[CHAY CELESTIAL’S P.O.V] Ito na naman ang pakiramdam na ‘yon… Ang pakiramdam kung saan aning na aning ako sa paligid ko. Pakiramdam ko ay lahat ng mga estudyante na pinagtitinginan ako ay hinuhusgahan na ang buong pagkatao ko. Nang makita ko kung ano ang nasa tabloid, hindi ko na maramdaman ang sarili ko. Tila ba namanhid na lang ako bigla. Parang lumutang ang kaluluwa ko sa ere. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pilit akong tinatawag ni Adonis ngayon, pero para bang sobrang labo na ng paligid sa akin. Natutuliro ako at nagkaroon ng hallucinations. Pinagtatawanan ako ng mga nasa paligid ko at pinagbubulungan, tinuturo, at pinagkakaisahan. ‘Yon ang scenario na nakikita ko ngayon sa paligid ko. Napabalik lang ako sa reyalidad nang hawakan na ng mahigpit ni Adonis ang kamay ko. “Chay! Pull

