Enjoy reading! Allianah's PoV, PAGDATING ko sa bahay ay wala pa si Zeke. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Pauline sa 'kin. Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi siya talaga mahal ni Zeke? Na siya lang 'yong habol nang habol kay Zeke? Mali lahat ng mga iniisip ko tungkol kay Zeke. Pabalik-balik ako sa paglalakad dito sa sala. Hindi ako mapakali. Gusto kong maghingi ng tawad kay Zeke. Ang manhid ko talaga. Hindi ko man lang na-isip ang nararamdaman ni Zeke. Akala ko kasi si Pauline pa rin ang mahal niya kasi minsan lagi ko silang nakikitang dalawa. Kahit sinasabi niyang mahal niya ako. Napahinto ako sa paglalakad nang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Paul Calling..... Agad kong sinagot ito. "Hello?" "Hello, Allianah? Si Zeke nasa hospi

