Chapter 2

702 Words
Enjoy reading! llianah's PoV, NARITO ako ngayon sa school ko. Lunch break namin ngayon kaya pupunta kami sa cafeteria. Syempre kasama ko 'yong dalawa kong bestfriend. Kaso yung isa hilaw na babae. Isa siyang bakla. Naiinis kasi siya kapag tinatawag siyang bakla. Ang pangalan niya ay Carlo pero ang gusto niyang itawag sa kaniya ay Carla. Yung isa naman ay si Jessa. "Kyaaaaah, mga besty tingnan niyo yung tatlong lalaki na papunta sa 'tin oh, ang ga-gwapo lalo na yung isang lalaki na nasa gitna kyaaah!" Tsk! 'Tong bakla na 'to ang landi. Tiningnan ko naman yung sinasabi ni Carla at lahat yata ng mga estudyante rito ay nakatingin sa kanilang tatlo na naglalakad. Yung iba kinikilig pa. Pero teka, sino naman kaya ang mga 'to? Mukhang mga outsider ang mga ito ah. Bigla silang tumigil sa harap namin. Gosh! Nakakatakot yung tingin nang nasa gitna. May kasalanan ba ako sa kaniya? Bigla silang huminto sa harap namin. Baka mga kidnapper ang mga 'to o 'di kaya ay magnanakaw. "A-anong k-kailangan niyo?" Nauutal kong tanong sa kanila. Mas gustuhin ko pang lamunin ako ng lupa kaysa makaharap ko 'tong lalaking ito. "Damn! I miss you," bigla niya akong niyakap. Teka! OMG! Bakit niya ako niyakap? Kumawala ako sa kaniya. "A-ano bang p-pinagsasabi mo. At teka sino ka ba?" Na-uutal kong tanong. Hindi ko kasi maintindihan. Tiningnan ko yung dalawa kong kaibigan. Syempre katulad ko rin gulat na gulat nakatakip pa ang mga kamay sa bibig. "Your soon-to-be husband. You're mine sweetheart." Ano? Soon-to-be husband? Baliw ba siya? Baka nakawala to sa mental. Ang weird niya. Kung ano-ano pinagsasabi. Ang gwapo pa naman niya. Kaso hindi ko pa rin ipapalit si Ivan my love. Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na sila. At kaming tatlo ay shock pa rin. Sino kaya ang mga 'yon? "Girl totoo ba yung sabi ni fafa pogi?" Tanong ni Carla. "Oo nga besty. Soon-to-be husband mo raw?" Dugtong ni Jessa. Wala nga akong soon-to-be boyfriend. Husband pa kaya? "Hindi ko alam. Hayaan niyo na baka baliw 'yon. Tara na sa cafeteria." Naglakad na kami papuntang cafeteria. By the way, yung tungkol kay Ivan my love. Nakalimutan kong sabihin sa inyo. Crush ko siya simula Noong Grade seven hanggang ngayong grade ten. Ganoon ako ka loyal kay Ivan ko. Close rin kami noon. At magka-klase rin kami. Pero hindi pa nga kami may karibal na ako. Yung kaklase ko na si Kristine . Minsan nga nakikita ko silang magkasama. Pero hayaan niyo na hindi pa naman sila. Kaya may pag-asa pa ako sa kaniya. Pagkarating namin sa cafeteria ay naghanap agad kami ng table namin. Si Carla na ang pina order namin. "Oh mga girls, ito na ang inyong orders," sabi ni Carla. Binigay niya na yung mga order namin. Tapos kumain na kami. Ngunit napahinto kami sa pagkain nang tumitili ang mga babae. Tumingin naman kami kung sino 'yon. At napanganga na lang ako nang malaman ko kung sino 'yon. Si Ivan. Lumapit siya sa amin kaya inayos ko yung sarili ko. "Hi girls, can I join?" Nakatingin lang ako sa kaniya na nakangiti. "Sure Ivan," nakangiti kong sagot. Tumabi siya sa 'kin. Damn! Yung puso ko ang bilis nang t***k. At yung dalawa kong kaibigan, ayon at kinikilig. Pakshit talaga. "Ahm, Allianah sabay tayo mamaya uuwi?" Ano raw? Sabay kami mamaya uuwi? Sure Ivan kahit araw-araw pa.  "Sure," sagot ko. At kumain na kami. --- Pagkatapos nang klase ay umuwi na kami. At katulad nang sabi kanina ni Ivan ay sabay kaming umuwi. Mayroon siyang sariling sasakyan kaya hinatid niya ako. Nakita nga kami kanina ni kristine. Ang sakit nang tingin sa 'kin. Hinatid niya ako sa bahay. Oh 'di ba ang bait ni Ivan. Pinagbuksan niya ako nang pinto. Gentleman niya. Kaya mahal ko talaga siya. "Thank you nga pala Ivan ah," sabi ko.  "No problem. Sige mauna na ako." Paalam niya at sumakay na ng kotse niya at umalis. Pumasok na ako ng bahay. Mukhang wala pa sina mom at dad. Umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Pagkatapos kong magbihis ay natulog muna ako. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang lalaking yumakap sa 'kin kanina. Hindi siya nagpakilala kanina. Tsaka ang weird niya. Sino ba siya? Para bang kilala na niya talaga ako. Pero hindi ko talaga makakalimutan ang mukha niya.  ©Miss_Terious02
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD