Pitong mga babae ang lagi na lamang pinagdadamutan ng tadhana isa na siguro sa dahilan ang kanilang pisikal na kaanyuan. Magsisimula ang pagbabago ng buhay ng mga ito mula ng magkakila-kilala sila sa isang audition na sinalihan nila kung saan lahat sila ay hindi pinalad. Isang misteryosong babae ang makikilala nila na magbibigay sakanila ng pitong mga sing-sing, hindi nila alam na ito na pala ang babago sa buhay nila sapagkat lahat ng hihilingin nila sa mga sing-sing ay matutupad. Ngunit hihiling nga ba sila kung bawat hiling ay may kapalit? Sino-sino ang mga madadamay? Ano-anong mga istorya at lihim ang mabubuksan? Sino-sino kaya sakanila ang mapapahamak? Ikaw gusto mo bang suotin ang mga sing-sing at humiling?