My body filled with horror at mabilis na tumayo. Muntik pa akong mahulog if not for the blanket.
Agad akong dumapa at sinikop lahat ng gamit ko. Tangina, ayoko nang uminom! Mabilis kong kinuha lahat ng damit ko at halos magmadali na rin ako sa pagbibihis.
Agad kong kinuha ang bag at sapatos ko at agad na tinakbo ang pagitan palabas ng kwarto niya. Walang tao sa hallway na siyang pinagpapasalamat ko. Ayokong may makakilala sa akin dito.
Mabilis kong pinindot ang elevator pababa at nang magbukas ay agad akong sumakay ron. Napansin ko na sa isang kilalang condominium nakatira si Zuho. Sabagay, kilala at mayaman ang kaniyang pamilya. Alangan naman sa lansangan o middle class condo siya tumira diba?
Isinandal ko saglit ang sarili ko sa pader at agad na lumabas nang bumukas ito. Maraming empleyado na mukhang kaka-uwi lang mula sa trabaho at nagsipasukan. Agad naman akong nakisiksik upang makalabas.
Hinalungkat ko sa aking bag ang telepono at susi ko. Kailangan ko pa pa lang tawagan ang kahit sino sa mga kaibigan ko upang ipaalam na maayos lang ako. Nagalala ang mga 'yon.
Ngayon ko lang din narealize na wala pala akong dala maski kotse. Tanga! Tanga! Halos pukpukin ko ang sarili ko ng telepono.
"Ate? What are you doing here?" Napalingon ako sa tumawag sa akin at natagpuan ng aking mata si Sace.
What? Oo nga pala, dito siya nakatira. Isa rin kasi siya sa mga bumukod dahil naiirita sa panenermon ni Mommy. Damn. Bakit ko nga pala nakalimutan iyon?
"Oh, Sace. Andito ka pala." I smiled at her.
She eyed me weirdly. Bakit may dumi ba sa mukha ko? Is my lipstick smudge? Hindi naman siguro dahil kiss proof 'yon. At kagabi nga'y napatunayan ko na.
"Of course, ate. This is where I am living, right?" naguguluhan niyang tanong sa akin.
Ang sarap tanungin na bakit niya alam? Dapat 'di niya alam na taga rito siya pero pang tangang tanong lang iyon, e. Nakakainis. Bakit ba kasi taga rito 'yang Zuho na 'yan?
"Yeah, sabi ko nga. Sino ba nagsabing hindi ka rito nakatira?" pagpapalusot ko.
Umiling lang sa akin si Sace at agad kaming dumiretso sa kaniyang kotse. No choice. Kailangan kong kapalan ang mukha ko upang sumabay.
"Ano ba talagang ginagawa mo rito, ate Yu?" tanong niya nang makapasok kaming dalawa sa kaniyang kotse.
Kailangan ko pang magtrabaho pala ngayon kasi hindi ko na naman natapos ang trabaho kahapon. Dang!
"I just uh, visited, uh friend?" I said confused. Sa huli ay tumango lang ako, sumasang ayon sa sariling kalokohan. "Yup, I visited a friend here, Sace. You going to work?"
Fortunately, Sace's let it slide. Naka-hinga ako ng maluwag.
"Yes, ate. Pero dadaanan ko muna ngayon si Eleny. Hindi pa rin ba siya nagigising?"
Natahimik ako. Oo nga pala, may isang problema pa akong kailangang lutasin. Hindi ko sinagot ang tanong ni Sace dahil maski ako'y walang kaalam-alam sa nangyayari sa aking kapatid dahil sa pagkakagusto kong maging malaya sa lahat kahit saglit.
"I'll visit her later, Sace. Ihatid mo na lang muna ako sa mansiyon."
"Alright," sambit niya at agad na nag-u turn papuntang novaliches. Naging mabilis lang ang aming byahe at agad na akong nakarating sa aming mansiyon.
Hindi naman talaga ako rito nakatira sa Pilipinas kaya wala akong panahon upang kumuha ng sarili kong condo. Talagang sa Amsterdam ako naka-base at nakaka-uwi lang kapag may oras. Ngunit mababaliktad siguro ang sitwasyon ngayon dahil nga sa nangyari sa aking kapatid.
