Chapter 1: Zary Artoria Villa

1551 Words
Zary's POV Alas nuwebe pa lang ng umaga at dahil masarap ang sinag ng araw, napagdecisionan kong lumabas ng bahay at maglakad-lakad. Napakasariwa ng hangin, masarap sa pakiramdam ang bawat daplis nito sa aking balat. Hindi masakit ang sinag ng araw, katamtaman lang 'yong init at napakasariwa tingnan ng mga bulaklak na nasa paligid lamang. Napatingala ako sa itaas at napakaganda tingnan ng mga ulap, sobrang napakafresh at maaliwalas ang araw na ito ngayon. Dahil sabado ngayon at walang pa pasok kaya may oras pa ako para magpahangin. Sa kalalakad ko ay napadpad ako sa mall kaya napagdecision kong bumili na lamang ng Cd's ng dalawa sa pinakapaborito kung banda, (Before You Exit at Sleeping with Siren). Nandito na ako ngayon sa loob ng isang mall, agad naman akong pumasok sa isang store na puno ng mga CDs at pagkapasok ko sa loob ng store agad ko naman tinungo ang stantee ng mga CDs kung saan nakalagay ang CDs ng before you exit at sleeping with sirens at saka isa-isang ko ito tiningnan ng may lumapit na saleslady sa akin. "Good morning ma'am" bati sa akin ng saleslady. At dahil sa bad mood ako ngayon at inataki naman ako ng katarayan ko kaya tinarayan ko ito. Hindi ko ito inimikan o sinagot man lang. Kita naman sa pheripheral vision ko na ngumiti sa akin at parang may hihintay kaya binalingan ko ito wearing my pokerface look. "What?" Maikling tanong ko sa kanya with my bored look at cold voice. Napangiti naman ito ng alinlangan sa akin. Kita ko ang takot at pangamba nito sa akin. Napangisi naman ako na mas lalong ikinalunok nito at kita ko na mas lalo itong kinabahan. "Uhm.. May maitutulong po ba ako sa inyo maam?" nakangiting sagot sa akin ng saleslady ngunit mababakas pa rin ang pangamba at takot sa boses nito. "Wala." Maikling sagot ko pa rin sa kanya . Hindi pa rin ito umaalis sa may tabi ko kaya napakunot noo naman ako aa kanya. "Bakit ka pa nandito?" nagtatakang tanong ko sa kanya habang nakataas kilay pa rin ako. "umhmm.. what do you mean ma'am?" nakakunot noo na tanong sa akin ng saleslady. "Whatever. Never mind..tss" walang ganang sagot ko sa kanya. Umalis na ako sa kinatatayuan ko at pumunta sa ibang stantee at naghanap ulit ngunit sumunod pa rin ito sa akin. "Baka may maitutulong po ako sa inyo maam?" pahabol na sabi nito sa akin kaya nilingon ko naman ito sa likuran ko. Tiningnan ko siya ng walang emosyon at pinagtaasan ng kilay. Tss. "I already said no, so back off! Hindi ako lumpo para magpatulong sa'yo."  Bored na sabi ko sa kanya at saka ko siya tinalikuran ulit. Sumusunod pa rin siya sa akin. Anu ba ang problema nito at sunod ng sunod sa akin. What the.... Hindi ba ito nakakaintindi ng tagalog? O hindi ito makaintindi sa mga sinabi ko sa kanya? I'm getting pissed na. "What do you want from me?" Naiinis na tanong ko sa kanya at ko hinarap ito at kita ko naman ang gulat sa kanyang mukha at kaba. Pssshh.. Pasalamat kang babaitang ka kasi nagtitimpi ako sa ngayon. "uhmm.. n-nothing m-ma-ma'am" utal utal na sagot niya sa akin sabay yuko nito. Mabuti naman at naiintindihan niya na ayokong sundan niya pa ako. May lumapit naman na isang lalaki sa amin, matangkad ito, maputi, matangos ang ilong ang mga mata na maliliit at napabagay naman sa hugis ng kanyang mukha. In short, magandang lalaki. Nagpatuloy naman ako sa paghahanap ng CD at hindi ko na pinag-aksyahan pa ang saleslady na nandito pa rin sa may tabi habang nakayuko pa rin ang ulo nito. "Is there any problem here?" Tanong kaagad ng lalaki sa saleslady pagkalapit na pagkalapit niya sa amin. Napatingin naman ako sa kanya at ganun din ito sa akin. Kita ko sa mga mata nito na medyo gulat ito at titig na titig ito ngayon sa akin na siya naman ang ipinagtaka ko. At hindi ko rin maintindihan ang aking naramdaman, why do I feel this way? I feel something to this guy, bakit ganito tumibok ang puso ko? Ano bang problema ng puso ko at ganito na lang kung tumibok? Nakita ko naman na nagbow ang saleslady sa kanya. "No sir Zyriel." Magalang na sagot ng saleslady sa lalaki.  I look at him coldly kahit na abnormal na iyong t***k ng puso ko. Bigla naman sumakit iyong ulo ko sa hindi ko alam ang kadahilan kung bakit umataki na naman ito. Kaya ako kanina badmood dahil din dito. Parang may imahe na nagfaflash sa loob ng utak ko na hindi ko naman masyadong maintindihan at blurred rin.  "Miss are you okay?" Batid ko ang pag-alala nito saka ako parang inalalayan para hindi bumagsak sa sahig. I look at him kahit na sobrang sakit pa rin ng ulo ko at doon ko nakita sa mukha nito ang sobrang pag-alala niya. Sino ba ang lalaking ito bakit nararamdaman ko itong lahat? After 12 years, ngayon ko lang ulit ito naramdaman, ang pagsakit ng ulo ko, ang mga imahe na pilit kumakawala sa utak ko at ang feeling na ito na hindi ko rin maipaliwanag kung ano. Iniwaksi ko ang kamay nito na nakahawak sa aking braso saka ko kinuha ang CD na kanina ko pa hinanap saka ko sila tinalikuran habang hawak-hawak ko pa rin ang ulo ko na masakit. Hahabulin pa sana ako ng lalaki na tinawag kanina ng saleslady na Zyriel ngunit pinigilan ko ito.  "Don't follow me, just leave me alone." Pigil na sabi ko sa kanya at saka ako nagtungo sa counter para magbayad. Pagkadating ko sa counter may na una pa sa akin na dalawang tao kaya I compose my self para bumalik sa dating composure ang aking sarili. Medyo nawawala na iyong sakit ng ulo. Pagkabayad na pagkabayad ko kaagad na akong lumabas at naglakad patungong labasan ng mall. Palabas na sana ako, kaso biglang may nagsisigawan at nagtakbohan papuntang entrance ng mall na mga babae at gays at ngayon stranded ako sa kinatatayuan ko kasi hindi madaanan ang exit. What the? Anu bang meron? Bakit nagkakagulo sila at hinarangan pa talaga ang daan? Tss. Mga tao nga naman. Tsk tsk.. Napatingin lang ako sa kanila at naghihintay muna sandali kung kailan sila aalis sa daanan. Maraming bodyguards ng mall ang umawat sa mga tao na nagkakandarapa sa mga bagong pasok na grupo ng mga lalaki. "Waaaahhh.. Nandyan ang Black Stallion Group!" "Kyaaahhh.. ang gagwapo talaga nila!" "OMG! Ivan ang pogi mo talaga! Hindi nakakasawa!" "Gabriel! Ang cool mo at I love you!" "Mike! Akin ka na lang please?"  "Bhrint! Ang cute cute mo talaga! Nakakagigil!" Nanggigigil na sigaw ng mga babae at gays. "Brylle! Please be mine! Oh, my Brylle!" Tss. As in? Seriously? Anong nangyari sa mundo at maraming tao ang nababaliw sa kung sino man ang grupong iyan? Tsk. >.Tabi." Cold na sabi ko sa nasa harapan kung tao. Hindi nila ako nilingon. Aish! "I said, get out on my way" cold pa rin na pagkasabi ko. "What did you say? Sino ka para pagsabihan kami na tumabi? Ha?" Sabi ng leader nila. Panu ko na sabi na siya ang leader? Tss. Its obvious dude. "I'm Zary so tabi, nakaharang kayo sa daraanan ko" walang emosyong sagot ko sa kanya at kita ko kung paano ito nanggigil sa sinabi ko parang uusok na iyong ilong niya sa inis at hindi rin ito makapaniwala dahil sa sinagot ko sa kanya. "Paano kung ayaw namin? May magagawa ka ba?" mataray at matapang naman na balik sagot nito sa akin at nakacross arms pa talaga silang lima na humarap sa akin. Tss. Napangisi naman ako sa pinakitang tapang ng mga ito. "Hmm. If I have? Anung gagawin niyo?" balik tanong ko sa kanya. I gave her my most cold & deadly stare. Madala ka sa tingin ko at saka I cross my arms at hinarap rin sila, humakbang ako ng isa papunta sa kanila ng mapangisi ako ng humakbang din ang mga ito paatras. Tss. Sasagot pa sana ang leader ng grupo kaso nagsisigawan naman ang ibang kababaihan. "Kyaaahhh... Tumingin dito si Ivan!" "Ano ka? Sa akin tumingin si Ivan no!" "Anong sayo? Duh! Sa akin kaya!" "Hoy! Wag nga kayong ilusyonada! Sa akin kaya siya tumingin no!"  Patuloy pa rin sila sa pagtatalo kung sino ang tiningnan ni Ivan daw. Pssh. Tsk tsk. Napangisi na lang ako at saka ko tiningnan ang grupo ng mga lalaki. Napataas kilay ako na nakatingin sa kanila lalo na sa isang lalaki na nakatingin yata sa akin. I look at him coldly and blankly sabay ngisi ulit at kita ko ang gulat nito. Nakuha naman ng isang babae ang attention ko at ng lahat ng biglang sumigaw siya. "Pwede ba wag kayong sumigaw? Kahit anung papansin niyo o pagkandarapa dyan sa mga bisugong 'yan, ay hindi kayo papansinin ng mga 'yan!" sigaw ng babae sa mga fans ng kung sinong bisugo ang tinawag ng babae. Huwag daw sumigaw pero siya sumigaw din. Hay, naku ang mga tao nga ngayon 'di ko maintindihan. Napapailing na lamang ako sa mga nangyayari ngayon. Napangisi na lang ulit ako sa ginawa nya. At umalis na ako sa kinatatayuan ko dahil medyo nagkaluwag na ang daan at nakontrol na ng mga body guard ang mga tao na nagwawala dahil sa pagdating ng grupo ng mga lalaki. By the way, magpakilala muna ako sa inyo. I am Zary Artoria Villa, 19 years old. Wag nyo akong tanungin kung sino ako o buong pagkatao ko dahil ako mismo ay hindi ko din alam. Pssh.. tanungin niyo parents ko at wag ako o di kaya, basahin niyo na lang ang storyang ito.  chellie15
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD