Enjoy reading! Ezekiel's PoV, DAMN! Hindi ko alam na naroon pala sina Allianah sa restaurant na 'yon. Nakita niya kami ni Pauline na magkasama. Kaya lang kami magkasama ni Pauline kasi nakita ko siya sa labas ng restaurant na 'yon. Makipag kita kasi ako sa daddy niya para sa isang business deal ng company ko at ng company nila. Hindi ko naman alam na pupunta rin pala si Pauline roon. Hindi ko rin alam na naroon din pala ang asawa ko kasama ang dalawa niyang kaibigan. Gusto ko nga sanang mag-explain sa kanya kaso hindi niya ako hinayaang magpaliwanag. Gusto ko nga sana siyang habulin nang lumabas siya ng restaurant pero nakakahiya naman sa daddy ni Pauline. Pagkatapos nang pakikipag-usap ko sa daddy ni Pauline ay agad na akong umuwi ng bahay. Nag-aalala ako sa asawa ko. Gusto kong mag