Pagkababa ko ng kotse ni Sace ay agad akong nagpaalam. Aniya'y bibisita na lang din siya rito sa mansiyon kung may oras but I doubt it dahil nagbo-boom na ang kaniyang restaurant. Pumasok ako sa loob ng mansiyon at agad na sinalubong ng mga katulong.
Lahat sila'y aligagang asikasuhin ako na para bang kaunting pagkakamali lang ay agad ko silang sisinghalan. But I'm not like that. Ginagawa kong pantay ang trato naming lahat dito pero kapag may isang makapal ang mukhang sumalungat sa akin ay agad kong pinalalayas. Bahay ko 'to kaya anong karapatan nilang umattitude?
Dumiretso ako kaagad sa kusina at sinalubong ako kaagad ng isang katulong namin na isa sa mga pinagkakatiwalaan namin nina Mommy. Si Manang Rosing. Simula pagkabata'y siya na ang nagbabantay sa aming magkakapatid at ang asawa niyang driver namin ay matagal na namin ding katiwala.
"Oh, Ayu, hija. Nakauwi ka na pala," aniya.
Agad akong lumapit sa kaniya at nagmano. I have a soft spot when it comes to her and to Manong Kaloy, her husband. They're like our second parents because they never left us. They're also very loyal to our family kaya naman maagan ang loob ko sa kanila.
"Yes, Manang. Na-umagahan na kasi ako kila Adaline." pagdadahilan ko.
Maniniwala naman sila dahil talagang nature na namin nila Adaline na kapag hindi na namin kayang umuwi ay sa kanila kami didiretso or kung kanino mang bahay ang malapit. But today's different, sa ibang bahay ako dumiretso.
Umiling ako at kumuha ng tubig sa may ref. Hinayaan naman ako ni Manang.
"Nagkita na ba kayo nila Indira? Naka-uwi na ang magulang mo kahapon."
Halos mabulunan ako sa tubig na iniinom ko nang marinig iyon. That fast?
Inilapag ko ang pitchel at baso sa island counter at hinarap si Manang. "Really, Manang? Hindi po ba ako nila hinanap?"
Kung naka-uwi na nga si Mommy ay baka mabisto pa ako sa kasinungalingan ko. Sobrang sigurista pa naman ng matandang 'yon.
Ngumiti ng malambing sa akin si Manang. "Hindi naman."
Naka-hinga ako mg maluwag. Kung ganon ay kailangan ko silang maka-usap patungkol kay Eleny or baka naunahan na ako ng mga kapatid kong mag-explain.
Nag-iisip pa ako kung paano ko sasabihin ang sitwasyon ng may pumasok sa loob ng kusina. Wait, umuwi rin siya?
"Manang," tawag niya kay Manang na naka-harap pa rin sa akin.
Katulad ko ay napalingon na rin siya sa taong dumating. "Azi, hija," bati niya kay Azi na pumasok sa loob ng kusina.
"Azi, sumama ka kila mommy?" tanong ko.
"Oh, ate. Yes, kailangan ko kasi nang mababatukan at baka pwede si Eleny dahil sa katangahan niya."
Napa-iling na lang ako at iniwan silang dalawa sa kusina. Kailangan ko nang tapusin ang mga trabaho ko.
Umakyat na ako sa aking kwarto at agad na naligo. Unang buhos pa lang ng malamig na tubig ay agad ko nang naramdaman ang hapdi. Napasandal ako sa pader at talaga nga namang mapapaiyak dahil sa sakit na nararamdaman.
Mabilis kong tinapos ang pagligo at agad na nag-ayos para sa trabaho. Ni hindi na ako kumain at agad na dumiretso sa aking kotse na mukhang ipinadala pa nila rito. I'm thankful sa ginawa nila.
Agad akong sumakay sa kotse at agad na pinasibad ito papuntang Pacific Global. Agad naman akong nakarating at ganun na lang ang gulat ko nang bumukas ang driver's seat ko at bumungad sa akin ang lalaking kanina lang at tinakasan ko.
He looked at me with rage in his eyes. Matatakot na sana ako ngunit hindi ako ganun kadaling matinag.
"Why did you left me?"