Enjoy reading! Allianah's PoV, HAPON na nang magising ako. At dahil gutom na ako ay napag pasyahan kong bumaba na at pumunta sa kusina. Hindi naman kasi ako dinalhan ni Zeke ng pagkain katulad ng sinabi niya kanina. Kahit kailan talaga napaka sinungaling niya. Nakakapagtaka dahil ang tahimik ng bahay. 'Sira ka talaga Allianah, tatlo lang kayo ang nakatira rito' singit naman ng utak ko. Pero parang hindi ko nakita si Zeke. Nasaan kaya siya? Pagdating ko sa kusina ay nadatnan ko si manang Tess na nagpupunas ng mga plato. "Magandang hapon po manang Tess," masigla kong bati. "Magandang hapon din, hija. Kakain ka na ba?" Nakangiting tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot. "Ito pinabibigay ng asawa mo." Binigay niya sa 'kin ang isang tray na may lamang kanin at ulam. "K-ka

