"For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and it is safe for you to move about."
Umayos ako ng upo, at sinuklay ang mahaba kong buhok gamit lang ang mga daliri ko nang marinig ang anunsiyo
Nakasakay ako ng eroplano at hinihintay na lang na makababa.Pagod at kulang pa ako sa tulog. Kakatapos lang ng graduation namin kagabi, at kaninang madaling araw naman ako umalis ng bahay upang hindi nila mapansin na umalis ako. 7am flight ang napili ko para bago pa man nila malaman na wala na ko sa bahay eh nakaalis na ako ng airport.
Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at hinanap ang number ni lay. Tinawagan niya ako nong nakaraan araw, ipinaalam niya sakin na nasa palawan na sila at sumunod na din ako bago matapos ang linggo na ito. Ang sabi niya tawagan ko daw siya kapag nakababa na ako ng airport para masundo nila ako.
"Hello miss lay nandito na ba sa airport ang susundo sa akin? kakababa ko lang ng eroplano!" pag papaalam ko sa kabilang linya.
"Naku I'm sorry, Nasiraan ako sa daan at mukhang matatagalan pa bago ito maayos. Okay lang ba sayo kung mag commute ka na lang papunta ng isla?" Naririnig ko pa ang pagbuntong hininga nito.
"Okay lang, ituro mo lang sa akin kung saan at paano ako makakarating doon!" Binaba ko na ang tawag matapos niyang sabihin ang detalye.
Paglabas ko ng airport may mga bus akong nakita. Naglakad ako papunta doon.
Kaagad akong sumakay ng mabasa ang pangalan ng lugar na sinabi sakin ni lay na nakasulat sa gilid na bahagi ng bus. Gusto ko makalanghap ng sariwang hangin kaya naman sa may bandang bintana ako umupo. Kaunti pa lang kami sa loob baka matagalan pa ito kaya naisipan ko umidlip na lang muna. Niyakap ko ang backpack na dala ko saka ipinikit ang mga mata.
---
'Saan ka? sunduin kita, may sasabihin ako sayo!' Hindi ko mapigilan ang kiligin pagkabasa ko sa text message ni jack. Ano kaya ang sasabihin niya sakin? Baka magtatapat na siya ng nararamdaman niya para sakin. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa naiisip.
'Dito pa ko sa school, bakit ano ba sasabihin mo?" reply ko sa text niya
'Basta, malapit na ko. Sa parking lot na lang tayo magkita!' Excited na akong malaman kung ano man ang sasabihin niya sakin kaya inayos ko na ang mga gamit ko at nagmamadali ng lumabas ng class room.
Nakita ko itong nakasandal sa kotse niya at nakahalukipkip ang mga kamay. Pinilit kong hindi kiligin baka mahalata pa ako. lalo siyang gumwapo sa paningin ko. tumikhim ako ng makalapit sa kanya. Parang may naglundagan sa tiyan ko ng ngumiti siya sakin.
"Anong meron at mukhang masaya ka?" nakataas ang isang kilay ko.
"Saan mo gustong kumain? treat ko!" masayang tanong nito. Hindi ko na lang pinansin ang hindi niya pagsagot sa tanong ko.
"Ikaw kahit saan okay lang sakin!" kibit balikat ko. Natigilan ako ng hawakan niya ko sa siko at iginiya paikot sa kotse niya. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto, hindi tuloy mawala sa mga labi ang malapad na pagkakangiti ko. Kinalma ko ang sarili ko bago pa man ito makapasok sa driver seat.
"Ano bang mga tingin 'yan?" Hindi ko na mapigilan ang tanungin siya. kanina ko pa napapansin na panay ang tingin niya sakin, lalo lang tuloy kumakabog ang puso ko sa mga ginagawa niya. Nakangiting nagkibit balikat lang ito. Itinuon ko na lang ang atensiyon sa labas, mukhang wala naman akong maaasahan na sagot mula sa kanya.
Maya maya naramdaman ko na ang paghinto ng sasakyan sa harap ng restaurant. Nagmamadali ito na bumaba at umikot sa harapan upang pagbuksan ulit ako ng pinto.
Siya na ang pinag order ko ng pagkain. Nangangalahati na ang nauubos namin na pagkain, siguro naman pwede na namin pag usapan kung ano man ang sasabihin niya. Dami niyang arte sasagutin ko naman siya kaagad kung magtatapat man siya sakin ngayon. Hindi ko mapigilan mapangiti sa naiisip.
"Ano ba ang gusto mong sabihin?" naiirita kunwari na tanong ko. Uminom muna ito ng tubig saka ako nginitian.
"Kami na ng ate mo, Girlfriend ko na siya!" Tuwang tuwa nitong sabi. Natigilan ako, naglaho bigla ang sigla na nararamdaman ko kanina. Paanong nangyari iyon? Akala ko may nararamdaman din siya para sa akin, akala ko magtatapat na siya sa akin ngayon. Umasa ako! Pinaasa ko lang pala ang sarili ko sa wala.
"k-kayo na? bakit niligawan mo ba siya?" nauutal ko na tanong. parang naninikip ang dibdib ko
"Yup, nanliligaw na ko sa kanya kahit nong nasa america pa siya." bakas sa mukha niya ang subrang saya
"P-pero bakit hindi ko alam? Wala ka naman nababanggit sakin!" Hindi makapaniwala na tanong ko. Kung nililigawan niya pala si ate noon pa. Ano pala ang ibig sabihin ng mga ipinaparamdam niya sa akin? Wala bang ibig sabihin sa kanya yun? Ako lang ba ang nag aakala na may nararamdaman din siya para sa akin? dahil gusto ko siya kaya siguro binibigyan ko ng malisya ang mga ginagawa niya para sakin.
"Hindi ko muna sinabi kasi gusto ko malaman mo kapag sinagot niya na ako. Gusto ko ikaw unang makaalam kasi bestfriend kita!" Bestfriend kami? kailan pa kami naging mag bestfriend? Ang alam ko lang mahal ko siya at ganoon din siya sa akin. Nag init ang gilid ng mga mata ko. Tumingala ako upang pigilan ang luha na gustong kumawala ngunit huli na nang maramdaman sa pisngi ko ang mga luhang nag uunahan sa pagtulo.
"Bakit ka umiiyak?" Natatawa pa nitong tanong sakin. Ang sarap niyang suntokin paano niya nagagawang matuwa kung pighati ang dahilan ng pagiyak ko, ngunit ayokong magpadala sa emosyon ko. Lalo akong magiging katawa tawa kung sasabihin ko pa sa kanya ang nararamdaman ko.
"Tears of Joy! C-congrats sana maging masaya kayo ng kakambal ko.Pakiusap huwag mo siyang sasaktan!" tuluyan na akong napahikbi. Tumayo siya at niyakap ako. Gumanti ako ng yakap. Pinagbigyan ko ang sarili ko na maramdaman ang yakap niya sa huling pagkakataon.
"Huwag kang mag alala hindi ko siya sasaktan, mamahalin at aalagaan ko siya!" Mga salitang dumudurog sa puso ko. Kumawala ako sa pagkakayakap niya.
"Sandali mag babanyo lang ako!" Paalam ko habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dali dali na tinungo ko ang banyo. Tinakpan ko ang bibig ng mga kamay ko upang walang makarinig sa iyak ko. Sana pala hindi ko na siya pinilit na ipaalam pa sakin ang gusto niyang sabihin kanina.
---
"Miss, miss wake up!" Mukha ng lalaki ang bumungad sa harapan ko pagdilat ng mga mata ko.
"Are you okay? you're crying?" Bakas sa mukha nito ang pag aalala. hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko.