Chapter 01:
Nang nakapasok ako sa entrance ng building ng Hidden Gem Corporation ay nginitian at binati ko ang mga security guard bago ko ibigay ang I. D. sa kanila para ipakita na isa akong empleyado ng kompanya. Nginitian nila ako at pinapasok na.
Habang naglalakad na ako sa lobby ng kompanya ay napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sa ‘kin dahilan upang huminto ako.
“Mary Simsom.” Kumaway si Roselle nang papalapit siya sa puwesto ko dahil galing pa lang ito sa entrance.
“Good morning, Rose,” ngiting bati ko sa kan’ya ng lubos na siyang nakalapit.
“Good morning too, Mary,” bati din niya. “Alam mo na ba ang balita tungkol kay Mrs. Rosino at sa kompanyang ito?” dagdag niya kaya napakunot-noo ako.
“Hindi,” sagot ko na naglakad ulit ako.
“Weh? ‘Di nga? H’wag mong sabihin sa ‘kin na wala kang alam tungkol doon dahil hindi ako maniniwala sa ‘yo lalo na ikaw ang secretary ng president ng HGC,” komento niya kaya napailing ako bago lumingon sa kanya.
Magiliw ko muna itong nginitian. “Alam mo kasi hindi ako tsimosa na tulad mo. Palagi kang updated sa mga nangyayari sa loob ng kompanya. Samantala ako palaging nahuhuli sa mga balita dahil palagi akong abala sa trabaho,”
“Ewan ko sa ‘yo.” Tumaas ang sulok ng labi niya na animo’y pikon sa sinabi ko dahil totoo naman ang mga iyon.
Pareho kaming empleyado ni Roselle sa Hidden Gem Corporation ngunit magka-iba lang ang trabaho namin dahil sa marketing department siya naka-puwesto samantala ako ay isang secretary ng president na si Mrs. Rosino.
Hindi ko maikakaila na isa siya sa mga kaibigan ko sa kompanyang ito ngunit biláng lang sa darili ko ang tunay na kaibigan dahil iniiwasan ko ang lahat ng mga tao na nagtatangkang lumapit sa ‘kin para sa bagay na iyon.
Inaamin ko na anti-social ako. Inilulugar ko ang trabaho sa pakikipagkaibigan. Aanhin ko ang madaming kaibigan kung ang ilang sa kanila ay hindi totoo sa ‘kin? Sayang lang ang oras ko sa pakikipagplastikan.
“Sabay tayong mag-lunch mamaya sa cafeteria.” Tumango ako.
“Puwede naman. Lalo na ay mabait si Mrs. Rosino kaya puwede akong magpaalam sa kan’ya,” wika ko na nakangiti.
“Attention please, all employees of Hidden Gem Corporation, please proceed to the conference room.”
“Again, all employees of Hidden Gem Corporation, please proceed to the conference room. Thank you.”
Dahil sa announcement na mula sa mga speaker sa loob ng building ay marami kaming nakakasabay ni Roselle patungo sa mga elevator dahil nasa fifteen floor ang conference room.
“Ito na nga ang sinasabi ko na tungkol kay Mrs. Rosino.” Umiling si Roselle ng nakapasok na kami sa loob ng elevator na medyo may kasiksikan na dahil marami na ang nakasakay.
Nagkibit-balikat na lang ako na hindi siya pinansin dahil sumara na ang elevator kaya napayuko na lang ako.
Lihim akong napahugot ng hininga dahil hindi ko talaga maiwasan isipin ang taong mahal ko. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya ngayon lalo na ay hindi ko siya kasama dahil sa trabaho ko at samantala ay nasa eskuwelahan ito.
Nag-angat ako ng ulo at diretsong tumingin sa mirror glass na pintuan ng elevator. At ilang minuto lang ang nakalipas ay bumukas na ito kaya nagsipag-unahan ang mga empleyadong lumabas.
“Magkita na lang tayo mamaya.” Binalingan ko si Roselle na nasa tabi ko.
“Yeah. Pupuntahan ko pa kasi ‘yong team ko,” ani niya. “Sige mauna na ako,” tanging tango lang ang naging tugon ko kaya naglakad na ito palayo sa ‘kin.
Kahit naman sa conference room lang ang pupuntahan namin ay hindi kami puwedeng magkasabay dahil magkaiba ang trabaho namin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa entrance ng conference room na sobrang laki na ang hula ko ay kasya rito ang higit limang-daang tao lalo na ay malaki ang kompanya.
Nang nakarating na ako sa loob ay marami na ang mga tao na naka-upo sa puwesto nila, báse kung saan silang departamento kaya agad kong hinanap ang president na nakatayo malapit sa platform. Agad akong nagtungo sa platform.
“Good morning, Mrs. Rosino.” Yumuko ako sa kan’ya ng nakalapit na ako. “Sorry po kung ngayon pa lang ako nakarating may hinatid pa kasi ako sa eskuwelahan,” paumanhin ko rito.
“Naku, okay lang ‘yon. Alam ko naman na sa tuwing umaga ay abala ka sa pag-aasikaso sa isang tao.” Nakangiting aniya niya kaya napangiti ako sa sarili ng palihim dahil sa bawat paumanhin ko ay naiintindihan ako ni Mrs. Rosino sa tuwing palaging late ako sa trabaho.
Napaisip muna ako. “Itatanong ko lang po kung bakit niyo pinatawag ang lahat ng empleyado?” pag-iiba ko sa usapan.
“Gusto ko lang ipaalam na binenta ko na ang buong kompanya sa isang kilalang tao,” hindi agad pumasok sa isip ko ang sinabi niya.
“B-Binenta niyo po ang HGC?” hindi makapaniwalang tanong ko ulit.
“Yes,” walang pag-aalinlangan niyang sagot na sinundan pa iyon ng tango kaya lihim akong huminga ng malalim. I need to calm myself.
Paano na ako nito? Paano kung paalisin ako sa pagiging secretary dahil iba na ang president ng kompanya? Saan ako maghahanap ng trabaho kung magkagano’n man? Bakit madalian ang pagbenta niya sa kompanya na hindi ko man lang nalalaman bilang sekretarya niya?
Napasunod ang tingin ko kay Mrs. Rosino ng nagtungo na siya sa platform at lumapit sa microphone.
“Good morning everyone, I’m Yssa Rosino the President of Hidden Gem Corporation. Gusto kong sabihin sa inyong lahat na ang kompanyang ito ay ibeninta ko sa isang kilalang bachelor sa bansa natin at kilala din siya sa ibang bansa,” ang mga co- employee ko ay halata sa kanilang mga mukha ang gulat na ang ilan pa sa kanila ay nagbubulungan na. “Alam ko na marami ang nagulat sa inyo kung bakit ko beninta ang kompanya dahil sa katunayan ay malapit na itong malugi sa pamamahala ko dahil sa marami itong utang sa bangko. Ngunit huwag kayong mag-alala ‘pagka’t hindi naman kayo papaalisin sa mga puwesto niyo,” para akong binunutan ng tinik sa dibdib dahil hindi naman pala kami papaalisin.
Ang mga nagbulungan naman ay nagsitigil na mukhang nakahinga na nang maluwag.
“So, everyone here may l introduce to all of you... your new boss, Mr. Miguel Cameron,” pahabol ni Mrs. Rosino na may kasamang palakpak kaya gumaya din kaming mga empleyado.
Hindi agad ako nakakilos sa kinatatayuan nang makita ko na ang pagpasok ng apat na lalaki sa VIP door kung saan konektado ito sa conference room o sa ibang salita ay ang president lang ang gumagamit sa pintuan na nasa likod ko.
Sinundan ko ng tingin ang apat na papalapit sa platform kaya yumuko ako at umatras pa sa gilid para bigyan sila ng daan.
Nang malapit na sila sa ‘kin ay nakaramdam ako ng malamig na hangin na biglang nagpabilis ng t***k ng puso ko kaya agad ako nag-angat ng tingin sa kanila hanggang sa nakita kong umakyat ang isang lalaki sa platform na iniwan naman ang tatlo sa babá na medyo may distansya sa kinatatayuan ko.
“Now that he’s the owner of this building as well as this company, prove to him that you are all worthy to be his employees. So, my request will not be in vain. Can I rely on you for that?” tanong ni Mrs. Rosino.
“Yes ma’am!” sabay-sabay naming sagot.
“Good! So, Mr. Cameron, they all yours,” ngiting sabi ni Mrs. Rosino na bahagya pang yumuko at inilahad ang palad para maki-pagkamay sa isang matangkad na lalaki pero hindi ko makita ang buong mukha nito dahil naka-side view siya sa ‘kin.
“Thank you, Mrs. Rosino.” Nakipagkamay ito at bumaling sa unahan, sa mga bagong empleyado niya na kasama na ako. “So, everyone here let me introduce myself. I’m Miguel Cameron, from this day onward I will be your new employer. I do hope that we can work together for the benefit of the company and also for your benefit. Although, makakatanggap kayo ng separation pay mula sa dating may-ari ng kompanya pero automatic na kayong regular employee under the name of the new company,” aniya pa ng bagong may-ari kaya lihim akong napatingin sa mga empleyado na nasa mga upuan nila.
Agad kong hinanap si Roselle sa pamamagitan nang tingin na kasama niya ngayon ang mga teammates niya sa Marketing Department. Nang nagsalubong ang tingin namin dahil nakatingin pala ito sa kinatatayuan ko ay bigla siyang nag-thumbs up sa ‘kin kaya nginitian ko ito ng malaki bago ibalik ulit ang atensyon sa nagsasalita.
Marami pa ang sinabi ng bagong may-ari ng kompanya, ang bagong boss namin.
“Once again, thank you for your time,” huling salita nito bago bumaling sa hagdan ng platform na katapat ko lang.
Nang dahil do’n ay nakita ko ang buong mukha nito.
Medyo may pagka-curly ang buhok nito na sakto lang ang haba, hugis puso ang labi nito na medyo maputla, makapal na kilay at matangos ang ilong.
Lihim akong napalunok ng nakababa na ito at ‘ramdam ko ang mabibigat na hakbang niya kahit hindi ito nakatingin sa ‘kin ng diretso hanggang sa nilampasan ako na parang hangin sa isang tabi.
Sinundan ko ito ng tingin ng lumabas na siya sa VIP door kasama ang tatlong lalaki.
“Mary.” Bumaling ako sa likod ko ng may nagsalita.
“Mrs. Rosino,” sambit ko na siya lang pala.
“Pumunta na tayo sa opisina ko, na pag-aari na ngayon ni Mr. Cameron,” matamlay na ngumiti ito sa ‘kin kaya naramdaman kong napipilitan siyang ibenta ang kan’yang kompanya dahil alam kong masyadong importante ito sa kan’ya.
Bilang secretary ni Mrs. Rosino ay saksi ako sa kanyang pagpapagal para sa company. Halos palagi siyang nag-oover time para basahin ang mga importanteng papeles. Nakakapanghinayang na aalis na siya.
Bahagya akong napatango kasabay ng pagtingin sa mga upuan na unti-unting nababawasan na nang empleyado dahil lumalabas na sila sa conference room.
Naramdaman kong naglakad na si Mrs. Rosino papunta sa VIP door kaya napasunod ako ng hakbang.
Sa paglalakad namin ay walang nagsasalita ni isa hanggang sa narating namin ang elevator na kami lang ang sakay kaya pinindot ko ang numerong beinte na ito ang huling palapag.
Ilang minuto ang hinintay namin bago tumunog ang elevator na hudyat nasa palapag na kami. Pinauna ko munang palabasin si Mrs. Rosino bago ako sumunod.
