ikakasal na si Jeff, consider this as your formal closure." Nginitian niya na lang ng tipid ang kaibigan at tumango dito ng pag-sang ayon. Wala siyang nakuhang imbitasy

