"Ang mga taong may sibat naman ang magpupunta at kakalat sa buong kagubatan para bantayan ito," dagdag pa niya, habang nakatingin sa isang grupo ng mga kababaihan na may dalang mahahabang sibat. "Ate, ang astig nun,oh."Turo ni Adam sa isang lalaki na may hawak na malalaking baraha at kanya itong binabalasa. Aanhin niya ang baraha sa pakikipag digmaan? "Narito ba sa pagpupulong si Hinta?" tanong ni lolo Moss. Nagpalinga-linga naman ang mga tao at sinundan namin ito nang tumigil ang kanilang mata sa lalaking may hawak na baraha. "Ako po?" Turo niya sa kanyang sarili. "Oo, ikaw ang gagabay sa mga anak ng ating hari at tutulong sa kanila." Nanlaki naman ang mata namin ni Adam, gayong parang wala naman kaming abilidad na nakikita rito ngunit siya pa ang napili ni lolo para isama sa amin.

