"Ah manang, may nakita po ba kayong dalawang bata na hanggang dito ang laki ng babae at 'yong lalaki naman ay hanggang...siguro hanggang dito ko lang ho,"tanong ko sa matandang lalaki na nakaupo sa ilalim ng poste rito sa may parke. Umiling lamang ito at kahit segundo ay hindi manlang ako nagawang tapunan ng tingin. "Salamat po," wika ko at umalis. Kanina pa ako nagpapaikot-ikot sa sinasabi nilang parke, ngunit kahit isa ay walang nakakita sa dalawang bata na 'yon. Napakamot na lang ako ng matindi sa aking ulo at napahilamos sa aking mukha, nang maisip kung ano nanaman bang ginawa ng magaling kong ama sa kanila kaya sila naglayas. "Sakit talaga kayo sa ulo kahit kailan!" Ilang oras na akong nagpalakad-lakad nang mapansin ko ang isang tindahan ng tinapay. Bigla tuloy kumalam ang si

