Chapter 9

1228 Words
Krisha Penincillon's POV Lumabas sa loob ng kotse ang anim na lalaki. Agad nilang nilapitan ang snatcher at pinagsusuntok ito. “Myghad!” Sigaw ni Niina. Namukaan ko naman yung dalawang lalaki. “Shet! Si Keanne mylabs!” Napasigaw ako. Si Keanne at Peter Johnson magkasama, siguro mga kaibigan nila yung apat nilang kasama. “Ang gwapo!” Kinikilig na sabi ni Niina. Napansin ko naman na nakuha na nila yung bag sa Snatcher, agad naman tumakbo yung Snatcher dahil sa takot. Naglakad naman kami palapit kanila Keanne at Pj. Naglakad din sila palapit sa amin bali magkasalubong kami. Bigla naman bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kilig na aking nararamdaman. “Here's your bag!” Ang sabi ni Pj “Myghad! Thank you P-pj” Ang sabi ni Niina sabay kuha niya ng bag. “Gaga! Akin yan!” Malakas na sabi ni Gail. “Sa susunod mag-iingat na kayo ah!” Medyo suplado na sabi nung kasama nila. Ang ga-gwapo nila Myghad. “Hm bakit ba kayo naglalakad dito? Delikado maglakad sa lugar na ito lalo puro kayo babae” Mahinaong sabi ni Keanne. “Ahhh ehh, ka-kasi naghahanap kami ng Apartment or Condo” Paliwanag ko. Medyo nabubulol pa ako dahil hindi ako makapaniwalang kaharap ko nanaman si Keanne at nakaka-usap ko pa ito. “Condo?” Tanong nito. “Yes” Ang sabi ko. “May alam kami! Kung saan kami nakatira ngayon, may bakanteng unit pa doon alam ko binebenta na iyon baka interesado kayo?” Nakangiting sabi ni Keanne. “Talaga?” Nakangiting sabi ko. “Yes!” Sagot niya. “Btw, I'm Keanne” Ang sabi niya. “Ofcourse kilala na kita, sikat ka kaya na actor” Nakangiti kong sabi. Ngumiti siya at nagsalita ulit “And this is my friend Peter Johnson A.K.A  Pj the youngest but siya ang pinaka sikat sa amin” dagdag pa niya “Hi Pj!” Nakangiting sabi ni Niina na halatang kinikilig. “Hello” Nakangiting sabi ni Pj. “And this is Naza, a commercial model” Pagpapakilala niya dun sa medyo supladong kaibigan niya. “Hi” Tipid na sabi ni Naza. Naza pala ang name niya. “This is Joseph the model!” “Hello” Nakangiting sabi ni Joseph. “This is Marc Louie the dancer” “Hi” Nakangiting sabi ni Marc. “And this is Gabrielle the tambay *Nagtawanan sila* Joke ehe, sila ang may ari ng condominium na titirhan niyo siya ang pinakamayaman sa amin” Ang sabi ni Keanne. “Hi!” Masayang sabi ni Gabrielle. “Ako naman si Kri-kri” Napahinto ako ng marealized kong iba na pala dapat ang pangalan ko “Kristine! Ehe” kinakabahan kong sabi. “I'm Liza!” Ang sabi ni Alyssa. “I'm Sofia” Nakangiting sabi ni Kaira. “I'm Janell” Ang sabi ni Gail. “I'm Mika” Ang sabi ni Niina. “I'm Kathleen” Mahinaon na sabi ni Mariel. “I'm Nalene” Ang sabi naman ni Ariel. “Nice to meet you!” Ang sabi namin. “Nice to meet you!” Ang sabi nila Nag ngitian naman kami. “Salamat pala uli kanina ah” Nakangiting sabi ni Gail. “No problem” Nakangiting sabi ni Pj. -----*****----- Nandito na kami ngayon sa sinasabi nilang Condo. Agad naman namin itong binili. Pinagsama-sama namin ang mga pera namin para mabili ito, buti nalang at ma pera si Kaira kaya sakanya ang pinaka malaking share. “Salamat ah Keanne!” Nakangiti kong sabi kay Keanne. “Walang ano man Kristine” Nakangiting sagot niya. Naglalakad kami ngayon sa loob ng condo unit. Tinitignan namin ang binili namin, may mga gamit na dito at buti nalang kasama yun sa binili namin. “Oh paano ba yan? I think we have to go, may shooting pa kasi kami ni Pj” Ang sabi ni Keanne. “Okay Keanne! Thank you so much” Nakangiting sabi ni Kaira. “Thank you Keanne!” Nakangiti kong sabi. Nag thank you din kami sa mga kasama niya. “Your welcome” Sagot naman nila. At sabay-sabay nga silang lumabas ng condo unit namin. -----*****----- “Haysss!” Napabuntong hininga ako. Nakahiga kami ngayon sa kama dito sa Condo namin. May dalawang kama dito na malaki kaya okay na ito para sa aming pito. Ang sarap pala talaga sa feeling kapag maganda ka no? Parang lahat ng tao mabait sayo. May tutulong sa inyo kapag na aapi ka, walang mang-aasar na pangit sayo. Hayyy, kung panaginip man ito, hindi ko alam kung isa ba itong magandang panaginip o isang bangungot. “Girls! Sisikat na tayo!” Nakangiting sabi ni Kaira. “Tama!” Sigaw ni Gail. “Yah! Magiging sikat na tayong mga artista! Dahil ang gaganda na natin at very talented pa!” Ang sabi naman ni Niina. “Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na ganito na ang itsura natin” Ang sabi naman ni Mariel. “Naku Girl! Maniwala kana that's what we called Puberty hits you! Ng very very super pak pak ganer!” Ang sabi ni Kaira habang, Hinahampas hampas niya pa ang buhok niya. Nasa harapan kasi siya ng salamin nakatayo at halatang gandang-ganda ito sa kanyang sarili. “Hoy! Malanding babae ka!” Napabalikwas kami ng bangon ng may marinig kaming nagtatalo sa labas ng Condo unit namin. Agad kaming lumabas para tignan ito. Nakita naman namin na may nagtatalo na dalawang babae. Naka tapis pa yung isang babae ng kumot habang may lalaki sa likod niya na nakasuot lang ng Brief. Myghad! Siguro yung lalaki ay nasa 40 years old na ito. “Malandi ka! Kabit!” Sigaw nung medyo may ka edaran na na babae, siguro nasa 40 years old na yung babae. at yung isang babae naman ay parang dalaga pa ito nakatalikod kasi yung isang babae kaya hindi namin makita ang muka nito. Hanggang humarap nga yung isang babae sa amin. “Oh myghad!” Gulat na sabi ni Alyssa, Gail at Niina. “Girls, diba si Katherine yun?” Ang sabi ni Alyssa. Tama nga si Katherine nga yung isang babae, si Katherine ay yung kaibigan ni Victoria. “Mygosh! Ang landi!” Ang sabi ni Kaira. “Bakit kaya natitiis nilang maging kabit sila no?” Ang sabi ni Mariel. “Malamang dahil sa pera, papatol ba naman yang mga babae na yan sa mga matatandang lalaki kung hindi lang pera ang habol!” Sagot ni Gail. “Tama!” Ang sabi ni Niina. “Kasalanan ko bang pangit  ka?” Dinig namin na sabi ni Katherine. Siya pa talaga yung matapang, hayss bakit kaya ganyan ang mga tao, mali na sila pero sila parin ang nag mamatapang. “Hindi kana daw kasi masarap!” Dag-dag pa nito. Napansin kong na-iiyak na yung babae. “Walang hiya ka talaga!” Sigaw nung babae at sinabunutan niya ito. Nagsabunutan sila pero sadyang malakas si Katherine. Bigla naman naglakad  si Kaira ng medyo malayo sa amin. Hindi naman napansin ng mga kasama ko na wala na si Kaira sa tabi namin dahil busy sila sa panunuod ng sabunutan ni Katherinen at nung Babae. Napansin ko na parang may binubulong si Kaira. At bigla itong lumapit sa dalawang nagsasabunutan. Nagulat kami ng biglang sabunutan ni Kaira si Katherine at pinagsasampal niya ito. “Mamatay kana sana Katherine!” Malakas na sabi ni Kaira. Pagkasabing iyon ni Kaira ay biglang may kakaibang ihip ng hangin akong naramdaman. Agad akong kinilabutan. Pero ang iba kong mga kasama ay parang walang paki alam basta busy sila sa panunuod ng eksena. “Krisha?” Napalingon ako ng tawagin ako ni Mariel. “Yes Mariel?” Mahiong sabi ko. “Alam ko nararamdaman mo sila” Mahinang sabi ni Mariel. Agad akong kinilabutan sa sinabi ni Mariel, anong ibig niyang sabihin? “Anong ibig mong sabihin?” Nagtataka kong tanong. Hinila niya ako at lumayo kami sakanilang lahat. “Nararamdaman ko din sila Krisha, hindi lang nararamdaman nakikita ko din sila” Ang sabi nito. “Anong ibig mong sabihin? Sinong nakikita mo?” Nagtataka ko paring tanong. Sobrang kinakabahan na ako at takot na takot. “Mga kaluluwa, galit na galit sila, mga babae, hindi ko alam kung bakit pero galit na galit sila, hindi sila matahimik” Misteryosong sabi ni Mariel. “Hoy!” Napahinto kami sa pag-uusap ng bigla kaming tawagin ni Gail. “Napapano ba kayo?” Takang tanong ni Alysss. “Ahh...ehh wala-wala!” Palusot ko. Hindi ko naman napansin na wala na pala si Katherine at yung babae. “Hali na nga kayo sa loob at ng maka kain na tayo! Myghad kanina pa ako gutom na gutom!” Ang sabi ni Niina. “Matakaw!” Ang sabi ni Gail. Hinabol naman siya ni Niina, hanggang makapasok na sila sa loob ng Condo unit. Pumasok na din yung iba naming kasama. Nagtinginan naman kami ni Mariel at naglakad na din kami papasok ng Condo unit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD