"Ang saya rito, parang walang problema," patawa-tawa kong sabi at tinignan si Annika.Napaka ganda pa rin nito kahit anong anggulo ang kanyang gawin. "Minsan masaya, pero madalas nakakakaba," aniya at biglang nawala ang ngiti nito. "Bakit naman?" tanong ko. "Masaya ako dahil kasama ko ang mga pamilya ko, pero madalas nalulungkot. Baka kasi isang araw pag gising ko, mawala ulit sila katulad noon. Madalas takot ang aming pinapairal dito,lalo na't hindi namin alam kung nasaan ang hari na magliligtas sa amin. Hinarap ko naman siya dala ang nakakapanlokong mga ngiti. Anong pinag sasabi ni Annika? Kaya nga nandito kami dahil nandito rin si Daddy. "Anong pinag sasabi mo?" naguguluhan ko pa rin tanong. "Simula nang mapatay ni haring Arthur ang asawa ni Archaleis, itinago nang mga kawal pati n

