Seniorita 6

1908 Words
Seniorita 6 Lukas: Napaubo sa likuran ni seniorita Sinaya ang pinsan kong si Eduardo. Tuloyan ng napatawa si Sinaya—m-may putik bas a mukha ko? “A, e.. Nagulat lang po talaga ako dahil…dahil..” Sa ganda niyo seniorita Sinaya! Kaagad kong ipinilig ang ulo ko.  Napatuwid ako ng tayo habang nauutal at tuliro kung ano ang sasabihin ko kay Sinaya. “..a, kaarawan niyo po pala! Maligayang bati po Seniorita.. S-Salamat po sa..pansit..” Salamat dahil nakita kita sa malapitan.. E, ilang taon na ba? Yumuko ito at saka nginitian ako. Pwede na siguro akong mamatay ngayon.. “Salamat sa bati mo, Lukas pero hindi ka pa nga nakakain ng pansit—nagpapasalamat ka na. Halika ka na’t kumain.” Sabi ito saka tumalikod. Para naman niya akong hinihila pasunod sa kaniya at humakbang nalang ang mga paa ko kasunod sa dalaga. Malakas akong siniko ni Eduardo. “Ayaw mo palang kumain ha? Nahihiya ba kamo?” Nanunuksong siko sa’kin ng pinsan ko na nginitian ko nalang saka napakamot sa sarili kong ulo. “Tumahimik ka, Eduardo. Nakatingin sa’kin si Isabella baka’t ano pang isipin.” Si Isabella ang isang taon ko ng nobya. Isa ito sa mga katulong ng mga Argallon na kasalukuyang tinutulongan si Sinaya sa pamimigay. Hindi ko rin talaga naisip na..baka’t masaktan si Isabella sa lihim kong paghanga sa kariktan ni seniorita Sinaya. Ayst. Soy estupido! I’m stupid! Umiwas ng tingin sa’kin si Isabella nang tuloyan na akong makalapit sa  kumpol ng mga trabahador. Kaagad din akong binigyan ng plato ni seniorita na puno ng pansit. “S-Seniorita, ako na po.” Napakamot nalang ako sa ulo. Bigay ng bigay kasi si seniorita sa’kin, e, kaya ko namang kumuha ng pansit—nahihiya lang talaga ako.. “Umupo ka na diyan, Lukas.” Anyaya sa’kin ng dalaga. Wala akong nagawa kundi tanggapin ang plato’t baso saka naupo na nga sa tabi ni Eduardo. Dahil nahuli kami ni Eduardo na kumain ay nauna ng bumalik sa pag-aani ang mga kasamahan namin. Tumayo na rin ako at magpapaalam na sana kay seniorita na noon ay kausap ang kasamahan ni Isabella. Bigla namang nawala ang isang yun—nagalit ba? Sulyap ng sulyap naman kasi ako kay Sinaya, e.. Ayun, nagalit tuloy si Isabella—alam ko.. Makikipag-usap nalang ako mamaya sa kaniya pagkatapos ng ani. Napabuntong-hininga ako bago humingi ng paumanhin para makapagpaalam na kay seniorita Sinaya. “A, seniorita? Maraming salamat po sa pagkain—aalis na po kami ni Eduardo’t magpapatuloy na sa pag-aani..” Sabi ko. “Walang anuman, Lukas—a, siya nga pala. Mamayang gabi, imbitado ka sa kasayahan sa hardin. Nandun ang mga kaklase natin sa highschool—aasahan din kita.” Nakangiting sinabi iyon ni Sinaya saka tumalikod patungo sa naghihintay na kabayo nito. Inalis ko na ang tingin ko kay Sinaya saka humakbang na rin pabalik sa pag-aani. Napakurap ako ng ilang beses. Talaga bang iniimbitahan ako ni seniorita sa isang kasayahan sa kanilang hardin? Hindi kapani-paniwala pero ganun na nga ang sinabi niya! Pupunta sa isang kasayahan? Naku! Puro mga mayayaman lang ang mga bisita niya dun. At isa pa, nahihiya ako na makipagsalimuha sa mga dating kaklase namin—alam kong nakapagtapos sila ng maayos at may mga magagandang trabaho. Hindi naman ako bagay dun! Ipinagpatuloy ko ang pag-aani na yun pa rin ang nasa isipan ko. Kung papaunlakan ko ba ang imbetasyon ni seniorita Sinaya na isang beses lang na nangyari sa loob ng bente-sais na taon.. *** Sinaya: “Mas lalo ‘atang kumisig si Lukas, ‘no? Pansin mo ba kanina, Isabella? Ang swerte mo diyan sa nobyo mo!” Narinig kong namutawi sabay hagikhik ni Martha. Kaagad akong napatingin