Enjoy reading! Allianah's PoV, NAGISING ako sa ingay na naririnig ko sa labas ng kwarto. May nagtatawanan na babae at lalaki. Teka?..babae? Paanong may babae sa kubo namin ni Zeke? At teka! Kilala ko ang boses na 'yon. Hindi! Imposible na pupunta sila rito. Dali-dali akong bumangon at nag-ayos. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko ang dalawa kong bestfriends na nagtatawanan habang naka-upo sa sofa. What the f**k! Bakit sila narito? "Besprend! Namiss kita!" Sigaw ni Carlo sabay takbo papunta sa 'kin at niyakap ako. Ganon din ang ginawa ni Jessa. "Hoy bruha, bakit hindi mo sinabi na maaga kang nagbakasyon ha? Alam mo bang nag-aalala ang beauty ko sa 'yo," si Carlo. Tsk! Kahit kailan talaga ang ingay nito. "Teka nga. Paano niyo nalaman na nandito ako?" Takang tanong ko sa kanila. Nagka

