Zary's POV Naglalakad pa rin kaming dalawa ni Xylanz sa corridor papuntang office ni kuya dean. Mayamaya lang ay nagsalita ito. "Ate, magkaaway ba kayo ng maangas na 'yon? I mean ni kuya Travis?" Tanong niya sa akin. "Yes. Simula ng pumasok ako dito. 'Wag mo ng pansinin ang sirang ulo 'yon." Sagot ko sa kanya. Malapit na kami sa office ng bigla naman nagring ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng uniform ko. Pagtingin ko, "unknown" ang nakalabas na name. Bakit kaya siya napatawag? Sabi ko isip ko. "Sino ang tumawag ate?" Tanong ni Lanz sa akin. "Pumasok kana sa loob, aalis na ako." Sabi ko sa kanya at hindi ko na rin pinansin ang tanong nito, pinapasok ko na siya loob ng office at pagkapasok na pagkapasok niya ay agad na akong tumalikod at saka sinagot ang nasa kabilang linya. "Hello.