sa gawi ng dalawang katulong na kasalukuyang inaayos ang mga gagamit na susuotin ko para sa kasayahan mamaya. Lihim ko ring pinasadahan ng tingin si Isabella—nobya pala siya ni Lukas? Maganda siya—simpleng ganda pero..maganda. “Nobyo mo si Lukas, Isabella?” Nagulat ang dal’wa sa bigla kong pagsabat. Gusto ko  lang namang itanong.. Humahanga din ako sa kasipagan ng lalakeng yun—kahit noon pa man. Nang mapansin ko siya kanina sa sakahan kaagad kong naisipi na imbetihan siya ngayon dahil naging kaklase ko siya noon—kaya lang nahinto ito sa pag-aaral. “O-Opo, seniorita.. M-Mag-iisang taon na..” Ah, ganun ba? Napatango ako saka ngumiti. “Inimbitahan ko si Lukas na dumalo sa kasayahan sa kaarawan ko—sumama ka na rin, Isabella.” Unlak ko sa babae na siyang ikinagulat nitong lalo. Maging si Lukas ay ganun din ang naging reaksyon sa sinabi ko kanina. Alam ko naman ang dahilan kung bakit.. Dahil kina mama’t papa. Hindi lingid sa kaalaman ko kung paano nila tratuhin ang mga mababang-tao sa’ming hacienda. Kahit hindi man nila ipakita sa’kin—naririnig ko at nararamdaman ko. “E, naku.. N-Nakakahiya po, seniorita.. S-Si Lukas nalang po.” Nakayukong sabi niya. Bakas talaga sa mukha niya ngayon na sobrang nahihiya siya—namumula pa nga. Naniniwala ako na dapat pantay-pantay ang pakikitungo para  sa lahat—anuman ang katayuan at antas sa buhay. At sa pagbabalik ko dito sa San Fernando—magsisimula ito sa kaarawan ko. Nararapat lamang na pantay-pantay lahat. Sinunod ko naman ang utos ni mama’t papa sa kursong hindi ko gusto—ang maging isang doctor. Gusto ko sanang maging guro pero hindi sila pumayag. Sinunod ko. Nag-aral ako sa Estados Unidos ng limang taon at noong isang lingo ay nakapagtapos ako. Naging isang doctor—pero sa puso ko gusto ko paring magturo. Maraming mga babae na hindi pinapaaral dahil sa rason na hindi naman nagagamit ang pinag-aralan. Baluktot na pananaw! *** “¿Trabajarás aquí?” Will you work here? Halos pareho silang lahat ng mga tanong ngayon. Kaagad akong tumango—dito ko gustong manilbihan sa San Fernando. “Si.” Kanina pa nagsimula ang salu-salo at may hinahanap ang mga mata ko ngayon. Darating kaya si Lukas? Kunti lang naman kasi ang dumating sa mga ka-klase ko. Nahihiya ba talaga siya? Hayst! Huminga ako ng malalim. Ba’t ko ba siya hinahanap? Ipinilig ko ang ulo ko saka itinuon ang pansin sa mga bisita na nandito—everyone’s been telling me to work at the US. Ni hablar! No way! At prangka ko silang sinagot—ang puso ko ay para sa pagsilbihan ang bayan ng San Fernando. I had no chance to tell my final decision kina mama’t papa—pero sasabihin ko na bukas. Magpapatayo ako ng sarili kong clinic sa lungsod na galing sa sarili kong bulsa. Hindi nila alam na nagtrabaho ako sa Estados Unidos ng kung ano-anu.. Ayokong masanay na parating binibigyan ng mga magulang ko—pero alam kung ikakagalit nila ito kaya hanggang ngayon ay wala silang alam.. Kaya mas gusto kong mapalapit sa mga tauhan sa hacienda. O sa mansyon namin. Alam ko ang mga salitang ‘sikap’, ‘tiyaga’, at ‘pagod’. Alam ko.. “O, si Lukas na nga ba yan?” Ang biglang sabi ni Alfredo saka ko diretsong tumingin sa malaking gate. Si Lukas nga! “A, sasalubungin ko lang siya, ha? Permitame un momento.” Please excuse me for a minute. Tumayo na ako’t sinalubong si Lukas na nakasuot ng pormal na damit at mukhang may dalang isang supot ng kung ano. Malayo siya sa Lukas kanina.. Nakatingin na siya sa’kin ngayon at ang nakakunot nitong noo ay nawala. Una ko siyang nginitian—alam kong hindi siya sanay na maimbetihan o dumalo sa isang kasayahan