Krisha Penincillon's POV *Condo Unit* Nasa Condo unit kami ngayon kasama ang The 7 Rings. Kaming lahat nga ay nagulantang dahil sa nangyari kay Arianne. Hindi namin alam kung sinong gumawa nun. Hindi magagawa yun ng normal na tao. Iniisip ko parin kung may kinalaman nga ba ang mga sing-sing sa pangyayari. Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang mga pag hiling ni Alyssa sa Sing-Sing. May kinalaman nga ba iyon?. "Bakit kayo nakatingin sakin?" Tanong ni Alyssa ng mapansin na halos kami ay nakatingin sakanya. "Diba humiling ka sa Sing-Sing?" Naguguluhang sabi ni Niina sakanya. "Pero hindi naman totoo yun! Kung totoo yun edi sana nanalo tayo sa Contest! Edi sana nagkatotoo yung hiling ni Kaira! Pero hindi! Wala akong kasalanan!" Tarantang sabi ni Alyssa. "Simula ngayon!" Ang sabi ko.

