ART 2

1500 Words
“Gosh! This car is so beautiful! Thank you so much, Daddy!” masayang sambit ni Apple nang makita na sa labas ang mga kotse namin. Naangasan din ako sa itsura ng kotse ko ngayon. Customized car ang mga sasakyan namin ni Apple. Sa ibang bansa pa ‘to pinagawa ni Dad. Wala namang imposible basta bilyonaryo ka at marami kang pera. “This was really my dream car. Thanks, Dad,” sambit ko rin. “You should thank your Mom too. Siya ang nagsabi sa akin ng disenyo na gusto ninyong kotse. Mabuti na lang at nai-drawing noon ni Vaughn.” Saka ko lang naalala na nag-drawing nga pala ako noon ng dream car ko. Sobrang detailed pa ng drawing na ‘yon, pati kulay ay mayroon. Tapos namangha si Apple sa ginawa ko, kaya inutusan din niya ako na mag-drawing ng gusto niyang kotse. She described every detail to me. Nasa kwarto lang namin ‘yong dalawa ni Apple. Pero naalala ko na ipinakita rin namin ‘yon sa aming mga magulang noon. Way back 2018 pa ang drawing na ‘yon, first year high school pa kami ni Apple. Hindi naman namin inaasahan na ngayong 2022 na ay saka namin makakamit ang gusto naming kotse. “Tutal naman ay magle-legal age na kayo next month, kailangan niyo na ng sarili ninyong mga sasakyan,” sagot naman ni Mom. “Thank you po talaga sa inyong dalawa. I’m so happy!” Bida-bida na naman kami ngayon sa Cashland University. Malamang ay pagtitinginan ang aming mga sasakyan ni Apple. Ayoko masiyado ng spotlight, pero itong kakambal ko ay gustong-gusto ‘yon. Pupusta na agad ako mamaya, magbibida-bida ‘yan mamaya sa oras na makapasok na kami sa C.U. “Papasok na po kami, Mom and Dad. See you later,” paalam ko naman sa kanila. Humalik na si Apple sa kanila. Samantalang ako naman ay hinalikan si Mom sa pisngi, tapos nag-fist bomb na kami ni Dad. Sumakay na kami sa aming mga sasakyan. Mabuti na lang at last year pa kami natuto ni Apple sa pagmamaneho. Tapos may lisensya na rin naman kami ngayong taon para may valid ID din kami. Pinauna ko na si Apple at nakasunod lang ako sa kaniya. Napailing na lang ako nang makita na pinaspasan niya ang pagmamaneho. Wala talagang takot ang isang ‘yon. Tinawagan ko naman siya agad. Natagalan pa siya ng kaunti bago sagutin ang tawag ko. “Will you please slow down? Baka mabangga ka pa!” bulyaw ko kaagad sa kaniya. Kahit mabilis ang pagmamaneho niya ay nagagawa ko pa rin siyang masundan. “Chillax, Vaughn. I can handle this. Wuhoo!!” Pinatay na niya mismo ang tawag kaya hindi na ako nakasalita pa. Napapasapo na lang ako ngayon sa noo ko. Mabuti na lang at hindi naman traffic at hindi rin masiyadong marami ang mga sasakyan ngayon. Pero minsan ay nago-overtake si Apple. Matigas talaga ang ulo minsan ni Apple. Maya-maya ay nakarating na kami sa gate ng Cashland University. Mabilis naman nila kaming pinapasok. At dahil nga bida-bida ang kakambal ko… Malakas ang naging pagbusina niya. Sinadya niya talaga ‘yon para makuha niya ang atensyon ng mga nasa paligid niya. Hindi naman siya nagkakamali at nasa amin na ngayon ang paningin ng mga estudyante rito. High tinted naman ang mga sasakyan namin, kaya hindi pa nila nakikita kung sino ang mga nakasakay dito. Nakita ko pa ang ilang flash ng mga cameras na kinukuhanan kami ng litrato. Nang maiparada na namin ang aming mga sasakyan sa sarili naming parking lot ay nakita ko pang nakasunod sa amin ang mga estudyante. Malamang ay inabangan kung sino ang mga lalabas mula sa mga magagandang sasakyan na ito. Halos puro mga babae ang narito ngayon, kaya nang makita nila ako ay agad na silang naghiyawan. Of course, me and my twin were popular here. Kami ang anak ng mga sikat na bilyonaryo sa buong mundo. Kami rin naman ang anak ng may-ari ng malaking unibersidad na ‘to. Hindi na rin maipagkakaila pa ang magandang lahi na mayroon kami. Hindi naman sa nagyayabang, but I know that I am handsome. Mas gwapo pa nga ako kaysa sa ama ko na si Apollo Cash. “Grabe ang gwapo mo talaga, Adonis Vaughn!” “How I wish you’re mine!” “I love you, Adonis Vaughn!” “If I can’t have you, can I have your Dad instead?!” Nilapitan naman na ako ni Apple. Napaka-material girl talaga ng isang ‘to. Nakasuot pa siya ng sunglasses ngayon. Tinanggal niya ‘yon saka tumingin sa babae na sumigaw na si Dad na lang daw ang sa kaniya. Sikat na sikat pa rin si Daddy dito dahil bumibisita siya paminsan-minsan, lalo na kapag may mga event na magaganap. “Why would we give our Dad to you? Para lang siya sa Mommy namin, okay?” malumanay lang na sambit ni Apple sa kaniya. Natawa na lang ako saka naglakad na kami papunta sa kaniya-kaniya naming building. Bawat kurso rito ay may sariling building. Lalo na at malawak naman talaga ang unibersidad namin na ‘to. “I will see you later at home,” sambit ko kay Apple. Nakakunot naman ang noo niya sa akin bigla. “Why? Don’t you want to eat with me later on lunch?” “Bukas na natin ‘yon gawin kapag alam na natin ang schedules nating dalawa. Okay? Behave yourself, Apple.” Hinalikan ko na siya sa kaniyang noo saka humiwalay na ako ng daan sa kaniya. She took a Fashion course. Wala sa aming dalawa ang nag-business course para maging tagapagmana ng mga malalaking negosyo ng aming mga magulang. Mabuti na lang at ayos lang kina Mom at Dad na ganito ang naging desisyon namin. Hindi nila kami gustong pakialaman sa mga desisyon namin. They respect our lives and our decisions. Basta ang mahalaga ay alam namin kung ano ang tama at mali. Suportado naman nila kami sa lahat. Pati nga ang aming mga Lolo at Lola ay ayos lang sa mga napili namin na kurso. Masaya sila na may sari-sarili kaming talento ni Apple at hindi katulad nang kina Mom at Dad. Since I don’t have any friends here because all my friends took a business course, mag-isa lang ako ngayon. Wala akong kakilala sa mga tao na nasa room. May mga babae at lalaki rin naman doon. Although mas marami ang mga babae. Agad nga silang nagtinginan sa akin nang dumating ako. Wala naman akong interes sa kanila, kaya hindi ko na sila pinagtuonan pa ng pansin. Pati ang mga lalaki rito ay hindi ko rin naman kilala. Tanging ang mga kaibigan ko lang kasi ang kilala ko sa unibersidad na ‘to. Nang makaupo na ako sa napili kong pwesto sa malapit sa bintana ay sakto rin na dumating na ang professor namin. “Welcome to Fine Arts course. I am your homeroom adviser. If you have any concerns, don’t hesitate to talk to me.” Nagsimula na siya sa introduction ng subject namin ngayon. Hindi ko naman inaasahan na ganito ang magiging interes ko sa kurso na ‘to. Ang active kong nakikinig sa lahat ng mga itinuturo ngayon sa amin. Natutuwa ako dahil sa mga bago kong nalalaman. Introduction pa lang ito sa kurso ko, paano pa kaya kapag mas marami nang itinuro sa akin? Ganadong-ganado ako na makinig. I want to learn more new things. Nang makapagpakilala na sa amin ang lahat ng mga professors sa mga subjects namin ay nakuha ko na rin ang schedule ko. Puro orientation pa lang naman kami ngayong araw, kaya mabilis lang na natatapos ang mga professors. I received a chat on our group chat. Tiningnan ko naman ‘yon. Razen: Vaughn, what’s your class schedules? Francis: I hope you have the same schedule as ours so we can still hang out together. Zane: *Zane sent a photo* Tiningnan ko naman ang schedule nila na sinend sa akin ni Zane. Saka rin ako nag-send sa kanila ng schedule ko ng classes ko. Unfortunately, tuwing Wednesday ko lang sila kasabay ng oras sa break times. Ibig sabihin lang no’n ay mukhang wala na akong magiging kasama sa bawat break time namin. Depende na lang kung magkakaroon na ako ng mga kaibigan dito. Mapili kasi ako sa mga kaibigan. Gusto ko na maayos talaga ang magiging kaibigan ko. Vaughn: Well, we don’t have the same schedule. Lalabas na sana ako ng room nang biglang humarang sa akin ang mga kaibigan ko. Nasa labas na pala sila ng room ko, hindi naman sila nagsabi. “Since Zane here doesn’t want to leave you, he shifted on your course. He also wants to take Fine Arts because you’re here,” sambit agad ni Francis. Napailing na lang ako at bahagyang napangiti sa ginawa ng kaibigan ko. “You should just pick what you really want.” “Nah, magaling din naman akong mag-drawing.” This is the kind of friends that I want.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD