Chapter 16: Small World

878 Words
Next: Anne Joy Del Mundo Bago ako makasagot ay bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang babaeng siyang laging kaagapay ko, my mom. "Annie! Salamat at gising ka na!" Mabilis na tinakbo ni mommy ang pagitan namin saka mahigpit akong niyakap. Mukhang nakalimutan nito na puno ng pasa ang katawan ko. Napaigik ako at bahagyang nagreklamo na nasasaktan kaya't agad naman siyang bumitaw at pinahid ang luha na tumulo sa kanyang pisngi. "What cruelty did they do to my precious baby?" mangiyak-ngiyak pa rin na sabi ni mommy. Kahit ako ay halos maiyak muli pero labis ang pagpigil ko kahit humahapdi na ang mata ko sa kakapigil ng luha. "Mom... please stop crying. I am here na po. I am ok—" "Annie... Did they do this to you because you were investigating your twin?" my mom suddenly blurted out. My hands turned cold and slightly trembled. So, nalaman na nila na alam ko ang tungkol kay Anna Jane. Mukhang malabo na yata ang pag-asa na mahanap ko ang nawawala kong kakambal. Ang sabi sa akin ni Nana Susan, ang aking yaya, ay labis na ipinagbabawal na pag-usapan sa mansyon ang nangyari kay Anna. Paano pa kaya kung iimbestigahan ko ang tungkol sa kanya? Bigla namang napatayo ang aking ama. Ramdam kong tuluyan na itong nagalit sa akin. "Anne Joy! Where on earth did you know about this?" "She hired a private investigator. Mukhang may nagbigay sa kanya ng tip tungkol kay Anna." My mom answered as she grasped my hand. Nakaupo na ito sa stool sa tabi ng kama na siyang inupuan ng aking ama. "Why did you make a decision without consulting us, Annie? Please stop looking for her, mapapahamak ka lang. We gave up along time ago dahil para sa kaligtasan mo. Hindi ko akalaing ikaw mismo ang maglalagay ng sarili mo sa panganib. Will you please listen to us, baby?" Bahagya akong umiling. I can't seems to understand kung bakit gano'n-gano'n na lang ang pagtanggi nila na hanapin si Anna. how could I let them do that? Kung totoong may kakambal nga ako, kailangan ko siyang mahanap. Kailangan kong malaman kung buhay pa ba siya at kung kailangan niya ang tulong ko. And that guy…that guy who abused me seemed to know about my twin. Kaya ba niya ako napagkamalan? "Mom, dad." Tumingala ako sa kanila. "Hahayaan na lang ba natin ang nangyari kay Anna? She is my twin sister. Why are you two so lenient in her case? She is also your child." Naluluha kong sabi. Hindi ko pa nakikita ang kakambal ko ay nasasaktan na ako sa buhay na sinapit nito. "We had to choose, Annie. Ayaw ka naming ilagay sa pahamak. Tingnan mo, ngayon pa lang ay napapahamak ka na. What more sa mga susunod na gagawin mo? Baka hindi lang ito ang aabutin mo, 'nak. We have already lost one. Ayaw na naming mawalan pa ng isa." It was my dad. Nakatayo ito sa likuran ni mommy. Nawala na nang bahagya ang galit nito at medyo lumambot na ang boses. Hindi ako umimik. Ang akala nila ay pumayag ako sa nais nila, pero sa loob-loob ko ay malakas pa rin ang kagustuhan ko na hanapin si Anna Jane. "But what happened to me wasn't connected to my twin sister, mom," I softly said. Muli akong nagbaba ng tingin at humigpit ang pagkakahawak sa kumot. "No matter what happened, ay sisiguraduhin namin ng daddy mo na mahahanap ang lumapastangan sa 'yo. We are conducting research into your last origin before your disappearance. We are currently working with the LTA to trace where you have been." My dad spoke again. There was a firmness in his voice that showed authority. "Pero--" "Stop talking and rest, anak. Kami na ni daddy mo ang bahalang mag-imbestiga. For now," biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni mommy. Mukhang may maganda itong ibabalita. "Do you remember Doctor Rodriguez?" Kahit nahihirapan ay tumango ako. Kahit papaano ay umaliwalas ang mukha ko nang marinig ang sinabi ni mommy. Kahit nakalimutan man niya kung ano na ang hitsura ni Doc Rodriguez, hinding-hindi naman niya makakalimutan ang pangalan nito. "Y-yes, of course." Nagpapasalamat ako dahil hindi ako nag-blush sa harapan ni mommy. Hindi alam ng mga ito na hinahangaan ko ang doktor na sinasabi nila. "He is back. I heard that he will stay here in Fortis for some VVIP clients. And as we speak, he is outside waiting. He was with me, but decided to give us a bit of time to talk before going in." My mom was in excitement as she spoke. Ang kaninang mukha nito na hindi maipinta dahil sa nangyari sa akin ay biglang naglaho na tila hindi iyon nangyari. Bilang tugon ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang doktor na ipinagmamalaki ni mommy. Even my dad was smiling a little while looking at the young doctor. Pero ako ay parang naestatwa at halos hindi makahinga nang makita si Doctor Rodriguez. It has been so long mula nang huli ko siyang nakita. Ibang-iba na ang mukha nito keysa noon. Kaya pala hindi ko siya namukhaan… Matapos itong makipagkumustahan kay mommy at daddy ay dumiretso ito sa higaan ko at yumuko sa aking tainga at bumulong. "What a small world, baby." *** Enjoy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD