Dahil bente-kwatro oras akong binabantayan at sinasamahan ni Adonis ay hindi na makalapit muna sa akin si Aleged. Kung makasalubong ko man siya ay hindi ko siya tinitingnan. Dahil sa oras na gawin ko ‘yon ay agad ko na naaalala ang mga kababuyan niya sa akin. Bumalik na sa normal ang relasyon namin ni Adonis. Nalalapit na rin ang international contest, kaya todo paghahanda kami. Napili kami ni Adonis na mai-represent ang Cashland University. Ang isa namin na kasama ay mula sa ibang bansa na branch. Isang sikat na professor ang nagte-train sa amin ngayon. Lumipas ang ilang araw at kailangan na namin na magpunta sa US. Dahil sa isang araw na ang international contest na roon magaganap. Narito na kami sa private plane ng mga Cash. Nakaupo na kami sa loob at handa na sana na mag-flight sa