na ganito. Bakas sa kaniya ngayon ang pagkabalisa. Panay hawak ito sa suot na pantalon. “Buenas noches, Lukas! Akala ko hindi ka na makakarating, e.” Tinampal ko siya ng bahagya sa balikat. Pansin ko ang makintab at maayos nitong buhok ngayon. Es guapo. He’s handsome. Alanganing ngumiti ito at yumuko saka ibinalik ang tingin niya sa’kin. “Buenas noches, seniorita Sinaya.. N-Nahihiya nga talaga akong magpunta rito..” Sabay kamot sa batok nito. “H-Heto po pala, seniorita. Pasensya na po sa regalo ko—iyan lang talaga ang nakayanan ko..” Inabot nito sa’kin ang isang putting supot. Talaga bang naghanda pa siya ng regalo? Hindi na sana.. Pwede naman wala, e! “Gracias, Lukas! Hindi ka na sana nag-abala..” Tiningnan ko ‘agad ang nasa loob. Isa iyong bulaklaking banda. “..gusto ko ang mga kulay, Lukas. Maraming salamat! Halika’t maupo sa bandang yun.” Giniya ko siya sa mesa kung saan ay nandun ang tatlong highschool classmates ko at nakangiting sinalubong si Lukas. “Kumusta na, Lukas?” Halos magkasabay na tanong nina Alfredo, Teo, at Mara. “Estoy bien, gracias.” I am fine, thank you. Mauupo na sana kami nang tumugtog ang isang malamyos na tugtogin gamit ang violin at flute. Ibig sabihin lang naman ay isasayaw ng mga lalake ang mga babae.. Napatingin kaagad si Lukas sa’kin at ganun din ako. Panay tukso naman ang tatlo na nasa mesa. Sina Alfredo at Mara ang naunang tumayo. Habang si Teo ay tumayo na rin para humanap ng dalagang isasayaw. *** Lukas: Napalunok ako habang nakatingin sa mga kumikislap na mata ni Sinaya. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko kasabay sa tugtog ng musika. Tumikhim ako. Inipon ko ang lahat ng lakas ko na akala ko ay naubos na nang salubungin niya ako kanina—isang anghel na parang bumaba sa langit para salubungin ang isang taong katulad ko.. “M-Maaarin ba kitang isayaw, seniorita?” Sabay buntong-hininga. Alangan naman hayaan ko nalang siyang maupo ulit sa isang sulok habang ang ibang mga dalaga’t binate ay nagsasayaw? Isang karangalan  na ‘agad itong tumango. Inabot nito ang nakalahad kong kamay.. Napakalambot ng kamay niya! Para siyang isang mamahaling bagay na sobrang mahal—na hindi kailan magiging akin.. Maingat kong idinantay ang mga kamay ko sa maliit na bewang ng dalaga saka gayun din siya sa mga balikat ko. “Seniorita, isang karangalan na maisayaw ka sa gabing ito..” Habang-buhay koi tong hindi makakalimutan kailanman! “Karangalan ko rin naman na maisayaw mo, Lukas.” Bumilis lalo ang pintig ng puso ko sa isinagot niya ngayon. Talaga ba? Nakalutang na ‘ata ako sa ulap.. Pero ang hindi ko inaasahan ay may biglang humablot sa braso ko at mahigpit na hinawakan ang kanang kamay ko. Napahiyaw ako sa sakit nang makita kong dumugo ang palad ko—isang kutsilyo ang sumagat sa kamay ko’ng puno ng dugo ngayon! *** “WHAT THE F**K!” I exhaled deeply as I woke up from a nightmare! What the hell was that!? Nakahawak ding ang isang kamay ko sa kanang kamay ko ngayon. Weird.. I looked at my birthmark na nasa mismong kanang palad ko. A diagonal brownish mark perfectly drawn on my right palm. Bumalik ulit ang mga ganung panaginip ko.. I thought it ended on my college days! I had been dreaming blurry scenes like that—but tonight was all clear except the woman’s face.. So f***ing weird! Stress and all made this sh*t! Sleep back, Lutther! Saka ako dumapa ulit sa kama para matulog ulit.. I need to nap atleast an hour for shifting—para si dad naman ang makatulog ng maayos.. It was my fault mom was confined..      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD