Travis Ivan's POV Naglalakad kami ng mga kaibigan ko sa hallway ng school ng may nagbubulungan na may away daw sa likod ng school. Isang babae na hindi kilala at may suot itong maskara kaya mas lalong hindi ito makilala laban sa isang grupo ng mga gangster at paano naman nakapasok ang mga gangster sa University? Sobrang higpit kaya ang securidad dito sa loob ng university, nakakapagtataka naman. "Gangsters and a girl? What the heck!" bulalas ng kaibigan ko na si Brylle. "Sino naman kayang grupong iyon? At paano naman nakapasok ang mga iyon dito sa loob ng campus? Tss." ani naman ni Myke. Tinahak na namin ang daan papuntang likod ng school. Malapit na kami sa likod ng school building at tanaw na namin ang grupo ng gangster at ang nag-iisang babae na may suot-suot nga ng maskara at halos

