ABBY'S POV AFTER ONE MONTH Isang buwan na ang nakakaraan simula nang manganak ako; ngayon ay binyag ng aming munting anghel at nandito kami sa reception hall. "P're, iba talaga ang dugo mo. Lahat ng anak n'yo ni Abby kamukha mo," sabi ni Rigor habang kalong-kalong ang aming anak. Ngumiti si Charles at nagbiro. "Hindi kasi pumipikit si Abby, kapag nanggagawa kami." Kinurot ko si Charles sa braso. "Ikaw, dumali na naman 'yang bibig mo!" singhal ko sa kaniya, dahilan upang magtawanan ang aming mga kaibigan. Nagtaka ako kung bakit hindi nagreklamo si Charles. Hanggang sa biglang magdilim ang buong paligid at mabuhay ang fountain na tanging nagsisilbing liwanag. Bigla akong napaluha nang may mga fireworks na nagliwanag sa itaas at unti-unting nabubuo ang mga salitang, "Will you marr

