“Congratulations for winning the second place…” Bago naman ianunsyo ng host kung sino ang nakakuha sa second place ay nagpa-suspense muna ito. Naanunsyo na kanina kung sino ang third place. Sa tingin ko naman ay makakapasok si Chay. Lalo na at kilala na rin siya rito dahil ilang beses na siyang nanalo noon sa mga ganitong klase ng contest. “…Ms. Chay Celestial from Cashland University!” dagdag ng host! Nanlaki naman ang mga mata ko nang marinig ‘yon. Hindi ko inaasahan na second place si Chay! Kung hindi siya ang nanalo, siguradong wala na rin akong pag-asa na makapasok pa. Kung sabagay ay ito naman ang unang beses ko na sumali sa ganitong klase ng patimpalak. Nagpalakpakan naman ang mga participants, dahil wala namang mga audience rito ngayon. Nakita ko pa rin sa mukha ni Chay na mas