Tahimik pa rin kami pareho habang tinatahak ang pasilyo patungo sa opisina ng bagong may-ari ng kompanya. Nang nasa harapan na kami ng pintuan ay napatingin muna ako kay Mrs. Rosino. Nginitian ako nito.
“Masaya ako na ikaw ang naging sekretarya ko sa loob ng ilang taon. Hanga ako sa ‘yo kaya huwag magbago ang kasipagan kahit hindi na ako ang amo mo,” ‘ramdam ko sa boses niya ang lungkot.
“Salamat po, Mrs. Rosino. Hindi ko po kayo makakalimutan bilang isang mabait at maintindihin na employer ko,” malawak ang ngiti ko ‘pagka’t nagbabadyang lumabas ang mga luha ko.
May konting ngiti sa kan’yang labi na tinitigan niya ang nakasara pang pinto. Humugot siya nang malalim na hininga.
“You can open the door,” mabigat siyang nagpakawala ng buntong-hininga.
Pinihit ko ang seradura ng pinto na tuluyan pumasok si Mrs. Rosino sa loob kaya sumunod din ako.
“Mr. Cameron,” tawag ni Mrs. Rosino kasabay ng pagsara ko ng pinto. “Gusto ko pong ipakilala sa inyo ang secretary ko, na sa ‘yo na ngayon,” nang dahil sa sinabi ni Mrs. Rosino ay tumabi ako sa kanya na walang salitang yumuko ako kay Mr. Cameron na hindi man lang tinitignan.
“Good morning Mr. Cameron. I’m Mary Simsom, your secretary.” Nag-angat na ako ulo na tumingin sa kan’ya nang diretso na naka-upo ito sa swivel chair.
“You can leave us, Mrs. Rosino,” malamig na saad nito na hindi man lang nakatingin sa 'kin.
Hindi man lang pinansin ang bati ko sa kanya? Toxic yata ang lalaking ito.
Harsh din ito kay Mrs. Rosino na pinapaalis agad. He’s a rude guy.
“Sure Mr. Cameron,” segunda ni Mrs. Rosino at bumaling sa ‘kin kaya napatingin ako sa kanya. “Mag-iingat ka Mary dahil hindi na ako ang amo mo.” Ngumiti ako sa saad niya.
Tumalikod na siya at dinig ko ang pagbukas nang pintuan na sumara din iyon ng tuluyan.
Lihim akong huminga ng malalim bago bumaling ulit sa bagong amo ko ngunit halos akong mapaatras ng nasa tapat ko na ito.
“M-Mr. C-Cameron,” nauutal na sabi ko dahil hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya.
Hindi ito nagsalita na nakatingin lang ng diretso sa mata ko kaya napalunok ako.
“Anong sabi mo na toxic ako?” nabigla ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman?
“Sa pagkaka-alala ko ay wala akong sinabi na gano’ng bagay,” pilit kong pinakalma ang sarili ko dahil palapit ng palapit ito sa ‘kin at hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang umatras.
“Talaga bang wala?” nang-uuyam na turan niya. “Siguro tama ang sinabi mo na wala kang sinabi na gano’n.” Nakita kong bumababa ang tingin niya sa leeg ko na inilapit ang kan’yang ilong do’n kaya naramdaman ko ang mainit na hininga niya.
Hindi ako makagalaw sa puwesto ko na parang may kumo-kontrol sa ‘kin.
“Your smell is good.” Lumunok ako sa narinig. Baka mamatay ako dahil hindi ako makahinga nang maayos.
“Ang bango ng perfume mo, amoy Victoria Secret,” ang paghinga ko ay lumuwag ng lumayo na ito sa ‘kin at naramdaman kong napaatras na ako.
Tumalikod na siya na lumapit sa swivel chair niya na hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang nakita dahil umupo na ito at sumandal sa sandalan ng upuan na may konting ngiti sa labi habang nakapikit ang mata.
Ano ba ang iki-nangiti nito? Baliw.
***
Your_QueenAnonymous